"Are you Ok?" Halong pag-aalalang tanong ni bes.
"Yes." Shit! Sakit pa rin na ulo ko huhuhu.
"Anyari?" Di ko kasi matandaan eh."Nahimatay ka kanina." Kalmadong sagot ni Duke. Ay! Oo nga noh! Naalala ko na nahilo kasi ako eh Actually nung nakita ko si kuya Steve bigla akong nahilo pero di ko na lang pinansin hanggang sa nahimatay ako. Haay! Sakit talaga ng ulo ko.
"May masakit ba sayo?" - Bryle.
"Medyo masakit lang ulo ko." Sobrang sakit nga eh. Aist!
"Magpahinga ka muna bes." Huh?
"How many hours did I slept?" Feel ko kasi umaga na eh."Ahmm.. 6 hours." Tumingin pa si Jean sa relos niya.
"What time is it?" It's Adventure time! Charr.
"7:30." - Jean.
"Ahh." Anu ba yan! Isang tanong isang sagot ang peg namin dito! Ba't ba ang tahimik nila? Di ako sanay. Hmm..
"Ehem!" Basag ko sa katahimikan kanina pa kasi sila tahimik eh!
"Shower lang ako." Tumango na lang sila.
So i took shower nang tahimik pa rin ang paligid. Ang lalalim ata ng mga iniisip nila. Hinayaan ko na lang."Hatid ka na namin bes."
"Ok." Argh! Nakakairita! Tahimik talaga nila.
Nang nasa byahe kami hindi sila masyadong nagsasalita tatanungin lang ako saglit tapos tatahimik na may nangyari bang hindi maganda?
"Ba't ba kanina pa kayo tahimik?" Tanong ko sa kanila.
"Huh?" Sagot nung tatlo. Problema nito ni Duke? Di manlang sumagot. Mapanis laway niya nyan.
"Huh-huhin ko kayo dyan eh!" May sayad ata 'tong mga 'to eh. Bingi ba sila? Psh!
"What I've said. Bakit ang tahimik niyo?" Inulit ko na lang baka nga di nila narinig yun. Hihihi"Ahh.. Wala, wala bes hehe." Wala daw? Weh?
"We're here." - Duke. Bakit parang nagiging masyadong seryoso na 'to?
Bakit ang dami kong tanong? Na hindi alam ang sagot?
Nasa labas na pala si Duke pinagbuksa ako ng pinto ng sasakyan. Gentleman."Thanks. Tara pasok muna kayo." So sumunod naman sila.
"Tita!" Niyakap ko agad si tita. Grabe isang gabi lang kaming nagkahiwalay namiss ko na agad siya.
"Nagbreakfast na ba kayo?" - tita
"Nope." Sa bahay na rin kumain sila nung ayaw pa nila dahil sa mapilit ako at si tita dito rin sila kumaim hihihi.
"Tita. Pwede ko po ba kayo makausap?" Hmm.. anong kayang pag-uusapan nila? Curious tuloy ako.
"Sge. After kong mag hugas."
"Ako na po ang mag huhugas tita." Para naman makapag-usap na agad sila mukhang importante eh. Tumango na lang so tita.
***
Habang nag huhugas ako nakaupo naman sila bes, Jean at bryle sa dinning table.
"Ano kayang pag-uusapan nila?" Tanong ko sa kanila.
"I dunno." - bes.
Nagkibit balikat na lang yung dalawa.Nang matapos ako maghugas ay nanuod na lang kaming tatlo. Di pa rin kasi tapos mag-usap sila tita eh. Nasa labas lang sila pero di ko naman marinig mga pinag sasabi nila dahil medyo malayo kasi sila eh. Nakatingin ako sa kanila nung biglang tumingin sa gawi ko si tita kaya bigla ko na lang iniba ang direksyon ng tingin ko.