.CHAPTER4.

16 1 0
                                    

Jomiho's POV:

Kanina pa may sunod ng sunod sakin, panget na ako ha? bakit may stalker pa ako? 

"Miss!?" 

"Pst Miss!!!" Sigaw ng lalakeng humahabol sakin.

Miss? tapos ano? kukunin mo pangalan ko? kukunin mo number ko? tapos mag kakatext tayo? Magiging mag kaibigan to mag ka IBIGan, papakiligin mo ako araw araw, masasanay ako na lagi kang nandyan para sakin tapos pag may nakita ka ng iba, pag nag sawa ka na sakin. iiwan mo lang ako ng parang walang nangyare! WAG NA UY! 

"Wag ka mag papansin kung di mo rin naman ako sasaluhin!" 

"Huy!!! Girl!!! Gising! ano ba yang pinag sasasabi mo?" OMG. Panaginip lang pala. buti ginising ako ni Roberta, nakatulog ako sa clinic. Oo yung baklang Roberta na to ang nurse ng clinic sa university. 

"Wait?! *kapa sa mukha* Tinanggal mo yung prosthetic ko?!"

"Oo Girl! Para naman maka hinga yung Face mo. duh. tyaka may kurtina naman tong clinic ko don't worry."

"Thank you sa pake mo ikakaunlad ng ekonomiya yan." Humiga na ulit ako at nag taklob ng kumot.

Austin's POV:

Nasan na kaya yung nerd na yun? Tsk... 

Baka nasa Cr 

Wala naman eh... pero ano tong nakikita ko sa cubicle

ba bakit may nakaluhod na babae? Dinadasalan niya ba yung namayapa niyang tae sa inidoro? pero may paa ng lalake eh, nag popropose? Babae na pala talaga nag popropose? At sa Cr pa? Grabe na talaga mga kabataan ngayon. Pero sweet naman talaga pag babae nag eeffort, swerte naman ng lalake.

"UGHHH! thank you babe next time ulit!" Sigaw ng lalake. aba inabuso yung effort ng babae. tsk pero sila na talaga sweet.

"CONGRATULATIONS YIEEE!" Sigaw ko pag labas nila, Parang nagulat ko ata sila...

Tumakbo sila bigla.

"Ate! wait! may sipon ka sa noo mo!" Sigaw ko, pero di na ata ako narinig. Umiyak siguro sa saya yun nung sinagot siya ng lalake kaya punong puno ng sipon sa mukha. Hays cute nila. sana ganun din future Gf ko yung luluhudan ako mapatunayan niya lang sakin na mahal na mahal niya ako.

Pero teka, misyon ko na hanapin yung nerd na yun. 

*Tok Tok Tok* Katok ko sa Clinic

"Yes bebe boy ano yun?" Tanong ng baklang nurse na bumungad sakin.

"Uhmmm may hinahanap lang po ako na nerd na babae."

"Ahhh si Jomiho Gozon? natutulog siya eh." 

Sorry Lord, Kailangan ko to gawin para sa pagkain at sa bestfriend ko.

"AHHHHH!! Ashdkahkdhakjehdkasbnxjkasbdj!!!" Sigaw ko, kunware ine epilepsy ako. Sana wag ako maihipan ng masamang hangin.

"OMAYGAHDDD!!! DARLA ANO NANGYAYARE SAYO!!!" Nataranta yung nurse at dinala ako sa loob ng clinic at pinahiga ako. Sinubuan pa ako ng kutsara pwe! nag kunware na akong kalmado at tulog.

After 6 minutes nag lunch break na yung nurse. minulat ko yung mata ko. Ito na siguro yung nerd, nakataklob pa talaga ng kumot ha! 

Kinuha ko na yung camera ko, at aalisin ko na yung kumot nitong nerd na to para matapos na!  wooh dami kong pinag daanan nandito ka lang pala sa clinic.

Pag tanggal ko ng kumot.

Hindi naman siya to eh!

Makinis yung mukha,Maputi,walang salamin... at mukhang anghel hindi naka bisangot gaya nung nerd na yun. kahit anong anggulo sa camera ang perfect. wait shunga ko may flash... baka magising.

"ANONG GINAGAWA MO DITO!!!! SINO KA!!!!?? BASTOS!"  Sinakal niya ko sa pader, sinamaan niya ko ng tingin. pero may iba talaga sa mga mata niya na pinapabilis yung pag tibok ng puso ko...

"A..a..Ako si Austin Kyle! Di ako bastos wala akong ginagawang masama alam ng Diyos yun."

"Burahin mo yang Picture! Hindi ako maganda! Nerd ako! Ne neerd si Jomiho Sy Gozon!!!" Sigaw niya at binitawan ako, umiiyak siya ng parang bata sa sahig.

"Siya ikaw? Ikaw siya? Bakit mo ginagawa yun?" 

"Kasi I want to be appreciated for more than just my looks! gusto ko ng taong mamahalin ako ng totoo, tatanggapin kung ano man ako at yung di ako itetaken for granted." 

Umupo ako sa tabi niya.

"Ganun ba? edi your wish is my command." Sabi ko sabay abot ng panyo sakanya.

 







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beauty and HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon