CHAPTER 3

15 1 0
                                    

Sa totoo lang hindi ko alam kung saan talaga ako lulugar. Di ko din alam kung ano ba talaga pangarap ko.
Ang alam ko lang kasi makinig ng music, kumanta,
gumawa ng kanta. Aminado naman ako dun.
medyo marunong ako mag gitara,Kaya trip ko talagang gumawa ng mga kanta.
Pero hindi ako yung tipong ladlad, na parang kulang nalang mag concert .
Hilig ko kasi sa mga lugar na tahimik.
Ang tumambay sa ilalim ng puno habang nag gigitara, Napakasarap sa pakiramdam.
Wala kang ibang maririnig maliban sa hampas ng hangin sa ibat ibang direksyon. Hampas talaga? Haha

"Theres a song that inside of my soul..

Its the one that i've tried to write over and over again.."

Habang kinakanta ko, Naalala ko si Nick.
May gusto akong isulat na kanta pero pakiramdam ko nasa loob loob ko lang.

Siguro hindi pa time para malabas yun..

Matagal din kami nag usap, sa sobrang tagal ginabi na ako ..
Ayon, bumida nanaman si ate kung mapag-mahal.

Actually wala na kaming parents.
Kaming dalawa nalang ang nasa bahay. Si ate na talaga ang tumayong nanay nanayan ko. Pero hindi ko maramdaman .dina'ig niya pa kasi ang tigre kung magalit.
Namatay daw kasi si Mama sa panganganak sa akin.
Si papa? Ewan ko ..
Wala silang nabanggit sa akin tungkol sa papa ko.
Kaya siguro ganito ang turing ni Ate sa akin. Kasalanan ko ba?
Sino ba ang may gusto na lumaki ng walang magulang?

Sino ba ang may gusto??

Minsan naisip ko, bakit paba ako pinanganak? Kung ganito rin naman pala ang magiging buhay ko.
Buong buhay ko takot akong ilabas kung ano ba ang pwede kung maitulong sa mundong ito. Takot akong makisalamuha..
Takot ako sa pwede kung magawa..

Takot akong mag bukas ng sarili ko .
Takot akong maki bagay.

In short wala akong tiwala sa sarili ko.

Siguro dahil narin sa walang magulang na sumusuporta sa akin o mag papayo kung ano ba dapat ang gagawin ko..

May mga kaibigan ako pero hindi talaga ako nag oopen sa kanila.
Dahil una sa lahat takot ako sa mga magiging reaksyon nila, sa mga sasabihin nila.
Pangalawa who cares naman diba? Ganon ba ako ka'importante para pag aksayahan nila ng oras at panahon. Eh kapatid ko nga mismo walang pakealam sa kadramahan ko e.
Bukod sa pang iisnob nya sa buhay ko..
Masasakit na salita pa ang bubungad saiyo.

Sobrang sakit ..

"Tin, may dahilan kung bakit ka nabubuhay sa mundo. Siguro ngayon hindi mo pa alam ang purpose mo .. andito ako para tulungan ka :) "

Nag flashback lahat ng pinag usapan namin ni Nick nick.

Ilang linggo narin palang nakakalipas.
Pero parang kahapon lang kami nagkakilala..

"Hay nako Tin .. kausap mo nanaman ang sarili mo. Ok sana kung saglit lang diba?? Eh hindi eh."

Sabi ko sa sarili ko habang tinatapik ang mukha.

Napasandal nalang ako sa puno. Pinikit ang mga mata..

"Ang sarap ng ganitong pakiramdam. pero parang may kulang. Hindi ko alam kung ano iyon." Bulong ko sa sarili ko.

"Tapos kana ba sa iniisip mo?"

Hindi ko pinansin kung kanino boses iyon pero sumagot ako.

"Hindi pa.. bakit?" Sagot ko.

"Ayaw mo ba mag pa istorbo?"

"Ayo--"
Teka sino yun?
Minumulto ba ako??

OA mo tin?! Dumilat ka kaya noh?

Pag dilat ko. Naaninag ko si Nichole .. tama . Si nick nga.
Nakita niya kaya akong ngumingiti dahil sa kahibangan ko??! Oh no no... no..!

"Mukhang naka istorbo nga ko sa pag mumuni muni mo.."
Sabi niya habang nakatingin at sagad ang ngiti..

Nakakahiya ka Christina! Arghhh..

"Ah e. Hin- hindi a?! " di malamang itsura .

"May good news at bad news ako saiyo tin."
Seryosong sinabi niya.

"Ano yun?"
Kinakabahan ako.
Ang hilig niya kasing mag biro sa akin ..
Mag biro ng hindi nakakatawa.
Yea, Birong hindi talaga nakakatawa..

Pero gustong gusto kong naririnig sakanya.

"Goodnews, May nakita akong Talent show dito malapit sa atin. Gusto kong sumali."
Sabi niya.

"Sumali kana!!! Susuportahan kita promise!!" Pagpipilit ko sakanya.

"Teka, bakit may bad news??" I added

"Badnews ay.." udlot niyang sagot at take note Yung ngiti niyang pakiramdam ko Bad news nga..

"Ikaw ang sinali ko.."

Nablanko ako sa sinabi niya..
Baliw ka talaga Nick >____<

"What?!" wla nkong nasambit kundi




patay...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Last SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon