Chapter 2

0 0 0
                                    

Naglibot-libot kami nila Jean at Bes dito sa Bagong Resort ni Duke. Sila Duke at Bryle naman ay hindi ko alam kung nasan.

"Sha!" May lalaking humarang sa daanan ni bes. Sino siya?

"Steve?!" Napatingin ako kay bes at Jean dahil sabay nilang binigkas yun. Kilala nila 'to? Malamang! Steve nga daw eh. Halatang gulat na gulat sila. Bakit? Artista ba 'to? Tinignan ko yung lalaki mula ulo mukhang paa este mula ulo hanggang paa.
Infairness gwapo si kuya. Di naman ata 'to artista di ko naman siya nakikita sa t.v eh. Pero pwede siyang maging artista ah! Hihihi

"Anong ginagawa mo dito? Kailan ka pa nakabalik?"
Huh? Sa 5 years naming magkakaibigan wala naman silang naikwento sa akin na Steve.

"Nung nakaraang linggo pa." Nakangiting sabi ni kuya. O.P na ako dito ah!

"Ahmm.. Ehem!" Umubo ako kunwari para mapansin naman nila ako.

"Sy." Pabulong ngunit narinig ko pa ring Sabi nung lalaki na nakatingin sa akin. Grabe di ako makatingin sa mga mata niya naiilang ako. Teka nga...

"Bakit mo ko kilala?" Sy daw kasi eh. Pangalan ko naman yun di ba? Ako yung tinawag niya di ba?

"Tara Chie pasok muna tayo sa loob? Malamok na rin kasi eh." Pag aanyaya ni Jean.

"Sge." Naglakad na kami ni Jean at limang hakbang na ang nahakbang namin hindi pa rin sumusunod si bes.

"Bes?" Tawag ko sa kanya.

"Ahmm.. Sge bes mauna muna kayo may pag-uusapan lang kami."

"Ok." Mukhang mahalaga pag-uusapan nila ah. Di kaya ex yun ni bes? Pero wala naman akong kilalang Steve na naging ex ni bes. Haay!

***

Nasa isang round table kaming dalawa ni Jean. Kain lang ako ng kain ng mga masasarap na pagkain samantalang si Jean naman parang ang lalim ng iniisip. Hmm.. Bakit kaya?

"Jean." Tawag ko pero di niya ako nilingon nakatulala lang siya.

"Hey! Jean Cass!" Hala! Di pa rin effective. Malakas na nga yung boses ko eh. I snap my finger in front of her. Dun lang siya natauhan.

"Ba--ba--bakit?" Ba't siya nauutal?

"Are you ok?" Tanong ko nung nanumbalik siya sa katinuan.

"Ye-yes I'm Ok." Ngumiti siya pero halata na fake lang yun. Halatang hindi siya Okay. Anyare sa kanya?

"Nasaan na ba sila Duke and Bryle?" Kanina ko pa kasi sila hindi nakikita eh.

"Nandyan lang yun sa tabi-tabi." Okay. Kanina ko pa napapansin na parang may mali na ewan. Ang ingay pa rin dito sa loob. Puro teenagers na ang natira dito sa loob dahil yung mga ma-edad na ay nagsiuwian na.

Sha-Sha's POV

"Bakit ka pa bumalik?" May halong galit na saad ni Bryle.
Yeah kasama ko sila ngayon. Malayo kami sa resort. Pinahanap ko sila kanina.

"I'm back for her." Kalamado lang siya ngayon.

"She's fine now kaya bumalik ka na sa Japan At huwag na huwag mo na siyang guluhin pa." Kalmadong sabi ni kuya.

"Alam mo naman ang nangyari di ba?!" Pasigaw kong sinabi sa kanya para damang-dama niya.

"I know."

"Yun naman pala eh! Bakit ka pa bumalik?!" Nakakainis na 'tong lalaking 'to ah!

"Alam mo bang kung saan-saan ko siya hinanap!" I know.

"Pakialam ko?"

"Wala kang pakialam kasi hindi naman ikaw ang nasa position ko." Haay! Ang drama naman.

"Bes?" Nagulat ako napalingon agad sa likod ko nung marinig ko ang boses na yun.

"Bes." Kinakabahan ako.
"Kanina ka pa ba dyan?" Dugtong ko.

"Ahmm.. Hindi naman actually kararating ko palang eh." Tungunu. Kinabahan ako dun ah! Akala ko narinig niya ang mga pinag usapan namin kasi malamang magtatanong yan ng magtatanong.

"Chie!!" Hingal na hingal si Jean na dumating.

"Sy." Sh*t! Nandito pa pala 'tong kumag na 'to!

"Ahmm.. Kuya bakit mo po ako kilala?" Isip-isip kailangan umisip ng paraan Sha-Sha.

"Hindi mo pa ba na---"
Pinutol ko na agad ang sasabihin ni Steve.
"Ah! Naikwento kasi kita sa kanya dati tapos pinakita ko sa kanya picture mo kaya kilala ka niya hihihi." Sana effective.

"Ahh.. Kaano-ano mo ba siya bes?" Ano sasabihin ko?! Uwaaaahh. Tumingin ako sa iba pa naming kasama para bigyan sila ng clue na kailangan ko ng tulong nila. Buti na lang tahimik lang si Steve. Subukan niya magsalita malilintikan siya sa akin.

"Ahh! Ano kasi eh.. Siya yung..." Hindi rin alam ni Bryle ang sasabihin Emeged!
"Siya yung naging ex ko bes. Hehehe di ba naikwento ko siya sayo noon hehehe baka nakalimutan mo lang tsaka sa japan na siya nanirahan nun." Diretsong paliwanag ko para hindi ako mahalata.

"Huh? Wala naman akong maalala na Steve na naikwento mo bes eh." Oh! No!

"Ikaw talaga Chie malilimutin ka na talaga naikwento sa atin ni Sha yun noh!" Yes! Thanks Jean. Mukha namang effective palusot namin kasi hindi na umimik pa si Bes.

"Alis na ako." Buti naman at aalis na 'tong bwisit na 'to.

***

Pagkaalis ni Steve ay agad kong tinignan ng masama si kuya at bryle. Hmpf! Ansama nila di nila kami tinulungan buti na lang talaga dumating si Jean. Pasalamat sila nandito pa si bes at hindi ko sila masermunan.

Chie's POV

Sabi na eh! Ex yun ni bes eh! Ang kaso lang wala talaga akong maalala na naikwento niya sa akin yun. Hayaan na nga.
Kanina pa ako nahihilo kumain naman ako aist!

"Wa-wait lang." I feel dizzy. Naramdaman ko na lang na buhat-buhat na ako ni Duke hanggang sa wala na akong makita.

***

* "Hoy! Anong ginagawa mo dyan sa Puno?" Aba't! Di manlang ako pinansin.
"Susumbong kita sa daddy ko."
Di ko naman siya kilala. Ba'---

"Anak?!" Parang may hinahanap yung matanda.

"Hello po!" Masayang bati ko.

"Hi."

"Sino pong hinahanap niyo?"
Tanong ko.

"My son."
Sagot naman niya.

"Ayun po ba?" Sabay turo ko sa nasa itaas ng puno. Baka siya yung hinahanap niya.

"Kyle! Bumaba ka nga dyan! Naku bata ka!" So tama nga ako.
Bumaba naman siya.

"Tsk' Annoying." Hala! Ang sungit naman niya!

"Rude! Psh." Nilagpasan niya ako pati ang mommy niya.
Nagbuntong hininga na lang ang mommy niya.

"Kyle!" Tawag niya rito.

"What?!" Hala! Sinigawan niya lamg niya mommy niya. *

***

"Ouch!" Ansakit ng ulo ko dahil pagkagising ko tumayo agad ako. Lintik na! Ano bang nangyari sa akin? Aist!
Panaginip na naman haay!
--------

A/N:
Libre Lait! Hihihi.

WeirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon