Chapter 2 - Ang Batang Multo

35 0 0
                                    

Paul's P.O.V

*BAHAY

Grabe nakakapgod tlga maglakad dun sa barangay na un. Dami pang mga nagiinuman prang mga ewan lang. Sigawan ng sigawan nakakastress. Buti mabilis lang biyahe kpag pauwi na. Di kasi traffic sa hell school pag pauwi na kc sa mga oras na labasan na namen ay uwian na ng mga estudyante dun. Pag-uwi ko nakita ko nnman yung kapatid ko na gumagawa ng storya sa Wattpad.

Oy Leng!. Nung isang araw ka pa dyan ah? - Paul

Oo kuya, kanina pa nga ako dito eh pero di ko pa din matapos tpos tong storya na ginagawa ko. - Leng

Tungkol saan ba yan? - Paul

Ay, wala to kuya. (sabay ngiti) - Leng

Weh? Pabasa ako. - Paul

Wag na kuya. Mamaya mali pa grammar ko. Dami mo nnman sasabihin. - Leng

Aminado ka? hahaha - Paul

Medyo hahaha - Leng

Palagi kaming ganito ni Leng kpag tungkol sa storya nya sa Wattpad ang pinaguusapan. Minsan kasi mali mali nga ung grammar nya. Sinasabi ko naman ng mahinahon kung ano yung mga mali nya.

Sige Leng, akyat lng ako sa kwarto ko. - Paul

Sige kuya. - Leng

Umakyat na ako sa kwarto ko, nagbihis ng pambahay at nahiga ng sandali sa kama ko. Iniisip ko pa din kasi yung sinasabi ni Mang Nestor pero hindi ko talaga napakinggan ng mabuti bukod sa pangalan ng alaga nyang aso. Bago pa man ako makapagisip ng mabuti ay nakatulog ako bigla.

Leng's P.O.V

Nakakainis naman!. Wala na ako maisip dito sa storya ko. Medyo inaantok na din ako. Kanina pa kc ako nasa tapat ng kompyuter eh. Lumabas muna ako sandali ng bahay para magpahangin. Medyo masakit na din yung ulo ko eh. Habang nagpapahangin ako nakakita ako ng isang matanda na may kasamang aso. Ang cute nung aso pero yung amo hindi hahaha. Hays, gusto ko magkaaso katulad nung sa matanda kaso ayaw naman ni mama.

Napansin ko din na tingin ng tingin yung matanda sa taas ng bahay namen kaya tinignan ko din kung ano yung tinitignan nya. Wala nman akong nakikita pwera lang sa kwarto ni kuya. Lumingon ulit ako sa matanda pero nakalayo na pala sila nung aso nya. Nagtaka naman ako kung anong meron dun sa kwarto ni kuya. Bigla kong naisip na baka may third eye yung matanda tpos may nakikita syang multo sa kwarto ni kuya. Kaya nagmadali akong umakyat sa kwarto ni kuya para sabihin sa kanya yung nasa isip ko.

Kuya, gising!. Kuya!. - Leng

Ohhh.. - Paul habang nakapikit ang mata 

May multo dito sa kwarto mo!. - Leng sabay ngiti ng masama

Oh!. Di nga!!! - pagkalagulat ni Paul

Oo kuya!. Meron. - Leng

Alam kong takot si kuya sa multo kaya sinabi ko agad sa kanya na baka nga meron sa kwarto nya.

Pano mo naman nasabi Leng? - Paul

Meron kasing matanda na naglalakad kanina sa harap ng bahay naten tpos nakatingin sya dito sa kwarto mo kaya naisip ko na bka may third eye sya at may nakikita syang multo dito sa kwarto mo. - Leng

Oh? D na nga muna ako matutulog dito. - pagkasabi ni Paul na may halong takot

Tara kuya kaen na tayo - Leng

Ha? Anong oras na ba? - Paul

Alas singko na kaya!. - Leng

Hala? Antagal pala ng tulog ko - Paul

Oo kuya haha - Leng

Bumaba na kami ni kuya para kumaen ng hapunan at pagkatapos nun ay tinanong nya ako tungkol sa matanda na nakita ko kanina.

Oy Leng!. Ano bang itsura nung matanda na nakita mo? - Paul

Ay hindi ko masyado pinansin yung itsura nya kuya eh pero may kasama syang aso kanina - Leng

Oh? (biglang napaisip) - Paul

Bkit kuya? Ano meron? - Leng

Ah, wala wala haha. Ge matutulog na ako inaantok na kasi ako eh tsaka maaga pa ako gigising bukas, - Paul

Ang aga naman kuya? - Leng

Para maaga din ako magising - Paul

Ah sige sige. - Leng

Dahil natakot si kuya sa sinabi ko tungkol sa kwarto nya. Dito sya sa baba natulog. Tinuloy ko nalang yung storya ko at nakaisip na ako ng ilalagay sa storya ko.

Alas onse na sa orasan at hindi ko pa rin natatapos ang storya na ginagawa ko kahit marami na akong naisip. Tinignan ko si kuya pero ang himbing ng tulog nya. Nagsasoundtrip na ako ng malakas pero hindi sya magising gising. Dahil wala nanaman akong maisip sa storya ko ay pinatay ko na ang kompyuter at umakyat sa kwarto ko. Nahiga na ako sa kama ko at nakapikit na. Mga ilang minuto lang biglang lumakas ang ihip ng hangin. Minulat ko ang mata ko at tinignan kung nakabukas ang bintana pero hindi naman. Nagpatuloy ang pag-ihip ng malakas na hangin hanggang sa makaramdam na ako ng lamig na may halong kaba. Pinatay ko ang electric fan pero kahit nakapatay na ito ay malakas pa din ang ihip ng hangin. Natakot na ako kaya bigla akong lumabas sa kwarto ko. Bumaba ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Paglingon ko...

OOOOOOYYYYY!!!!!. - pagkagulat ni Leng

Hala? Nu nangyari sau? - Paul

Takte naman kasi kuya bigla bigla ka nalang nagigising tapos sa likod ko pa pepwesto. - Leng

Haha!. Anong oras na gising ka pa? - Paul

Oo kuya kakatapos ko lang gumawa ng storya eh. Teka, bakit ka nagising? - Leng

Ah, naalimpungatan lang ako kasi ang lakas ng hangin eh. - Paul

Oh? - Leng

Nagulat ako sa sinabi ni kuya. Hindi lang pala ako ang nakakaramdam ng malakas na hangin kaya nawala na ang kaba ko kasi naisip ko na sadyang malakas nga ang hangin dito sa bahay.

Oy Leng, matulog ka na. - Paul

Oo kuya - Leng

Umakyat na ulit ako sa kwarto ko at bumalk na sa pagtulog si kuya. Pagpasok ko sa kwarto ay iniwan ko nalang na bukas ang pinto para mabawasan ang takot ko. Pahiga na ako sa kama ko ng biglang may kumalabit saken. "Kuya wag kang magbiro ng ganyan ah?" may halong takot na pagkakasabi ko.

Pinilit kong magpakatapang kahit medyo natatakot na ako. Walang sumagot sa sinabi ko kaya naglakas loob akong lumingon. Nagbuntong hininga ako ng malalim sabay bilang ng tatlo. Isa.... Dalawa.... Tatlo!!. HA!.

Pagkalingon ko at walang tao sa likod ko o kahit ano pa mang naiisip ko pero natatakot pa rin ako. Lumingon ako ulit sa kama ko.

AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!

Napasigaw ako sa sobrang takot ng makakta ako ng isang batang lalaki na nakahiga sa kama ko. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Hind ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Alam kong multo siya pero maayos ang itsura nya. Parang normal na bata lang.

Hello ate, anong pangalan mo? - malamig na boses ng batang multo

Nang nagalaw ko na ng bahagya ang katawan ko ay kumaripas ako ng takbo sa baba sa sobrang takot at ginising si kuya.

Kuya!!! Kuya!!!! Gising!!! - Leng

Oy Leng!. - pagkagulat na sabi ni Paul

May multo sa kwarto ko kuya!!!!! - Leng

Oh? Di nga? - Paul (may halong takot din)

Dahil pati si kuya ay natatakot na din sa kinekwento ko ay natulog kaming dalawa sa baba. Sa sobrang takot ni kuya ay nakatulog sya agad samantalang ako ay di ko pa din maalis sa isip ko ang batang multo na nakita ko. Nagulat ako kasi wla man lang nagising sa lakas ng sigaw ko pero sino kaya yung bata na un? 

Odie is my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon