"She's so pushy," naiiling na sagot ni Jeric ng tanungin siya ng mga kaibigan kung gusto niya si Mikaela, anak ng isang pulitiko sa lugar na iyon ng Quezon. Naroon lang siya dahil sa imbitasyon ng pinsang si Gary upang maging best man sa kasal nito. He's living in Europe since childhood at mabibilang sa daliri ang ganitong pag-kakataon na pumasyal siya sa Pilipinas, ang bansa ng kanyang ina.
"But surely, she's a babe!" komento pa ng isa niyang pinsang si Manuel. Nag-sangayunan ang ibang naroroon na kabinataan.
"Yung ibang dalaga, hay naku, sayo lahat nakatingin. Talaga namang ikaw ang tinatarget eh," si Gary.
Natatawa lang siya. Sanay na siya sa ganoon. Kahit saan sya magpunta, women of all ages are chasing him. Bakit nga ba hindi? He's a typical mestizo. Tall, muscles at the right places, tayong pang-model, blue eyes na nagpapalit ng shade depende sa emosyon nya, lips that every woman in this world would kill to kiss it.
Upang makaiwas pa sa mga pang-aalaska ng mga pinsan, nagpaalam siya na maglakad-lakad sa dalampasigan dahil medyo nakainom na siya. Sa beach ginanap ang kasal ng pinsan. Alas diyes na ng gabi kaya mangilan-ngilan na lang ang naglalakad. Nakita niya ang isang babaeng nakaupo sa buhanginan at nagsusulat doon gamit ang isang sanga ng kahoy. Tumigil siya sa paglalakad. Tumayo ito at naglakad papuntang tubig. Linapitan niya ang inalisan nito. Isang pangalan ang nakasulat doon na may cross-out ngunit dahil madilim na ay hindi niya iyon mabasa. Nagkibit balikat siya. Nang tanawin niya ang dinaanan nito, hindi na niya makita ang dalaga. Paalis na siya sa kinatatayuan upang ipagpatuloy ang paglalakad ng may nahagip ang mata niya na isang tao na tila nalulunod.
Hindi na siya nagdalawang isip at agad na lumusong ng tubig. Sumisid siya nang di na niya matanaw ang taong iyon at nakita niyang pabulusok iyon sa ilalim ng dagat. Agad niyang inabot ang kamay nito pahatak at umahon sa tubig. Binuhat niya ang babae at inihiga sa buhanginan. Wala itong malay at tila naka-inom na ng maraming tubig. Marami siyang alam tungkol sa first aid kaya nilapatan niya ang babae. Maya maya ay dinalahit ito ng ubo dahilan upang mapalayo siya ng konti dito. Muli itong humiga sa buhangin at pumikit. Matamang tinitigan niya ito. Nothing special about her face. Di hamak na mas magaganda ang mga kababaihang nag-papapansin sa kanya kanina. But there is something in her na di niya maipaliwanag. Dumilat ito at kumunot ang noo ng mapansing nakatitig siya dito.
"Ikaw ang sumagip sa akin?" umupo ang babae sa buhanginan. Tumango siya.
"Thanks. Pinulikat kasi ako. Gusto ko lang namang mag-lunoy bago ako bumalik sa Maynila mamayang madaling araw," mahabang paliwanag nito. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. He saw a not so perfect set of teeth but it suits her. Most of the time, sa ngipin siya tumitingin agad. But her smile enchants him with those not so perfect teeth.
"No problem," umayos ng upo sa tabi nito. They are both soaking wet.
"Nabasa ka tuloy,"pansin nito sa damit niya.
"Okay lang. At least nawala ang lasing ko. I'll be leaving early morning tomorrow kaya naglakad lakad ako," nilingon niya ang dalaga na maraming buhangin ang buhok. "Daming sands ng buhok mo,"natatawang sabi niya at hinawakan ang buhok nito. Bigla itong humawak din sa buhok.
"Nakakahiya naman sayo," at walang sabi sabing tumayo at muling tumakbo sa tubig. Napasunod siya ng takbo dito.
"Hey," sabay haltak sa braso nito. Nasa tubig na sila ng maabutan niya ang dalaga. "Baka malunod ka na naman."
Ngumiti ito sa kanya. Inilubog ang buong katawan sa tubig at muling umangat.
"Nahiya kasi ako sa iyo. Punong puno ako ng buhangin. Very unglamourous," sabi nito na ikinahalkhak niya.
"Then let's enjoy the water together," sabi niya dito.
"Pero wag sa malalim ha. I'm not a good swimmer. Basic lang ang alam ko. Kapag wala pa akong natapakang buhangin, di ko na kayang lumangoy," sabi nito na di napansing napangiti siya. She really amuses him. So true to herself.
BINABASA MO ANG
When You're Gone
Romance"Loving you is not easy..." Having a man beside her is not Lalaine's top priority as she is busy earning for her son whom she is raising alone. And a growing love that she has for her boss should be repressed if she wants to keep her high-paying jo...