Chapter 4

3 0 0
                                    

Chapter 4

KARL

Pag kauwi, hinanda ko na agad lahat ng materials na gagamitin ko; Colored Papers, stickers, pens. bumili rin ako ng mga Stationary para cute hehe.

I really love writing and specially, recieveng letters. Kasi sa mga sulat, nasasabi mo yung mga bagay na hindi mo masabi. I may sound old school but i just love old school thingy

Natapos ko naman agad lahat ng letters. Kaso naalala ko na susulatan ko pala si 'Karl' kaso naubusan na ko ng colored paper at stationaries kaya nanghingi ako ng stationary kay ate.

Yung stationary na binigay niya sakin is kulay pink siya na may design na Balloons na heart shaped then sa left lower part may bear.

Agad kong sinulatan iyon. Napuno ko yung papel. Back and forth may sulat sa dami ng gusto kong sabihin sa kanya. Kaso hindi ko sinabi lahat because i'm scared that i might creep him out

------

Ngayong araw na yung Deadline para sa Mail-A-Gram.

Natapos ko na lahat pati yung sulat ko para kay Karl.

Pero ang pino-problema ko lang ay hindi ko alam yung Full name at yung Section niya.

"Me-an! Uhmm. Ano hehe." Pag tawag ko sa kaklase naming si Mary Ann o Me-an

"Hmm?" Sagot nito habang naka ngiti sa akin.

"Can I ask you a favor?"

"Sure! Ano 'yon?" Pag payag niya.

"Kasi ano...Patanong naman ng name and section niya? Please?" Sabay turo kay karl na nasa gilid ng gym kasama ang mga kaibigan niya.

"Sige sige! Sagot ni Me-an at tumakbo na pababa papunta kay Karl

Kinakabahan akong tumingin sa baba habang kinakausap siya ni Me-an.

Pinag masdan ko ang mukha ni Karl habang kinakausap siya ni Me-an. Tila naiilang, confusion at pag tataka ang makikita sa kanyang mukha.

Sa pakiramdam ko'y wala ata siyang balak sabihin ang pangalan niya. Naiintindihan ko naman kung ganoonㅡ napatigil ako sa pag iisip ko nang marinig ang sinabi niya

"Bakit?" Sagot ni karl

"Yung classmate ko kasi, May balak na sulatan ka kuya, kaso di niya daw alam pangalan mo." Sagot ni Me-an

Siniko si Karl ng kaibigan niya na sa tingin ko eh yung pinupuntahan niya lagi sa Room 303

"Pre sabihin mo na, don't be shy. Baka admirer mo yan ayiee." Pangangantyaw na sabi ng kaibigan nito

"Ano ka ba pre." At natawa ito ng bahagya.

Hindi ko na narinig pa ang sinabi niya kay Me-an mejo mahina kasi pagkasabi niya.

Nakita kong ngumiti si Me-an at nag thank you kila Karl at sinundan siya ng tingin nito, marahil na w-wirduhan o kaya para malaman kung sino yung nag pa-tanong ng pangalan at section niya.

Agad akong nag panic na baka malaman niya kapag lumapit si Me-an sakin, kaya mabilis kong inakyat yung room namin.

Kaka-rating ko lang sa room namin at hinahabol ang hininga nang biglang may tumawag sakin.

"Zeriea!"

Napalingon ako sa pag tawag na 'yon at nakita ko sa Me-an na tuwang tuwa

"Karl! Karl Castañeda daw! 9 - Honesty section niya!"

"Salamat talaga me-an!"

Nginitian niya ako "Ikaw ah, Karl pala." Sabi niya sabay ng isang kindat. "Pero wala yun! Happy to serve! Feeling ko nga ako si Cupid eh kasi parang tinulay ko kayo sa isa't isa!" Kinikilig niyang sabi, ngumiti ako "Uy sige, una muna ako. Gagawa pa pala ko assignment hehe babuuush Rieaaa!" Pag papaalam ni Me-an at pumasok na sa loob ng room.

Shiz. Finally, ma-susulatan ko na rin siya! Mission accomplished na sa name at section!

Agad akong lumapit sa mga kaibigan kong sina Erika at Trixie pag-kakita ko sa kanila ay hinila ko sila agad sa isang sulok

"Saya na naman niya oh, Anong meron?" Nag tatakang tanong ni Erika.

"Well.." Sabi ko.

"Let me guess! Kay dream boy yan 'no? Go na besh! Omg." Kinikilig na sabi ni Trixie.

"I can send him this letter na! I already know his name. Finally!"

"So di na pala mystery ang name ni dream boy."

"Karl Castañeda is the name!"

--
[A/n]

So i'm back! Haha.

Dream: Destined To Love You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon