Gianna's P.O.V
"blah blah blah blah" wala ko maintindihan buti pa yung tatlo sa likod sarap ng tulog may mga kumot pa at unan..
"Are you bored?" biglang tanong sakin ni Zack
"Oo nga eh inaantok ako" bored na sabi ko sa kanya..
"pfft.. ang antukin mo talaga" natatawang sabi niya..
"ewan ko sayo" sabi ko nalang.. hindi kami masyadong close..ewan ko parang naiilang siya sakin..
"ito naman hindi na mabiro joke lang yun eh..uyy!!"
"Oo na ang kulit mo.." sabi ko sa kanya habang natatawa.. ang cute niya hahaha
kaya kinurot ko yung pisngi niya sa sobrang gigil ko..siguro sa sobrang sakit ng kurot ko napasigaw siya sa sakit...
"OUCHHHH!!!!!" sigaw niya, napatingin tuloy mga classmate namin pati si Ma'am
"Is there any problem with you Mr.Chang" nakakunot noong tanong ni Ma'am
"wala po sorry po.." sabi ni Zack na parang bata..
"Sorry.." sabi ko sa kanya kung hindi ko siya kinurot di siya mapapahiya
after 123456789 years.....
" ok class dismiss" sabi ni teacher
"tara na Gianna." sabi sakin ni Zack
"sige" sabay na kami lumabas ng classroom nang may biglang sumingit saaming dalawa yung dalawa palang kambal si Roderick at Frederick...tsk ang kulit talaga naipit pa ko nung kambal parang bata..
sabay sabay na kaming lumabas para hintayin yung iba..naalala ko nakalimutan ko yung book ko sa filipino kaya nagpaalam muna ako sa kanila.. bago ako magpaalam dumating na sila Clinton, Nixon at Graysen..
"guys kukunin ko lang yung book ko sa locker room.."paalam ko sa kanila
"samahan na kita" sabi ni Clinton ng naka smile totoo ba yan o killer smile lang...
"wag na kaya ko na hindi ako bata" sabi ko ng nakasimangot
"sige ikaw bahala magingat ka ha baka madapa ka ang lampa mo pa naman hahahahaha.." sabi niya ng tawa ng tawa..suntukin ko kaya siya..kaya bago ako umalis piningot ko muna siya sa tenga at umalis ng masama ang tingin ko sa kanya..baliw talaga -_-
pagkarating ko sa locker room kinukuha ko yung book ko sa filipino biglang may nagsalita sa likod ko..
"HOY!!!" napalingon ako sa sumigaw si Liana ang leader ng devil butterfly hahaha yun lang tawag ko sa kanila..
"hoyoyoyoyoyoyoyoyoyoyoyoyoyoyoyoyoy!!!" sabay na sabi ni Yanet at Sena ang mga alipores niya...napalingon sa kanila si Liana at sabay na binatukan..mga baliw din kahit mga bitch mga sabog din hahaha...
"baliw anong tinatawa tawa mo diyan" sabi ni Liana sakin, pano ba naman natawa ako sa mga kabaliwan nila...
"wala" natatawa paring sabi ko..bigla niya akong pinagtaasan ng kilay...
"aba at nagawa mo pang tumawa ha" sabi niya habang nakataas ang kilay at balak niyang higitin ang kamay ko kaya lang tumakbo na ko at nung medyo malayo na ako sa kanila lumingon ako at dinilaan silang tatlo hahaha!!!!
"Argh!!!" sigaw ni Liana.... hahahahaha
pag karating ko sa kanila nandun na silang lahat at ako nalang ang wala pa..pagkatigil ko hingal na hingal..
"o ano na nangyari sayo may humabol ba na unggoy sayo??" sabi ni Nixon
" Oo may humabol sakin na unggoy kulay pink ang buhok.. tara na.." sabi ko sa kanila hahaha pink naman talaga kulay nung buhok ni Liana..napatingin ako sa taong nasa harap ko..nakatingin sakin with his cold stares...
***
pauwi na kami kasabay ko ang mga kaibigan kong bruha na sina Shea, Harlyn at Kinsley at ang three idiots na Nixon, Graysen at Clinton.. nandito kami sa sasakyan ni Graysen at syempre siya yung nagdridrive meron na siyang driver lisence..habang yung mga kasama ko nagwawala na sa sasakyan si kinsley syempre natutulog na may unan at kumot di ko nga alam kung bakit di siya naiingayan ayun tulog mantika... si Harlyn, Shea, Nixon at Clinton ayun kung ano kinakanta ako'y naririndi na eh nagdadasal na lang ako sana makarating na agad kami sa bahay...
unang binaba si Shea kasi siya yung pinakamalapit ang bahay sunod naman si Kinsley tapos si Harlyn and then ako na ang huli ewan ko kung saan pa pupunta itong mga ito...
" bye bye anna pot" sabay sabay pa nila na sabi..Wow pwede na sa choir...
"bye saan ka naman kayo pupunta?" tanong ko sa kanila habang paalis na sila
" magroroad trip byeeeeee!!!! hahahaha" sabay sabay nanaman nilang sinabi at pinaharurot na yung sasakyan..bwiset...
"BASTOS!!" sigaw ko sa kanila
pagkapasok ko sa bahay..
"anak magayos ka na pupunta tayo sa isang party."sabi ni mommy sakin na bihis na bihis na...
"mom kaninong party?"tanong ko kay mommy
"Engagement party..faster fix your self malalate na tayo.." sabi ni mommy sakin
"ok mom"sabi ko nalang kahit ayaw ko tinatamad din kasi ako pumunta pero ok na yan di rin naman ako masusunod..
kaya nag ayos na ako..naligo nagbihis at naglagay ng make-up, konti lang nilalagay ko na make-up hindi rin kasi ako sanay masisira agad ang aking beautiful face..hahaha
pag baba ko nakita ko na nakaupo si Mommy and Daddy na inaantay ako, nung naramdaman nila yung presence ko parehas na silang tumayo..
"Let's go" sabi ni daddy..sumunod nalang ako sa kanila..
***
Pag dating namin ang daming tao yung iba kilala ko mga kaibigan ni Mommy and Daddy puro mga matatanda hindi ako makakapag enjoy nito baka ma OP lang ako...
yun and akala ko dahil....
"GIANNA YVETTE AGUILAR!!!" sigaw nila... sino pa ba yung mga sabog kong kaibigan...
"anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila
"hindi mo ba alam engagement ni Hendrix ah" sabi ni Harylyn na parang inosente..
"ano naman pakealam ko kung engagement ni Hen---WHAT??"
BINABASA MO ANG
Why Can't you love me?
De Todoyou are so close but why can't i reach you...Why can't you love me...