A Walk To Juliet

40 1 0
                                    

Sometimes love isn't fair. You must struggle in order for the both you to move.

Nakatingin ako sa puntod ni Josh habang nagtitirik nang kandila. Umupo ako sa damuhan at hinimas ang lapida na may pangalan nya. Huminga ako nang malalim habang pinipigilan ang pag patak nang luha ko.

Dalawang taon na ang nakalipas pero d ko parin sya makalimutan. Ang ngiti nya, ang pagtawa nya, ang paghawak nya sa kamay ko, ang pagsambit nya sa pangalan ko, ang pagdampi nang labi nya saakin, ang mainit nyang yakap, ang pagbulong nya nang mga salitang nagsasabing d nya ako iiwanan dahil mahal nya ako, lahat sakanya.. Lahat lahat ay na-mimiss ko.. Ultimo ang amoy nya kahit pagod sya galing trabaho.

Nakakainis isipin na nauna sya saakin. Nakakainis isipin na dinaya nya ako. Nakakainis isipin na hindi nya tinupad ang pangako nya.

"Josh, hintayin mo ko dyan ha." Bulong ko habang pinupunasan ang namumuong luha ko.

Umubo ako at naramdaman ko nanaman ang sakit na parang may humiwa sa lalamunan ko. Sa bawat pag ubo ko ay nalalasahan ko ang dugo. Pinunasan ko ang bibig ko nang panyong may burda pa nang pangalan ni Josh at nakita ko ang dugo. Hindi na ako magtataka kung bakit.

"Claire." Napatingin ako sa lalaking papalapit saakin. His three-piece-suit make him more handsome. Nakakunot noo syang papalapit saakin.

"Bakit umalis ka sa bahay nang wala ako?" Tanong nya sabay hawak nang kamay ko nang mahigpit.

"Dinalaw ko lang sya, Christian." Sagot ko. Tumango naman sya. Naiintindihan nya ako dahil sya ang sumalo saakin simula nang nawala si Josh.

Galit ako sakanya noong una, pero wala akong magawa dahil..

Pinagkasundo kami.

Sya ang pinakasalan ko imbis na si Josh. Pero kahit ganun, nirerespeto nya ang nawala saakin. Napakabait nya, maalagain at maunawain.

Sabi nya, aalagaan nya daw ako gaya nang pag aalaga saakin ni Josh. Kahit d ko sya mahalin nang gaya sa pagmamahal ko kay Josh ay ayos lang.

"Dapat d kana umalis sa bahay. Pinag alala mo tuloy ako." Sabi nya saakin habang nakangiti akong iginaya sa sasakyan. Pinagbuksan nya na ako nang pinto at pumasok narin sya at pinaandar na ito.

"S-Sorry ha.." Sabi ko. Tumingin sya saakin at hinawakan nang isa nyang kamay ang kamay ko.

"Ayos lang Claire. Naiintindihan ko." Sabi nya.

"Ilang buwan nalang ba?" Tanong ko. He bite his lips and focus his eyes on the road. I can sense that he's hurting.

"T-Two months.." Sagot nya at nagpabuga nang hangin.

"T-Two months nalang pala no? Two months nalang mawawala na ako." Sabi ko habang nakatingin sa labas nang bintana.

Humigpit ang paghawak nya sa kamay ko. "Huwag mong sabihin nyan. I will find a doctor, at alam kong pagagalingin ka. Gagaling ka." Sabi nya.

Hindi na ako umaasang gagaling pa ako. Mahirap kasi umasa kung alam mo namang walang patutunguhan ang bagay na iyon. Ilang doctor narin ang nakilala ko, ilang ospital na rin ang napuntahan ko. Marami silang sinabi na hindi ko maintindihan ang alam ko lang unti unti na akong namamatay.

Huminto na ang kotse sa harap nang bahay namin ni Christian. Masasabi mong malayo ang narating nang isang tao base sa bahay palang nito.

Pinagbuksan nya ako nang pintuan pero nahilo ako hindi dahil sa init o sa amoy nang mga bulaklak. Nahilo ako at nanghina.. Unti unti kong naramdaman ang pagbigat nang mata ko hanggang sa nakita ko si Christian na nagmamadaling saluhin ako at nawala na ako sa kamalayan.

A Walk To JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon