Revelation 2

19 1 0
                                    

Ky's P.O.V

Inaalala ko ang mga nangyari sakin many years ago..

-Flashback-

I grew up in a happy family,in a happy and united clan

Malayo kami sa mga labanan at patayan,we are in a safe place unlike others.

My father,who is also the leader of our clan, protected us.Walang kahit isa sa amin ang namatay at nagbuwis ng buhay

But that doesn't mean that we are weak,ayaw lang namin ng gulo.

Sa katunayan ay halos kapantay lang namin ang Taira Clan.Pareho ang pamumuno at pagtuturo ng angkan nila at angkan namin.

Kung itatanong nyo kung bakit,simple lang,dahil ang lolo ko at ang lolo nila ay matalik na magkaibigan,sabay silang tinuruan ng isa sa mga pinakamagagaling na guro sa buong mundo.Sabay silang natuto at sabay din silang namuno at naging tanyag ang pangalan sa buong kasaysayan.

Napagdesisyunan ng aking lolo na lumayo sa Japan,nagpaalam ito at pinayagan naman ito ng kaibigan.Pumunta kami sa China at doon inayos ang aming pamumuhay ilan lamang sa amin ang sumama at ang iba naman ay nanatili at binigyan ng ama ko ng proteksyon at itinago sa isang ligtas na lugar upang sila ay makapaghanda at makapagsanay

Masaya kami ng pamilya ko,i have 3 sister,and I'm the only boy in our family,One older sister and two younger sister.They are my Life,i always bring them gift and take care of them.My parents both love us.

We are also being trained by our grandfather,hindi ito naging madali,tinuro niya sa amin mga sikreto ng pakikipaglaban.

"Kailangan nyong maging malakas,lalo ka na Takumi,kaunting araw na lamang ay babalik na tayo sa Japan"

Nagulat ako sa sinabi niya

"Ano pong sinasabi niyo? Masaya na tayo dito,tahimik na ang buhay natin"

"Baka nakakalimutan mong hindi tayo simpleng mamamayan lamang,isa tayong angkan.Kahit kailan ang isang angkan na namulat ang mata sa pakikipaglaban ay hindi magkakaroon ng  habangbuhay na kapayapaan"

Natahimik ako sa sinabi niya at nakinig na lamang

"Hindi ako uupo lang dito at magtatago habang nakikita ko ang mga kaibigan ko sa lugar na iyon na nagbubuwis ng buhay"

"Pero kasalanan nila yon lolo,pinili nilang makipaglaban sa halip na manuhay na lang ng tahimik!"

"Isipin mong mabuti ang iyong mga sinasabi,kung wala sila ay patay na tayong lahat! Kung inaakala mo na walang nagbubuwis ng buhay para sa inyo ay nagkakamali ka.Sila ang nagbubuwis ng buhay para sa atin,ilang buhay ang sinakripisyo nila para sa atin!"

"H-hindi ko maintindihan ang sinasabi niyo"

"Bawat malalakas ng angkan at hinahanap at pinapatay at kasama tayo doon.Ilang taon tayong nagtago dito.Mag-isang nakikipaglaban ang kaibigan ko sa halos daang daang mga angkan.Nandoon dapat tayo sa mga oras na ganito at nagbubuwis ng buhay,pero nandito tayo ngayon,buhay tayo ngayon dahil may nagsasakripisyo para lang mabuhay tayo!"

"Sapat na ang ilang taon ng pagtuturo ko sa inyo,sa murang edad nyo pa lamang ang hinigitan nyo na ako.Babalik tayo dahil kailangan na tayong lumaban"

Makaraan ang ilang araw ay lumipad na kami patungong Japan

Dumiretso kami patungong Taira Clan doon kami pinatuloy at masasabi king maganda ang lugar na iyon ang daming cherry blossom sa paligid at napapalibutan ng mga matataas na pader ang paligid

Maraming bata ang sinasanay at kitang kita sa mga mukha nila ang tapang.

"Marami kang makakalaro dito"

Red RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon