Getting to know Us

93 3 0
                                    

Ahuehuehue :)))) yackk

Ohayouuu minaaaa~

Back with another UD :-"

Gumawa rin ako ng isa pang story.. English naman :))

Napakagreen din ng story na iyon eh :))))

'You're my Jinx' yung title :3

Sana magustuhan niyo din.. Give me some suggestions to ok? I'm in dire need of help TT.TT

Well, baka mapahaba ko pa 'to~

READ ON!!>>>>>>>>>>>>>

---------------/-------------------/---------------

*ARES POV*

Ok... Lumipas na ang dalawang linggo na hindi na kami nagkita ni Skyler.

Aaminin ko, namimiss ko siya. Pero ano magagawa ko? Hindi naman daw ako kailangan. Sa bagay, ilang araw lang kami magkakilala eh.

Sa pagkalipas ng dalawang linggo na iyon, ay magsisimula na ang klase nayong araw na 'to.

Nakapagbihis na ako sa uniporme ng Coelho High.

Cute ng design. Long-sleeved na grey na dress ang sa babae, tapos may school jacket na black na kailangang isuot. Sa lalake naman, black trousers at nakajacket din sila. Hanggang leeg yung butones, kaya mukhang turtle neck ng onte.

Tinignan ko muna sarili ko sa salamin. Buhok? Maayos at walang buhok na wala sa puwesto. Damit? Malinis at maganda (ang may suot). Charot! Sapatos? Heels na itim, at sarap lakaran. Mukha ko? Maganda at flawless! As always! Haha! Kapal ng mukha eh.

Patungo na ako sa pintuan nang may naalala akong dapat hindi makalimutan! Yung bag ko! Anak ng kalabaw!

Bumalik ako sa kama at kinuha ang bag sa ibabaw ng iyon. Violet na shoulder bag ang gamit ko. Buti nga at kasya ang gamit ko eh.

Nakalabas na ako sa kwarto nang may narinig akong nagtatawanan sa bandang harapan. Ano naman ang nakakatawa ng ganitong kaaga?

Naglakad ako hanggang sa nakita ko ang grupo na tumatawa ng ganitong oras. Isa sa kanila ay may hawak na laptop at may pinapanood. Tinignan ko yung screen. Wala akong maintindihan kaya umalis na ako doon.

Nang nasa labas na ako ng dorm, nilibutan ko mata ko sa paligid ko. Ang ganda na kasi ng paligid ko... Kung hindi lang talaga 'to gangster school, tulad ng sinabi ni Skyler, eh ok na sana.

Parang garden ang labas ng dormitory ng babae. Puro bulaklak ang makikita mo. Iba-iba ang mga kulay nito. May mga puno rin, kasama ng mga bushes.

Ang sarap siguro maglakad-lakad dito. Nakakaaliw kasi ang paligid. Kaso mamaya ko na gawin. May pasok pa ako.

Binilisan ko paglakad ko. 20 minutes nalang bago magsimula ang assembly. Marami ring estudyante ang nagsisitakbuhan at nagsisilakaran sa daan papuntang Main Building.

"Hi Brendt!"

"Ken! Morning!"

"Ken! Brendt! Kamusta na?!"

"Eeeeee! Zak! Zak! Lumingon ka dito!"

Sigaw sila ng sigaw. Ano ba meron? Tinignan ko kung saan nanggagaling ang mga nagsisigawan. May isang grupo doon na sumusunod sa tatlong lalaki. Majority ay babae sa grupo na iyon.

Yung tatlong lalake... Parang kilala ko sila ah. Tinignan ko sila ng mabuti.

...

...

Goddess of the GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon