Chapter 1 - Meet the Boss...

212K 1.9K 119
                                    

 The Boss and the P.A pix at the side :-)

 ~~//~~

“Ano ka ba naman Aine? Di ba sabi ko sayo, I need the Budapest file not the Barcelona?” sita ni Jeric sa kanya. 

She’s working as P.A. of the President and CEO of AV International. Their business are from Hotels, Real Estates, Construction and Food. Tatlong taon na siya dito at sanay na siya sa outburst ng binata lalo na kapag maraming trabaho ang nakatambak.

Napayuko ng ulo ang mga naroroong tao sa conference room.  Kapag ganitong nag-tataas na ng boses ang may-ari ng kompanya ay tahimik ang lahat.  Di sila sanay na ganito ito.  Namumukod tanging si Aine lang ang kayang tapatan ang ganitong mood ng binata. Nakataas pa rin ang mukha niya at sinalubong ng tingin ang amo. 

“I’m not deaf.  I heard clearly what you’ve told me in your room.  Now for your satisfaction, I’ll take the Budaphest file for you as well. Excuse me,” at tumayo siya mula sa kinauupuan.  Nang mailapat niya ang pinto ay bumuga ng hangin upang pinakawalan ang pinipigil na inis. Naglakad siya papunta sa lamesa reminiscing how she got that big post….

....................

“Another poor lady,” naiiling na balita ni Roberto Villaluz sa asawang si Isabelita na nakuha agad nito ang ibig niyang sabihin.  Tila nahahapong napaupo sa sofa ang Don.  Linapitan ni Isabel ang asawa at hinagod ang balikat nito.  “I don’t know what I will do to that son of yours.  Pinakamatagal na ang tatlong buwan sa mga nag-aapply na P.A.”

“E alam mo naman ang anak mo.  Ayaw na ayaw niya ng mga babaeng napapatunganga kapag nakikita siya,” hinalikan niya sa labi ang asawa.  Iniupo siya nito sa kandungan at parang mga bagong kasal na naghinang ang mga labi.  The love between them is still overflowing.

“Let’s forget about those ladies in your son’s life.  At baka bigla kang tumanda.  Let’s go out. I want to do shopping for him,” at hinaltak ang asawa patayo at iginiya sa kwarto upang mag-bihis.

 

~~//~~

 

“Napakakulit talaga ng anak ko,” natatawang kwento niya sa mga kaibigan. Kasalukuyan silang kumakain sa food court ng mall.

“E tol, normal lang naman un sa mga bata. Kahit na makulit un, matalino naman,” sabi ni Naty sa kanya bago kumagat ng burger.

“That’s why I’m so thankful.  Dahil talagang matalino ang baby ko,” sabay ngiti ng maalala ang anak.  "Kaya nga pinagbubutihan ko talaga ang trabaho ko.....alam nyo na, lumalaki na siya, mas marami na ang gastusin ko."

Napalingon si Isabelita sa mga nag-uusap.  One lady caught her attention, like how she got the attention of her friends.

“Hey darling, who are you looking at?” sita ni Roberto sa asawa na napatigil sa pagkain.  Sinundan niya ang hinahayon ng tingin nito. Napakunot-noo siya at muling ibinalik sa asawa ang tingin.

“Do you mind if I speak to that lady over there with a white floral top?” tanong niya habang nakangiti sa kabiyak. “And I need your business card,” at bago pa nakatutol ang asawa ay kinuha na nito sa pitaka ang hinihingi.  Agad itong tumayo at lumapit sa mga limang magkakasama.

“Hi,”bati niyang nakangiti sa magkakaibigan.  Napatigil ang mga ito sa pag-uusap at pare-parehong nagtatanong ang mga mata na tumingin sa kanya.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon