Akala ni Inang magiging okay na ang lahat pagkatapos umalis ng aswang ng gabing iyon. Kinabukasan pagbukas niya ng pinto nakita niya ang mga patay na ibon sa harap. Nagulat siya pero ibang kilabot ng pakiramdam niya ng panahon na iyon.
Sa lugar na iyon bibihira ang maligaw ang mga hayop lalo na ang ibon dahil iniilagan pala ang lugar na iyon dahil sa bali balita na walang nilalang ang nakakatagal mabuhay dito.
Ni ang mga barangay tanod ay hindi naglalakas loob na gumawi dito para rumonda. isa daw kasi itong lugar na hindi nabasbasan ng Pari.
Nagtataka din siya dahil paano mamamatay ang ibon gayong hindi siya hahampas ng malakas sa bahay dahil isang kubo lang ito at napapalibutan lang nga mga pinagtagpi-tagping pinatuyung dahon ng buko. Kinilabutan siya dahil isang malamig na hangin ang tumama sa batok niya na nagpatayo ng kanyang mga balahibo. At biglang may sumigaw na pagkalakas lakas, doon lalo siya kinilabutan dahil iisang bahay lang naman ang nakatayo sa lugar na iyon kaya kakaiba na may tao pang iba dito.
Agad siyang humawak ng pamalo at nilapitan agad ang kanyang anak. Pero huli na dahil wala na ni anino o ano mang bata ang nasa loob ng kubo.
BINABASA MO ANG
Aswang sa Bahay
Mystery / ThrillerPaano kung ikaw ang nasa kalagayan ng isang pagkakataon na ikaw lang ang tao sa bahay ninyo? Paano kung nakatira ka malayo sa kabayanan? Paano kung may magpanggap sa bahay ninyo at pati na ang pisikal na itsura ay gayang-gaya niya? Kikilabutan ka b...