Nagpupumiglas na ko, pinalo ko na nga likuran ni Leo na may buhat sakin e. Sinisipa ko na din yung harapan nya kaso parang bakal si Leo e walang reaksyon.
"Waaaaah! Ibaba mo sabi ko e."-sigaw ko sa kanya.
"Alam mo ang ingay mong babae ka. Kanina ka pa. Nakakabwisit ka na ha!"-sigaw din nya saka ako ibinaba.
Yes, makakatakas na ko. Chance ko na to para tumakbo. Hindi na ko magpapatumpik tumpik pa.
"Wag mo na tangkaing tumakas. Alam na naming yang style mo. Wala ka ng takas samin. Hahahaha"-narinig kong sabi nya pero syempre di ako matatakot no?
"Hahaha neknek nyo! Di nyo na ko mapipigilan pa. Hahahaha tata- ASDJKLGH"-ako
Magmamayabang pa sana ko kaso nilagyan ng tali nung bruhong si Leo ang bibig ko e. pano pa ko tatakas ngayon? Huwaaaah! Di ito maari. Pero pwede na din. Sila zick naman ang kumidnap sakin e hihi.
"O ano ngayon, adi natigil ka sa kakaingay mo? Kanina pa ko rinding rindi sa bunganga mo e. Nakakairita na."-nakangiting sabi ni Leo.
Pagkatapos nyang sabihin yon, binuhat na naman nya ko pero after ilang minuto ibinaba na nya ko. Andito kami ngayon sa isang..
Isang ..
Isang ..
Isang ..
Teka asan nga ba kami? Bakit parang nakatakot dito?
"O babaing maingay welcome sa bago mong tahanan. Anong masasabi mo? Nagustuhan mo ba?"-tanong naman ni kristoff.
"Tahanan? Anong tahanan? Asan ba tayo? Ba't nyo b ako dinala dito?"-kinakabahang tanong ko sa kanila.
"Andito tayo ngayon sa isang slaughter house. Mula ngayon dito ka na titira. Mag-isa. Hahahaha!"-sagot ni Jared.
Juskopo. Ayoko pang mamatay kaso nakita ko yung mga bruho na may mga hawak na itak, maso, baril. Lighter at gas, saka yung panchop ng baboy.
"A-anong gagawin nyo jan? B-ba't may hawak kayong ganyan? "-tanong ko sa kanila.
"Ito ba? Anong gagawin namen dito? NAGTATANONG KA PA HA! Papatayin ka na namen! Papatayin ka na namin! Mamamatay ka na! Magbabayad ka sa ginawa mong pagsigaw samin kanina hahahaha!"-Zick.
"Parang awa nyo na pakawalan nyo na ko. Please. Di ko naman sinasadya na sigawan kayo e. Ayoko pang mamatay."-nagmamakaawang sabi ko.
"Wala sa bokabularyo namin ang salitang awa!"-Zick.
"Tulong, saklolo! Tulungan nyo ko!"-sigaw ko pero bakit parang walang lumalabas na boses? Anong nangyayari? Bakit ganito?
"HAHAHAHAHA!"-sila
"Waaah! Wag kayong lalapit sakin. Tulong!"-sigaw ko ulit.
Gaya nung una wala pa din lumalabas na boses sa twing hihingi ako ng tulong. Jusko ayoko pang mamatay. Masyado pa kong bata para mawala agad sa mundo. Bakit ba kasi hinabol ko pa yung butterfly na rabbit na yun e. Gusto ko pang magcelebrate ng birthday ko kasama ang family ko.
Sumigaw ako ng sumigaw kahit na alam kong wala naman lalabas na boses sakin. At mas lalo pa kong napasigaw ng lumapit si Zick sakin na may hawak na panchop ng baboy. Ito na talaga katapusan ko na talaga.
"Inangkupo, waaaah! Tulong! Lumayo ka sakin! Maawa ka sakin."-umiiyak na sabi ko kay Zick.
BINABASA MO ANG
Best Birthday Ever!
Short Storywelcome sa magulong mundo ni Louise Anna Marie Salameda Guevarra. unang finished story ko ito and wala akong pake kung may babasa neto o wala. gusto ko lang ishare. walampakilamanan! -mhaibss