5

106 2 0
                                    

Hermione's




"LOLAAAAAAAA!!!!" shit lang! Pagka pasok na pagka pasok ko sa kwarto namin nakita ko na lang na kinakain na ng lintek na zombie na 'to si lola! NAKAKAGIGIL T*NG INA LANG! T*NG INA LANG TALAGA!





Sa sobrang galit ko, agad agad kong binaril yung p*tang inang zombie na 'to!! NAPAKA HAYOP! WALANGHIYA!!


Pagkatumbang pagkatumba ng lintek na zombie na 'to ay nilapitan ko siya at agad kong tinapakan ang pangit at nakakadiri niyang pagmumukha.







"GAGO KA! PINATAY MO ANG LOLA KO! T*NG INA MO! T*NG INA NIYONG LAHAT GAGANTI AKO! UUBUSIN KO KAYO!" nakakagigil 'tong hampaslupang 'to! Hayop!






Pagkatapos kong pag-aapakan ang pagmumukha ng hayop na 'to ay lumapit ako kay Lola. Shit. Wala na si Lola. Pinatay na siya. Kinain na rin siya. T*ng ina nila talaga.





Hinaplos ko si lola sa braso niya. Halos burado ang mukha ni lola. Pero kahit nakakadiri tingnan si lola. Hindi ako madidiri para sa kanya. Mahal na mahal ko si lola. Siya ang bumuhay sa 'kin. Hays. Sana matahimik na siya. :(




"Lola.. Sana po matahimik ka na. Maraming maraming salamat po ha? Sa lahat ng ibinigay niyo sa 'kin. Maraming salamat po sa pagbuhay sa 'kin. Mahal na mahal kita Lola Ali. Hinding-hindi ka po mawawala sa isipan at sa puso ko. Igaganti po kita. Uubusin ko po sila. I love you so much, Lola. Mamimiss po talaga kita ng sobra! I love you!"
















Chad's




Nakakalungkot lang talaga ang mga nangyayari. Ngayon, wala na rin si Lola Ali. Nakatingin lang kami kay Hermy at naiyak siya habang hawak hawak ang kamay ng Lola niya. Tapos bigla siyang tumayo at bumitaw sa lola niya. Tinitigan niya ulit yung nakahigang zombie sa semento at dinuraan ang pagmumukha nito. Galit na galit siya. Kung ako rin naman ang nasa sitwasyon niya baka hindi lang ganyan ang ginagawa ko.







Bago pa ma-virusan ang mundong ito, wala na rin naman akong pamilya. Hindi nagkasundo ang magulang ko at naghiwalay sila. Pati ako iniwan nila, pero 10 years old na 'ko non. Maaga akong nagtrabaho at nagsikap. Para mapag-aral ko ang sarili ko. Mga kaibigan? Meron naman pero hindi permanente. Wala akong nakakasama ng matagal.






Hindi ko nga alam kung matutuwa ako o hindi dahil nagka ganito ang mundong 'to. Kasi kung hindi, hanggang ngayon walang natagal sa 'kin. Walang Luna. Hindi ko makikilala si Hermy, Hermy na lang masyadong mahaba ang Hermione e haha! Tapos si Lola Ali din, kaso maaga siyang kinuha. Hay. Nakakalungkot lang talaga. 






So far, sa mga kaibigan na nakasama ko... Si Luna ang pinakamatagal. Oo, matagal na yang lagay na yan haha.






Kinulbit ko si Luna dahil napansin kong naiyak na rin siya sa mga nakikita niya. Tumingin siya sa 'kin, tinanguan ko naman siya. Tapos lumapit siya kay Hermy na naiyak sa sahig katabi ang nakahilatang zombie.




"Shhh.... Tama na yan Hermione. Tayo  ka na. Kailangan nating umalis na dito. Natunton na tayo ng mga zombies, imposibleng wala nang kasunod 'to. Naiintindihan ko nararamdaman mo, Hermione. Pero kailangang maging malakas." paliwanag ni Luna sa kanya.






Tahimik lang kaming tatlo. As in *kroo kroo*! HAHAHA pero hindi naman awkward. Mga 3 mins siguro yon. Hahaha.





"Alis na tayo dito." matipid na sagot ni Hermy tapos nagpunas siya ng luha niya. At ngumiti. Mapait na ngiti yon alam ko.








The CorpsesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon