Prologue

10 1 1
                                    

Is it possible to fall inlove with someone that you just met in your dream? But, what if you met him in real life? Is it destiny or just a coincidence?

PROLOGUE

Hindi ko alam kung nasaan ako. Ang tangi ko lang nakikita ay ang madilim na paligid na naka palibot sa akin.

Nagpalakad lakad ako na tila may hinahanap.

Hanggang sa nakita ko ang isang di pamilyar na mukha ngunit parang may kung ano akong naramdaman nang mag tama ang aming mga mata.

Gusto ko siyang lapitan at tawagin. Ngunit bigla siyang umiwas ng tingin. At biglang rumami ang tao sa aming paligid.

Lumayo ang pagitan namin sa isa't isa. Tumingin muli siya sakin,at kasabay nito ang unti unting paglaho niya sa aking paningin.

Pinilit kong pumunta sa gawi niya ngunit tuluyan na siyang naglaho..

----------

Napadilat ako sa pagtunog ng aking alarm clock. Unang araw ko nga pala sa High school ngayon

Mabilis akong bumangon sa pagkahiga at inayos ang aking kama

Habang naliligo, biglang sumagi sa isip ko yung napanaginipan ko kanina. Hindi ko na ito masyadong maalala basta ang natatandaan ko lang, may pilit akong nilalapitan

Ang weird lang.

Hindi ko na pinilit pang aalalahanin yung panaginip ko, tinapos ko na lang ang pag ligo ko at nag ayos para sa pag pasok

Lumipas ang isang linggo, nakalimutan ko na at tuluyan nang nawala sa isip ko yung panaginip na iyon

Pero isang araw, naghihintay ako ng Jeep na masasakyan papuntang school ay napa-gawi ang aking paningin sa kabilang kalsada.

Nakatingin rin siya sakin ngunit umiwas agad ng tingin. Hindi ko mai-alis ang paningin ko sakanya. At parang may kung ano na iniisip ko

Hanggang sa...

[Itu-tuloy]

---
[A/n]

After a year na pag tambay ng story na 'to sa draft list ko, na publish din. Finallyyy! HAHAHA

Shout out sa nag push sakin na i-publish na 'to hahaha

Dream: Destined To Love You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon