Chap. 2

28 1 2
                                        

Author's Note: Pambawi sa short updates ko. :) *insert kilig* .

Chapter II: My Juliet
-

Bumangon ako nang maaga dahil gusto kong magjogging. Nakasanayan ko nang gawin to simula nang naghighschool ako.

Nagsuot ako nang pang work out na damit at kinuha ang Ipod at earphone ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.

Masasabi kong maganda naman ako, in fact may mga nanliligaw naman saakin sa school. Maputi ako kaya pag medyo naiinitan namumula ang mga pisngi ko. Matangos ang ilong ko, kulay grayish brown naman ang mga mata ko na namana ko pa sa mga mata nang Lola ko at mapula ang labi ko kahit d ako maglipstick. Masasabi kong simple lang ang ganda ko.

Pinusod ko ang hanggang dibdib kong buhok at ngumiti sa salamin. Lumabas na ako nang kwarto ko at nakita ko si Daddy na may kausap sa cellphone nya.

Palagi ko nalang nakikita na may kausap sya sa telepono. Dati, napapansin nya pa ako. Ngayon, hindi na kasi mas iniintindi nya ang trabaho. Yung Mommy ko? Namatay sya two years ago. Nagkasakit kasi sya kagaya daw nang sakit nang Lola ko.

"G-Goodmorning Dad." Sabi ko. Napalingon naman sya saakin at ngumiti.

"Goodmorning Sweety." Sabi nya at niyakap ako.

"Go to the kitchen and eat." Sabi nya at pinakawalan na ako.

Pumunta na ako sa kusina at narinig kong nag uusap ang dalawang maids. Mas matanda sila saakin nang tatlong taon. Kaya nga nagtataka ako kung bakit d sila nag aaral at nagtratrabaho na sila bilang katulong.

"Grabe!! Nakita ko kanina yung lalaki sa labas. Ang pogi talaga!" Sabi nung isa.

"Oo nga e.. Ang pogi. Kanina pa yun pabalik balik sa harap nang gate e." Sabi pa nung isa.

"Aheeeem.." Panggugulo ko. Napatingin sila saakin at yumuko.

"Okey lang.. Pero wag dito. Baka mahuli kayo ni Nana." Sabi ko at ngumiti sakanila.

Alam kong alam nila ang sinasabi ko at nginitian din nila ako at umalis na.

Sinimulan ko nang kumain. Sino kaya yung pinag uusapan nang dalawang maids kanina? Pogi. Hmm.. Baka magnanakaw yun pabalik balik daw sa gate e.

Nang natapos na akong kumain ay nagpahinga ako saglit saka lumabas na nang bahay. Nakita ko si Manong Ernest na pinagbuksan nang pinto nang kotse si Daddy. Aalis na naman sya.

Nang nakaalis na sa harapan ko yung kotse. Tumingin ako habang papalayo ito saakin.

Lumabas na ako nang gate sinuot ang earphone ko at nagpatutog. Inayos ko ang pagkakabuhol nang sintas nang sapatos ko.

Nagsimula na akong magjogging papunta sa playground. Dun kasi ako nagpapahinga pagkatapos kong magjogging.

"Hey! Claire." Mahinang boses na narinig ko. Tumingin naman ako sa likod ko.

At nakita ko ang isang lalaking nakasuot nang sando na puti at black walking pants at nakarubber shoes. Medyo basa ang buhok nya na sadyang nagpagwapo sakanya.

Napalunok ako nang makita ko sya. Yung lalaking naghatid saakin kagabi.

"U-Uy?!" Medyo nagtatakang tanong ko. Tinanggal ko sa tenga ko ang earphone at ngumiti.

"Don't you remember me?" Sabi nya at ngumiti din. Napakagat labi ako dahil d ko alam na ganito pala kabilis yung 'Soon' na sinabi nya.

"Silly me. D nga pala ako nakapagpakilala sayo kagabi. I'm Andrew Josh Montevara." Sabi nya at inilahad pa ang kamay saakin.

A Walk To JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon