ZAIRA POV
Nagising ako sa alarm clock ko.
Ibang alarm clock ito ha?
8:00 ang oras ng pasok ko kaya naman dali dali na kong naligo at nag-ayos.
Pagbaba ko, nakasalubong ko si mudra na nagkakape.
'Sana wag nya kong badtripin ngayon.. Please lang'
Tumingin sya sakin saglit tsaka tinuon nya na ang mata nya sa kape.
Nagtimpla rin ako ng kape at walang imik na ininom yon.
Ayokong nakakasama ng matagal si mama kasi baka mamaya, may masabi nanaman yan o di kaya mag-utos nanaman.
Ayon pa naman ang kinaiinisan ko sakanya.
Nang matapos akong uminom ng kape, dali dali na akong lumabas ng bahay dala ang gamit ko.
Kung wala lang akong exam, hindi na ko iinom ng kape.
Ang kaso kasi, mahirap daw mag-test pag walang laman ang tyan.
Sang-ayon din naman ako dun!
*Kring.. Kring*
Kinuha ko ang cellphone kong sarap itapon sa sobrang panget.
Binigay to sakin ni mama noong nag-highschool ako.
Eto lang naman ang pinaglumaan nyang telepono.
Bwiset ano?
Sabi pa man din nya, labinglimang taon na daw to sakanya at ito ang kauna-unahan nyang cellphone.
Oh diba?
Ang nice lang ni mama..
Ang sabi nya pa sakin, ingatan ko daw to, tumagal daw sakanya kaya dapat tumagal din daw sakin.
Di nya daw ako bibilhan ng bago pag nasira ko to.
Kaya mahal na mahal na mahal ko si mama..
>:(
Pati ako tinitipid nya!!
Pinagdadamutan nya!
Kaya kami nagmana ni Matt sakanya eh!
Sya yung may bagong telepono, tapos ako ang nagdudusa sa lumang telepono nya!! Tch!
In-answer ko yung tawag..
Si Ingrid Santos.
Yung bestfriend ko.
"Hoy babae!!" sya yan.
Ang gara ng buhay ko eh no?
Lahat ng taong nakapaligid sakin, ang salbahe!
Kaya laking pasasalamat ko kay God!!
Promisee..
(Inshert Sharkashtik Shonee..)
"Oh ano yon?" walang gana kong sagot.
"Nagreview ka ba?"
"Oo"
"Pakopya ko ahh??"
Nainis naman ako bigla.
Badtrip tong Ingrid na to ah?!
"Eh bakit kasi di ka nagreview?! Tapos lalapit lapit ka saken! Ang swerte mo naman yata?! Aba! Nagpakahirap ako--"
"Thank youu talaga Zairaa! Ang bait bait mo sakin!! Aywabyu!! See ya."
Sabi nya at in-end call.
BINABASA MO ANG
The House Caretaker
Novela JuvenilSi Zaira Mikaela Olivar ay isang taga-bantay ng isang malaking mansyon. Hanggang sa isang araw, Dumating ang apat na lalaking magbabago ng buhay niya. Ano kaya ang mangyayari sa storya ni House Caretaker?