Chapter I: 2 Years Ago
"Beeep!" Pagbubusina saakin nang isang kotseng kulay pula mahahalata mo palang sa ganda nang sasakyan na mayaman ang may ari.
"Hoy! Muntik mo na akong masagasaan!" Sigaw ko.
Naglalakad kasi ako pauwi nang bahay. Galing kasi ako nang school may event kami kaya nakaformal wear ako, which mean is nakadress, nakamake up at nakaheels pa ako. Tinanggal ko na yung sapatos ko dahil super sakit sa paa. Pinauwi ko na kasi yung sundo ko kasi naawa ako dahil mapupuyat sya. Dapat sasabay ako sa mga kaibigan ko pauwi kaso mga hating gabi pa yun uuwi.
Napakunot noo ako nang lumabas ang driver nang kotse. One word, gwapo. Yan ang unang bagay na pumasok sa isip ko.
"Miss, wag kang OA. D kita nasagasaan ha." Sabi nito at nakita ako ang ngiting nakakaloko sa mukha nya.
"Kaya nga muntik dba?" Medyo inis na sabi ko. Nakita ko ang mahinang pagtawa nya saakin. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.
Na ikinamula nang pisngi ko. Oo, nakakahiya dahil nakayapak lang ako.
"You should'nt be walking alone at night.. Baka pagkamalan kang multo." Sabi nya at nagpamulsa.
"Napaka.." Gwapo, matipuno, pogi, handsome, yummy.. Wait ano bang sinasabi ko! "Napakayabang mo!"
Pumasok na sya nang kotse nya at pinaandar ang makina nito. Okey, aalis na sya. As if may pakialam sya saakin.
Naglakad na ulit ako. Mas mabuti pang maglakad na ako para makarating ako agad sa bahay. Nagulat ako nang biglang bumukas ang bintana nang kotse at sumilay roon ang poging mukha nya.
"Get in." Sabi nya. Napakunot noo naman ako sakanya at inirapan sya at d pinansin.
"I said get in!" Sabi nya ulit. Napatingin na ako sakanya at tinaasan ko sya nang kilay.
"Ayoko." Sagot ko at naglakad ulit.
"Ang arte mo naman. I just want to help you kasi napansin kong namumula na yang sakong mo. Kung ayaw mo edi wag!" May point sya dun. Kanina pa masakit yung paa ko.. Feeling ko nga may sugat na ata yung isa. Isasarado nya na sana yung bintana.. Pero pinigil ko na sya.
"Wait! Wait lang.. Ihahatid mo ako?" Paglilinaw ko sakanya. Tumango naman sya.
"Okey sasakay na." Sabi ko at pumasok na sa kotse nya.
Pagpasok ko palang dun ay nakaramdam ako nang kaginhawahan. Aircon! ^-^ ang init kasi sa labas. Sinuot ko ang seatbelt ko at tumingin ako sakanya.
"Saan kita ihahatid?" Tanong nya saakin .
"Sa bahay ko." Sagot ko sakanya. Nakita ko ang mukha nyang medyo nairita ata sa sagot ko.
"Hehe.. Dyan lang sa may kanto." Sabi ko sakanya. Nagsimula na syang magmaneho.
"Taga dito kaba?" Tanong ko sakanya.
"Oo." Sagot nya habang nakafocus lang sa pagdradrive.
"Ba't parang ngayon lang kita nakita?" Tanong ko ulit sakanya.
"Kakauwi ko lang galing states." Sabi nya at huminga nang malalim.
"Ahh.. Kaya pala."
Nakita kong malapit na kami sa bahay, hindi naman kasi malayo yung school sa bahay e. Kaya ko nilakad kanina.
"Dyan nalang sa may gate" sabi ko sabay turo pa sakanya.
Huminto na yung kotse, tinanggal ko na ang pagkakaseatbelt ko at tumingin ako sakanya.
"Thanks for the ride." Sabi ko at binuksan ko na yung pinto.
"Wait. What's your name?" Tanong nya saakin.
"Claire." Sagot ko sakanya saka lumabas nang kotse.
Pinaandar nya na ang makina nang kotse at binuksan ang bintana nito.
"I'll see you soon.. Claire." Sabi nya habang nakangiti at umalis na.
Napahawak ako sa puso ko, napakabilis ang tibok nito na parang may hinahabol ako.
'I'll see you soon.. Claire.'
Napabugtong hininga ako papasok sa gate. Hindi ko man lang nakuha ang pangalan nya.
Sinalubong ako nila Manong Ernest at Nana Meds. Agad akong nilapitan ni Nana Meds at tinignan ang paa ko. Oo nga pala, nakayapak parin ako.
"Nakuuu!! Ang mga paa nang prinsesa ko bakit ang rumi?" Tanong ni Nana saakin.
"Nana, naglakad kasi ako pauwi." Sabi ko. Nagulat ako nang kurutin nya nang d naman madiin ang braso ko.
"Bakit kasi pinauwi mo tong si Ernest? Tignan nga natin yang paa mo baka may sugat na." Sabi nya at inalalayan ako papasok nang bahay.
"Si Nana ang OA." Sabi ko at napatingin si Nana saakin.
"Anong OA?" Tanong nya at napangiti naman ako dahil naalala ko yung kanina.
"Hoy! Claire bakit ka namumula may lagnat ka ba?" Tanong niya at hinawakan pa ang noo ko.
"Wala lang to Nana. Tara na nga." Sabi ko at nakangiti ako na d ko mapigilan.
"Hay naku! Kakaiba talaga kayong makabataan ngayon. Sige na tara na." Pagsasang ayon niya at tuluyan na kaming pumasok sa bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/54494837-288-k630752.jpg)
BINABASA MO ANG
A Walk To Juliet
RomanceWhat kind of love can you offer? A love that can sacrifies Or A love that fight for any walls in between them? Or are you in the both sides, that will sacrifies anything for the one he loves and will fight any walls just to be with each other? ©Rein...