LWB2

89 4 0
                                    

Yana's PoV

Well that wasn't that easy. But in the end, si Jungkook, Rapmon at Jhope sa isang kwarto, sabi pa nga nila kawawa daw si Kookie. Then si Jin at V at Suga at Jimin.

"Bessy, uuwi na ako. Magga-gabi na eh." Paalam ni Rianne pero nabatukan ko naman siya kaya siya napa-aray.

"Eh ang dilim na nga, magga-gabi pa tawag mo diyan?" Inirapan lang ni Rianne si Jongdae at sinamaan ako ng tingin.

"Bye na nga!" Sabi niya at lumabas ng bahay. Hahaha! Pikon talaga.

"Ako rin Pinsan, alis na ako. Hyungs! Ingatan niyo si Alyana!" Napatango naman silang saka umalis na si Jongdae.

"Gutom na ako." Sabay na sabi ni Jimin at V sabay tingin sa isa't isa at tiningnan ako. Kaya napaturo naman ako sa sarili ko.

"Magluto ka na Noona." Sabi ni Kookie. I sighed. Hindi ako marunong magluto. Si Mama naman kasi ang nagluluto eh tapos 'pag wala si Mama, it's either si Rianne, si Manang Lin or bibili ako ng pagkain.

"Sige, si Jin hyung na lang." Sabi ni V saka tumayo. Teka, nababasa ba isipan ko?

"Nope. Nababasa ko sa mukha mo." Sabay sundot niya sa ilong ko at tinawag si Jin. So, marunong si Jin magluto? Woah.

"Noona may kapatid ka?" Tanong naman ni Kookie at of nowhere.

"Jungkook, 'wag mo nga ako tawaging Noona, bata pa ako tsaka I'm just one year older than you." Giit ko. Feeling ko kasi 'pag tinatawag niya akong Noona, ang tanda-tanda ko na. Jusme, 19 years old pa lang ho ako.

"Noona pa rin kita."

"Kookie, wag mo na ngang kulitin si Yana." Sabi ni Jhope na ikinangiwi ni Jungkook.

"Tapos na akong magluto. Tawagin niyo na si Leader Mon at Yoongi sa taas."

"Hyung busy sila, inaayos kasi ni Yoongi ang frame na nasira ni Leader." Sabi ni V. Tumayo na lang kami saka tumungo sa kusina.

"Tabi tayo Jiminie!"

"Jin hyung tabi tayo."

"Katabi ko na si Kookie."

"Si Jhope hyung na dito."

"Si Bwii na katabi ko."

Aish! Pati ba naman sa kusina? Ganito ba kagulo ang mga lalaking to?

"Masanay ka na. Ganyan kami eh. Hindi kami BTS kung peaceful yung araw namin." Sabi ni Suga oppa.

"Tsaka, Normal na yan." Natatawang dugtong ni Namjoon.

"Reserved na 'to kay Yoongi hyung!"

"Dito na rin si Leader Mon." Naupo na lang ako at sa wakas! Na settle din sila. At ang sitting arrangement?

         V - Suga - Jimin - Jin
Ako
         Kookie - Rapmon - Jhope

Yan! Mukha tuloy ako ina ng mga alien na 'to.

"Hmm! Mabuti na lang si Jin hyung ang nagluto." Suga.

"Oo dahil kahit gutom na ako, hindi kita palulutuin, Hyung." Sabi naman ni Jimin.

"Tumahimik ka Pandak!"

"Sinong Pandak?!"

"Ikaw!" Sabay-sabay na sabi nilang anim. Hahaha! Pinagkakaisahan nila si Jimin oppa. Napatahimik na lang si Jimin at nilantakan ang pagkain.

"Nga pala, wag kayong kumain ng madami." Napatigil kaming lahat sa sinabi ni Namjoon oppa.

"Hindi ka kasali Yana." Dugtong niya at pinasadahan ng tingin ang anim. Si Jin, hindi natuloy ang pagnguya. Si Suga at Jimin, na traffic ang kutsara sa tapat ng bibig. Si Jhope oppa naman parang pinipigilan ang sarili na hindi mabilaukan. Habang si V at Kookie lang ang nagpatuloy.

"Ang bababoy niyo talaga." Dugtong pa ni Rapmon.

"Nagsalita." Bulong ni V na dinig na dinig ko dahil magkatabi lang kami.

"May sinasabi ka V?" Agad namang napailing si V.

"Anyway. Yana diba may studio daw kayo dito?" Tanong ni Rapmon sa akin. Napatango ako.

"Bakit?" Tanong ni Jin oppa sa akin.

"Ah kasi, mahilig kaming sumayaw ni Rianne." Napatango naman sila.

"Pwede ba naming mahiram?"

"Nako hyung, hindi yun kasya sa kwarto natin." Sabi pa ni Jhope oppa.

"Aray!" Sabi niya at napakamot sa batok nang mabatukan siya ni Rapmon.

"Mag da-dance practice kami eh." Tumango lang ako. Pero teka, gabi na, magda-dance practice pa sila?

"Hindi naman yung dance practice na para sa comeback namin eh. Parang. . . trip lang namin. Hahaha! Sinasayaw namin yung dati naming mga kanta." Sabi ni V. Ahh... Hahaha! Ang galing!

"Sige lang. Pero pwede ba akong manood?" Nakita kong napangisi si Kookie at bumulong sa katabi niyang si Rapmon.

"Oo naman." Sagot nila sa akin.

***

[Playing: Boy In Luv - BTS]

Jungkook: Doegopa neoui oppa
Neoui sarangi nan neomu gopa
Doegopa neoui oppa
Neol gatgo mal geoya dugo bwa

Grabe. Bakit ganyan makatitg si Kookie. Matutunaw na ako. Jusko, tulong!

V: Wae nae mameul heundeuneun geonde
Wae nae mameul heundeuneun geonde
Wae nae mameul heundeuneun geonde
Heundeuneun geonde heundeuneun geonde

V! Ang hot niyang sumayaw. Tapos yung mga sinasabi niya parang hindi nasasakto sa tamang lyrics. May pakagat-kagat pa ng labi. Nakooo! V, tigilan mo yan!

~~~

Rianne's PoV

"Hoy! Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko kay Jongdae.

"Assuming." Sabi niya at inunahan ako ng lakad.

"Woi, joke lang naman. Pero teka, akala ko ba dun ka matutulog sa bahay nina Tita?" He scoffed.

"Wag muna." Sabi niya at hininaan ang lakad kaya nama'y sabay na kami ngayon.

Kruu~ kruu~

"Chen asan ang ka bandmates mo?" Pambabasag ko sa awkward na katahimikan.

"Ewan." Sabay kibit-balikat pa.

"Alam mo, ikaw pa naman bias ko." Napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto na lang rin ako.

"EXO-L ka?" I nodded. Yes! Bias ko si Chen! Nahimatay pa nga ako nung nalaman kong pinsan siya ng bestfriend ko eh.

"So that explains kung bakit ka nahimatay nung nakita ako. Ang gwapo ko talaga!" Napahampas naman ako sa balikat niya. Ang hangin neto, jusko.

"Mag taxi ka na nga. Madilim na, delikado maglakad sa ganitong oras." Napangiwi ako sa sinabi niya. Bumilis ata tibok ng puso ko. Gosh, may sakit na ba ako sa puso? Wag naman sana ito ang ikamatay ko. Phew!

"Kantahan mo muna ako." Sabi ko sabay ngisi. Napangiwi si Chen. Huminto muna siya at. . . .

"Manong, Jeon Village." Sabi niya sa taxi driver at saka binuksan ang pinto sa likuran at tinulak ako.

"Sa susunod na. Bye!" He said saka naman umandar na ang taxi.

Kainis!

–———

Siningit ko lang. Hehe! Hello, hello! Hello, hello!

Vote. Comment! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living with BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon