Aswang sa Bahay

1.9K 10 0
                                    

May isang babae na kabuwanan na ang naiwan sa bahay sa may bukirin. Dahil ang kaniyang mga anak ay naglalako pa ng tinda sa may bayan.

Padilim na ng araw na iyon ngunit hindi pa din umuuwi ang kanyang mga anak. kaya ang ginawa muna niya ay nagtahi habang inaantay ang mga anak.

hanggang sa dumating ang takip silim, ngunit wala pa ding bakas ng mga anak ang nagparamdam. Isang malamig na hangin ang dumampi sa kanyang batok at kaluskos mula sa ilalim ng silong.

Kinilabutan ang babae at kinabahan. Marahan na kumakaluskos sa silong............ maya maya pa ay biglang parang may ungol na narinig ang babae.......

sa takot ng babae ay napasigaw siya... sino ka!!! ang sigaw niya, dahil kabuwanan na niya naraeamdaman niya na baka aswang nga ito. Dali dali siyang nagsambit ng panalangin at sumigaw na kung malakas ka at gusto mong kainin ang anak ko pumasok ka sa pinto!!! Sigaw niya habang kinikalabutan siya......

Biglang nawala ang kaluskos at bigla bumukas ang pinto..........

Magandang gabi po! isang lalaki ang bumulaga sa pinto at nagsabi nay kamusta na po? Lalong kinabahan ang babae kaya napakapit siya sa may dingding. Suot niya ang rosaryo ng araw na iyon. Dahil ang kabilinbilinan sa kanila ay laging magssuot ng krus at rosaryo dahil uso ang aswang.

Biglang kumislap ang rosaryo na nagpagulat sa matang lalaki na pumasok. At agad siyang lumabas ng pinto. At sabay sigaw ng mga anak nanay.......

Ganun na lang ang takot ng babae na baka patayin ang dumating niyang anak kaya agad niya ito sinalubong. napaluha siya at sabay yakap sa 3 anak na dumating.

Doon niya kinuwento ang nangyari sa kanya. Sabay luha at napayakap sa mga anak at nagsabi huwag na kayong magpapa gabi....

Biglang sumarado ang pinto......

Aswang sa BahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon