I'm All Yours.. I think?

95 4 3
                                    

Ohayouuuuu minaaaaaa~

Kamusta na ba yung mga chapters? Ok lang ba? Mabilis ba o mabagal ba ang takbo?

Ishare niyo rin naman ito :( wala na ata masyadong nagbabasa nito... ;-;

O sige na! Tigil na ang kadramahan! :))))

READ ON!>>>>>>>

--------------/---------------/--------------

*ARES POV*

He kissed me.

Skyler freaking Coelho kissed me.

Heck, he didn't KISS me. He's KISSING me.

Ok... Ikurot niyo nga ako. Nababaliw na ata ako dito...

Nananaginip lang ako! Oo, panaginip lang ito.

*kinurot sarili*

Aray!

Huhuhu, hindi ito panaginip... Naghahalikan nga kami ni Skyler nayon...

Naramdam ko yung kamay niya na nilagay sa bewang ko. Ako naman, nilagay ko kamay ko sa balikat niya.

Bakit? Wala naman akong sinabi na ayaw ko na hinahalikan niya ako ah.

Linayo namin ang mukha namin sa isa't isa. Kailangan din namin huminga no.

Nilagay niya kamay niya sa mukha ko at nagtitigan kami ng ilang minuto. Lalo akong nahuhulog sa kanya. Pero ganoon din ba ang nararamdaman niya? Ilang araw lang kami nagkakilala, pero may lakas siyang sabihin na akin siya sa harap ng buong eskwelahan.

"Ahem. Hijo, wag mong kalimutan kung nasaan ka nayon." wika ni Sir Leonardo kay Skyler.

Tinignan niya naman ako, at ningitian.

"Ikaw pala ang babaeng ikinukwento sa akin ni Skyler. Matagal ka nang pinaguusapan namin hija, matagal din kitang gustong makausap. Mabuti naman at nagkakilala tayo, kahit hindi maganda ang paraan ng pagpapakilala mo sa akin dahil sa apo kong matigas ang ulo. Ako nga pala'y lolo ni Skyler, kung hindi mo pa nahahalata. Leonardo Coelho, magandang umaga sa iyo." sabay yuko sa akin.

Tinignan ko si Skyler, tapos bumalik kay Sir Leonardo. Napangiti ako. Parang lolo, parang apo. Mahabang introduction eh.

"Magandang umaga rin po sir. Mabuti nga po naman at nakilala rin po kita, mukha pong kayo ang pangulo ng lahat ng tao rito. Sana po ingatan niyo po ako dito." Sabay yuko sakanya.

"Oh hijo, ang galing mong pumili ng babae. Maganda siya, mabait, matalino. Mukhang naswertehan ka ngayon." Ibinulong niya kay Skyler kahit naririnig ko. Namula lang pisngi ko doon.

"Sir naman. Nag-mana lang ho ako sa iyo." Sabay tawa si Skyler.

"Oo nga naman!" At sumama na rin sa tawanan si Sir Leonardo.

Ay. Nayon ko lang naalala kung nasaan kami. Oh may gash! Nasa harap kami ng ilang libung taong kasing edad namin, at naghalikan pa kami sa harapan nila! Tinignan ko si Skyler pero parang ang kalma niya. Masyadong kalma. Huhuhu... Lagot ako mamaya kela Brendt.

*SKYLER POV*

Nahuli kong nakatingin sa akin si Ares. Ano naman kaya ang tumatakbo sa isipan ng babaeng ito. Nilingunan ko muna siya at hinarap ang mga estudyante ng Coelho High.

"Excuse muna sa inyo mga mahal naming estudyante. At patawarin ninyo ako sa naganap kanina. Sadyang hindi ko natitigil ang aking sarili kung minsan." Sabay tingin kela Brendt na magkakasama - sama kasama sila Ken, Zak, at Zoei. At lahat sila'y nakangiting iisipin mong nababaliw na ba o ano.

Tinignan ko naman si Ares na halatang nawawala sa sarili niya dahil sa nayari kanina. Nahuli niya naman akong nakatingin sa kanya at ningitian ko lamang.

Binalik ko antensyon ko sa mga taon nasa harapan ko.

"Now, if you'll excuse me. I will be taking possession of this girl behind me. Brendt, Ken, Zak. Sunod nalang kayo." Wika ko ng seryoso sa grupo ng estudyante sa harapan ko. "Ikaw din Zoei."

Tinalikod ko sila at lumapit kay Ares. "Ready ka na ba para sa mga kahirapan na haharapin mo?" Tinanong ko siya, habang hinahawak kamay niya.

Nagtitigan kami ng ilang minuto. Nagnod nalang siya, sabay takbo kami palabas.

.Sa loob ng kwarto ni Skyler.

Ang ingay naman nila... Grabe... Nakaka-sakit sa ulo... Kung anu-ano naman kasi ginagawa ng mga 'to...

Si Ken sigaw ng sigaw sa kalaro niya sa MW3 gamit headphones niya... Si Brendt at Zak naman naglalaro ng billiards sa sulok, eh ang ingay dahil nag-dare sila na kung makashoot ang isa, huhubad ng isang piraso ng damit nila... Si Zak naka pantalon at boxers nalang, habang si Brendt wala pang natatanggal... Magaling siya mag-billiards eh...

Sila Zoei at Ares naman, nag-uusap doon sa bandang sulok... girl talk. Eugh. Inisip kong lumapit, pero wag nalang...

Bumalik yung isipan ko sa nangyari kaninang hapon. Over the top ba?

Parang ok lang sa akin eh. Pero ang tanong, ok lang ba kay Ares?

Tinignan ko sila Zoei at Ares, kanina pa kasi sila nag-uusap doon. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila, pero kahit ganoon, ay lumapot pa rin ako sa kanila.

"Nang-iistorbo ba ako sa inyong dalawa?" Tanong ko habang lumalapit sa kanila.

Tinignan ako ng dalawang babae, at umiling lamang si Ares.

"Hindi naman Sky. Girl talk lang ito. Sadyang matagal." Sagot naman ni Zoei.

"Ah. Maari ko bang mahiram ang isang binibining ito?" Tanong ko muli kay Zoei.

Nagtitigan silang dalawa, at feeling mong nag-uusap sila sa mata nila. Muling binalik sa akin ang tingin ni Zoei.

"Ipangako mo sa akin na hindi siya mapapahamak pag pumayag ako." Wika niya sa akin.

"Pangako."

Itinulak niya si Ares palapit sa akin, sabay ngiti ng malaki.

"Oh ayan. Sayong sayo na siya! Kung siya nasaktan mo, asahan mong ihuhunt kita gamit mga gwardya ko!" Wika niya muli, na may kasamang halakhak.

Tinignan ako ni Ares, at namula sa kaniyang pisngi. Ningitian ko siya, at ngumiti rin siya sa akin.

"I guess I'm all yours.. I think?"

--------------/---------------/--------------

AWOO! UPDATE NA RIN! AFTER ILANG MONTHS NA UPDATE DIN!!!

SORRY GUYS AT NAYON LANG AKO NAG- UD!

Graduation month na kasi. Mag-graduate na ako from HS! WOOH! ;;)

Next UD unsure. Pero promise itutuloy ko na! ;;)

Ciaosu~

-BlueRose

Goddess of the GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon