CHAPTER 2 (Only Hope)

18 0 0
                                        


"Wala kang kwenta!"

"Umaasa ka bang may makikinig sa ginawa mong kanta??"

"Mahiya kanaman oy?!"

"tigilan mo yang kahibangan mo Christina ."


Mga salitang binitawan ng pinaka mamahal kung kapatid. hindi ko alam kung bakit ganon nalang ang turing nya sa akin. himbis matuwa sya, eh siya pa yung nagpupumilit hatakin ako pababa.

Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa kung kasalanan sa kanya.


Ganon ba talaga ko kawalang kwenta ??

ayoko na . ilang beses ko naman silang sinubukang intindihin e.

Bakit ba hindi nila ako maintindihan ..

Buhay ko na ang pag kanta. kahit sino naman siguro hindi mabubuhay kung walang music..

Siguro itigil ko nalang.

Oo, tama nga siguro sila... Hindi ako mabubuhay ng pakanta kanta lang.

kailangan din magtrabaho.


Malalim na pag-iisip at hindi maipinta ang mukha ko..

Ganito ako palagi, iniiyak ko nalang ang sama ng loob ko kesa naman makipag sabayan pa sakanila.

Gustong gusto kong naririnig ang tunog ng alon ng dagat. feeling ko kasi pumapayapa ang isip ko kapag andito ako sa tabi ng dagat.


Dito talaga ako madalas tumambay kapag kailangan kung huminga.

Ayoko rin kasing may makakita sa akin na umiiyak ako. baka sabihin nila ang babaw babaw ko naman kung iiyak nalang ako ng ganon.


kaya eto, nilalasap ko ang bawat oras..

iniiyak ko na lang..

"hays.. tama nga sila..." I convinced myself

at nang tatayo na ako..




"There's a song that's inside of my soul..


It's the one that I've tried to write over and over again...."



Whooooaaa .. anlamig ng boses. Mandy moore ikaw ba yan????
Wait. sino iyon??? I whisper.

At sa tabi ng inuupuan ko, humawi ako ng tingin

(sheeeett.. nakatingin sya sa akin.)


Siya ba yun??



kanina nya pa ba ako pinag mamasdan??


Nakakahiyaaaa!!!


Sabay talikod ko. nanlaki talaga mata ko. kahit singkit na sa kakaiyak ko.

Aalis na sana ako, nang..

" I'm awake in the infinite cold...

but you sing to me over

And over and over again..." he added.

Ang ganda talaga ng boses nya. nakaka relax ng damdamin.

"Mukhang malalim yang iniisip mo ah.." She smiled at me

"Ah eh.." ngiting hindi ko alam.


bakit nya ba ako kinakausap??


"Habang pinag mamasdan kita kanina, may isang kantang pumasok sa isip ko para saiyo." may malalim na kahulugan na pagsasabi niya sa akin.

Manghuhula ba ito? wala pa naman akonng pera kung sakaling humingi.

"Hindi ako manghuhula ah." he added again

"Hala?! paano mo nalaman nasa isip ko?!" Gulat na sabi ko.

Bigla siyang tumawa ng malakas. "Relax, gusto kitang tulungan. gusto ko rin makipag kaibigan, sa tingin ko kasi hindi aksidente na nakita kita dito"

"Im Nicka .. Nic nalang for short short" sabay abot ng kamay niya.

"Chritsina pala ,Tin tin nalang" sagot ko habang may ngiti .

Parang kilala ko siya..

Parang nagkita na kami dati

Parang matagal na, pero hindi ko alam kung san, kung kailan.


"Maganda ka kapag naka ngiti"


Parang hindi naman. sabi kasi nila panget talaga ako kahit anong gawin kung ayos.

"Huwag mong pakinggan yang nasa isip mo. Ako na mismo nag sasabi." sabi niya.

"Parang.." pag dadalawang isip ko.

"Parang ano??" pagtataka niyang tanong.

"Nagkita na ba tayo dati?? tanong ko.

"Hindi pa. pero parang sobrang gaan ng loob ko saiyo."

Oo. totoo, ako din.


"alam mo ba, kapag hindi kana makahinga sa mga hinanakit na nararamdaman mo, makinig ka ng mga kantang makakapag palubag ng loob mo.."

Tama siya. ginagawa ko talaga yan.

"Yung kinakanta mo kanina.." sabi ko


"ah ayun ba? para saiyo yun. Gusto kung sabihin saiyo na May pag-asa pa, tin."


"May pag-asa pa sa bawat sitwasyon na pinagdadaanan natin."


"Nasa atin lang yun kung itutuloy pa ba nating ipaglaban o hindi na."

Oo nga. bakit parang alam nya ang pinag dadaanan ko..

Nakikinig lang ako sa kanya habang nakatingin sa pag lubog ng araw.

Naiiyak ako.. pero hindi pwede.. kaya ko pa.

Bigla siyang nag open.

"Matagal na akong kumakanta, pero dumating sa punto na nagtanong ako sa sarili ko na..

"Anong dahilan ? anong purpose ko bakit ako kumakanta?"

"Para saan? Bakit ba ako nabubuhay?"

"Bakit kailangan kung magising ng araw araw para lang makita at maranasan masaktan?"

"para saan ba ako?"

Like Hugot!! sobrang lalim ng mga tanong niya pero totoo. Bakit nga ba? bakit nga ba ako gumagawa ng kanta? para san ba iyon??


"Pasensya kana ah?" sabi niya na parang iiyak.

"Nakikinig ako.." sabi ko

"Ngayon, masaya ako. binigyan ako ng kasagutan ng Diyos . "


"Mukhang ikaw ata ang may malalim na pinag dadaanan eh" sabay ngiti ko.


"hahaha! medyo.."

"Sa tingin mo ba may pag-asa pa ako?" seryoso kung tanung.


"Oo. tutulungan kita."


As in ganon lang kadali yun?? Ganon niya kaagad nakuha ang atensyon ko..


Ganon niya kadaling nakuha ang loob ko.


One Last SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon