ONE

1 0 0
                                    


~~~~ONE~~~~


*Jasmine*


"Uy girl! Ano, tulala ka nanaman dyan?" Sambit sa akin ng bestfriend ko at iniabot sa akin ang pagkain na binili niya para sa amin sa canteen.


Break naming ngayon at nandito kami sa garden ng school. Favorite tambayan kasi talaga ito ng mga estudyante, bukod kasi sa malamig ang hangin at malilim dahil sa mga puno, malawak din dito at kahit madaming estudyante pwedeng pwede ka ditong matulog.


Anyway, ako nga pala si Jasmine Louise Alvarez, bunsong anak nila Jenny Alvarez at Jerry Alvarez, owner sila ng isang kilalang architectural firm sa Pilippinas at ibang panig ng bansa.

And ito naman ang bestfriend ko, si Iris Molina. Bestfriend ko na yan since elementary kaya alam na niya storya ng buhay ko. Marami ang nag sasabi na sobrang opposite naming dalawa, maingay siya, tahimik ako, friendly ang easy to approach siya samantalagng ako, medyo iwas sa tao, amasona siya, mahinhin "daw" ako. Pero kahit may pagkakaiba kami ng ugali, nag click naman kami sa maraming bagay, parehas kaming mataray, mahilig kumain, stress reliever ang shopping, parehas kaming kakaiba ang trip, loka-loka, at marami pang iba. Kapatid na ang turingan naming sa isa't isa.


"Ano, pinagalitan ka nanaman ba ng mommy mo? " dugtong na tanong ni Iris.


"Wala naming bago dun sa pinagalitan ako." Sambit ko at pagak na tumawa. "May iniisip lang ako na gusto kong kainin kaya napatulala ako. Hahaha" palusot ko.


"Ewan sayo. Kumain na nga lang tayo dahil baka mamaya ma late nanaman tayo sa history. Ang terror pa man din ng prof natin dun, pa special pa kala mo naman major." Totoo naman to di ba? May mga minor subject tayong pa major, yung tipong tuwing meeting may ibibigay na project, activity, assignment, at lung ano-ano pa tapos ang matatanggap mong grade ay mababa, nakakaloka dinaig ang major! (HUGOT LOL)

.

.

.

Matapos naming kumain ay gada kaming nag ligpit dahil 10 mins nalang at time na. Second year college na nga pala kami ni Iris, same school pero magkaiba kami ng course, Architecture ako samantalang siya is HRM. Pinarehas lang naming itong schedule naming sa history para kahit papaano'y maging mag kaklase kami, parehas din ang sched ng break namin, kami lang naman kasi ang magkasama, ayaw na niya makipagkaibigan sa iba dahil ang pa-plastik lang daw.


Nag mamadali na kaming mag lakad ng bigla namin margining ang mga sigawan at ang dami naming nakakasalubong na nag tatakbuhan papunta sa may sentro ng garden. Ano nanaman kayang meron?


"ay ate, anong meron at ang daming nagtatakbuhan?" tanong ni Iris dun sa babaeng nakasalubong naming.


"ay, may nag ce-celebrate kasi ng aniv nila, mag pro-propose ata yung lalaki. Ihhhhh. KELEG!" kilig- na kilig na sabi nung babae.


Propose? Hello, college palang nag po-propose na? grabe ahh


"Propose? Aba! Mag be-break din yan!" sabi ni Iris sabay roll ng eyes. BITTER!


"ay, ang bitter mo naman te. Dyan na nga kayo, HMP!" at umalis na yung babaeng pinagtanungan namin.


"Ang OA naman nun, nag aniv lang may pa-propose pang nalalaman. Megadh!" hirit ulit ni Iris


"Ay nako girl, hayaan mo na nga yang mga yan bilisan nalang natin at baka malate pa tayo. At please lang ah, wag bitter. Hahahaha" sabi ko at hinila siya papunta ng room. 5 mins nalang before ang klase, baka maabutan pa kami ni ma'am Dragon dito sa labas.


^^^


*Clark*


Tsk. Kinakabahan ako, na nae-excite. Aniversary namin ngayun at eto ako, gagawa ng eksena sa gitna ng school garden. Ipagisisgawan ko sa kanilang lahat na mahal ko ang girlfriend ko, na handa ko siyang pakasalan pagdating ng "Tamang Panahon".


Nakakatawa lang, di ko aakalain na magagawa ko tong kalokohan na to para sa taong mahal ko. Oo nga't ang OA, ang corny, ang baduy pero wala akong pake dahil lahat gagawin ko para sa mahal ko. Para kay Janine, lahat gagawin ko.





_______________________________________________________________________________________________________


A/N:


Yes, buhay pa ako. hahaha sorry na busy ang lola niyo at yeah, tamad. :D

di ko alam kung kelan ulit masusundan ito pero sana magustuhan niyo.

Salamat sa mga nag basa, nagbabasa at mag babasa.


Till next time sea creatures,

Fatty Mermaid! :P

>>Aielle<<



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding My New BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon