Dear Diary,
Heto na naman ako sinusulatan ko na naman ang mga pahina mo at sinasayang ko na naman ang tinta ng ballpen ko di bale limang piso lang naman ito sa tindahan. Pasensya ka na alam mo naman na ikaw lang ang nakaka usap ko, natatakot kasi ako na makipag usap sa kanila baka kasi di nila makasundo. Alam mo ba kanina sabi nung guro namin by partner yung project nag kagulo lahat sa room at nag hahanap ng kapareha. Ako? Naka upo at sinisilayan sila, umaas na may lalapit sakin at mag aalok kung pwede ko ba syang makapareha pero wala, walang lumapit sakin. Naiiyak na naman ako diary bakit ganun? Sa bahay di na ako napapansin nila mommy at daddy, sa school mag isa pa ako. Pero sanay na akong mag isa ay mali! Hindi pala ako mag isa kasi kasama kita. Ikaw ang kasama ko, kaibigan kita, ikaw lang nakaka alam ng totoo kong nararamdaman. Wag mo akong iiwan ha? Ayaw ko kasing mag isa.
Oo nga pala kanina mag isa na naman akong kumain sa bahay, wala na naman sila. Dapat nakakapag salita ka no? Nakaka iyak kasi. Hirap talagang maging mag isa. Parang gusto ko ng wakasan itong buhay ko.
Liliana
BINABASA MO ANG
Diary Ng Lahat
Teen FictionMga saloobin ng iba't ibang klase ng tao. Mga nararamdamang tinatago sa sarili. Mga buhay na may thrill o mga buhay na kabagot bagot. Isa ka ba sa mga taong to? Nadadama mo ba ang nadadama nila sa bawat salitang iyong nababasa? Sa bawat tuldok at ku...