Chapter One

7 2 0
                                    

Whoo!!

Katatapos ko lang maglinis ng mansyon!!

Kung bakit naman kasi ang laki neto?

Uminom ako ng tubig sa ref, dito sa kusina nila.

Hoy! Wag nyo kong pagbintangan na magnanakaw!

Parang makiki-inom lang ng tubig? Syempre, at napagod rin ako no!

Kung bakit naman kasi, sobrang laki ng utang na loob namin sa pamilya ng mansyon na to eh!

Aba't mahigit dalawang dekada ng walang umuuwi dito no!

Nung bata pa nga ko eh, wala ng umuuwi dito, hanggang ngayon na malaki na ko, wala parin.

Kung aabot ng third generation ang paglilinis ng mansyon na to eh, bilib na ko sa sobrang laki ng utang na loob namin.

Araw araw ang paglilinis ko dito, samantalang sa bahay namin eh, matutuwa ka kung maka-twice in a month ako sa paglinis don.

Oh diba?

Samantalang wala kaming natatanggap na sahod sa lagay na yon!

Lumabas na ko ng mansyon at sinara ang pinto, tsaka nilock ang gate.

Hapon na pala, magrereview pa ko.

Kainis na mansyon kasi to eh!

Leche lang!

Pagtungtong na pagtungtong ko palang sa bahay namin bunganga na agad ni mudra ang narinig ko.

Walanjo! Palengkera talaga!

"Ma! Wala kayo sa palengke! Nasa bahay kayo! Ang laki laki ng bunganga nyo masyado!" inis na sabi ko sakanya.

"Eh kasi naman tong kuya mo!! Parang tanga lang! Ang pinapabili ko Suka! Hindi toyo! Tanga!!" mama.

"Ano ba ma! Nakakahiya sa mga kapitbahay! Atsaka hindi mababago ng bunganga mo ang pagkatanga ni Matt!! Matagal ng tanga yan!" ako.

"Wow naman sayo! Atleast hindi ako baliw tulad mo! Tanga lang ako. Tandaan mo yan!" Matt.

Inirapan ko nga si Matt.

Putcha naman eh!

Kaya ayoko ng kuya eh.

Kasi, kahit saan anggulo mo tignan, sya ang mananalo.

"Ewan sainyo! Damay mo pa ko sa pagkatanga mo! Aakyat na ko!" sabi ko.

Mainit ang ulo ni mudra, malamang, mapag-initan pa ko nyan!

Sakit pa naman sa tenga yung bunganga nyan.

Aakyat na sana ako nang tawagin ako ni mudra.

"Hoy ikaw Zaira! Akala mo tapos ka na! Aba't ano?! Pasarap ka nalang?! Kayo na dapat ang mga gumagawa neto eh! Matanda na kami ng papa nyo! Wag nyo naman kaming pinapahirapan!" bunganga ni mama.

Leche!

Nakita ko naman si Matt, na ngumingisi!

"Tch! Ikaw kaya ang maglinis ng mansyon dyan! Malaman mo kung gano kahirap!" angal ko.

"Wag mo ko ginaganyan Zaira! Ako pa ang sinabihan mo nyan! Eh, ako naman dati ang naglilinis non! Pero ano? Paguwi ko naman dito, ako parin ang gumagawa ng mga gawain ahh. Nagreklamo ba ko sainyo? Hindi naman diba?! Kasi bata pa kayo non! Eh iba na ngayon! Tumatanda kami at hindi bumabata! Aba't?! Pagpalitin kaya natin ang posisyon natin?! Aangal angal ka pa dyan!"

mahabang sermon ni mama.

"Oo na 'ho'!! Ano ba ang iuutos nyo?" sagot ko.

Pag kasi humindi ako, magtatalak nanaman si mama.

The House CaretakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon