ow may gad!
ow may gad!
as in owemji!
Tomorrow is my birthday and makikita ko na ulit si mom, dada, and of course my ate Elca. ow may .. I'm so excited !
Yan ang nasa isip ko habang nakahiga sa kama ko at nagpapagulong gulong dahil sa excitement.
*tok tok tok*
Tatlong sunod sunod na katok ang pumukaw sakin at nagpahinto sa paggulong ko.
"Louannrie, matulog ka na. Alam kong gising ka pa. Hindi ito ang unang beses na magbibirthday ka kaya kumalma ka. 16 na ikaw bukas aba! Sige na tulog na."-sabi ni ate mitsucki sakin.
"Opo ate, sorry"-sagot ko sabay takip ng unan sa mukha para makatulog.
8 na kasi and kailangan ko na matulog pero dahil sa excited ako, nahihirapan akong makatulog.
"Huwaah! Di ako makatulog! Anong gagawin ko? Baka magka-eye bags ako bukas pag di ako nakatulog."-praning na sabi ko sa sarili ko.
"Kalma ka lang girl,kaya mo to. Maganda ka, matalino, sexy, habulin. Perfect ka na girl kaya kalma lang. hinga ng malalim. Breathe in, breathe out."-sabi ko sa sarili ko saka huminga ng malalim.
"Ayan. Ngayon naman ipikit mo mata mo tapos isipin mo kung pano ka makakatulog."-parang tanga na sabi ko sa sarili ko habang nakahiga pa din at nakalagay ang unan sa mukha.
Ano na ang gagawin ko?
Isip ..
Isip ..
Isip ..
Diamond!
"Alam ko na!"-sigaw ko ng makaisip ng paraan.
"Ok let's start coumting bubbles. 1 bubble, 2 bubbles, 3 bubbles ..."-pag-uumpisa kong magbilang sa isip ko.
Naisip ko lang na instead of counting sheeps na medyo may pagkatamad, why not count bubbles? Yung tipong sa isang palanggana na puno ng bubbles, iisa-isahin ko silang bilangin at isa-isa ko din silang itatransfer sa isa pang palanggana tapos pag may pumutok na isa back to zero. So, sana umubra yung idea ko na yun.
"4 bubbles, 5 bubbles, 6 bubbles, 7 bub---"-napatigil ako sa pagbibilang ng imaginary bubbles ko ng may isang pumutok. Kaya kailangan ko mag-umpisa ulit.
"Ugh! 1 bubble, 2 bubbles, 3 bubbles, 4 bubbles, 5 bubbles..."-pag-uumpisa ko ulit sa pagbibilang ng mga imaginary bubbles ko.
*PUFF*
"Not again!"-sigaw ko sa isip ko ng may pumutok ulit na bubbles for the 5th time.
Nakakailang ulit na ko pero hanggang ngayon di ko pa din nalilipat yung mga bubbles ko sa isa pang palanggana.
"Ikaw bubbles kayo ha, pag may pumutok pa ulit sa inyo itatapon ko n kayo!"-sigaw ko sa mga bubbles. Paubos na pasensya ko sa mga to.
*PUFF*
"Ugh! Kakasabi ko lang na walang puputok e. Ok uumpisahan ko na ulit. 1 bubble, 2 bubbles, 3 ... 4 .. 5 ..."-pag-uumpisa ko ulet kahit asar na asar na ko.
*YAWN*
"93 .. 94 .. 95 ..*YAWN* 96 .. 97 ... 98 ...*YAWN*"-humihikab hikab na pagpapatuloy ko sa pagbibilang.
YES! It's working! Inaantok na ko sa wakas.
"99 ... 100 .. 101 .. *YAWN* madami dami pa kayo bubbles pero *YAWN* inaantok na ko. Goodnight bubbles."-sabi ko saka tinigil ang pagbibilang at natulog.
*PUFF PUFF PUFF *
BINABASA MO ANG
Best Birthday Ever!
Historia Cortawelcome sa magulong mundo ni Louise Anna Marie Salameda Guevarra. unang finished story ko ito and wala akong pake kung may babasa neto o wala. gusto ko lang ishare. walampakilamanan! -mhaibss