Klara's POV
Tatlong araw.........
Tatlong araw ko ng hindi nakakausap si Dana hindi ko alam kung bakit pero parang nilalayuan niya ko nitong mga nakaraang araw katulad nila Andrew at Amiel. Tuwing lalapitan ko sila sasabihin nila busy sila kahit hindi naman dahil nakikita kong nakikipagkwentuhan pa sila sa iba naming kaklase ganun na ba ngayon ang busy? ..-_-
" Klara , Ang lalim ata ng iniisip mo? " napatingin ako sa kasama ko ngayon.
" Wala ito Kevin, naguguluhan lang ako sa mga taong nakapalagid sa akin " Oo si kevin ang kasama ko, tatlong araw na rin na siya lang minsan ang nakakasama ko sa paglabas-labas o pamamasyal pag bore na ko sa bahay. Siya na rin ang nagsusundo sa akin dahil napaaga ang bakasyon nila kaya free siyang ihatid sunod ako na gustong-gusto ng sarili ko.
" Anong ibig mong sabihin?"Napatingin ako sa kaniya, naandito kami ngayon sa Garden ng school namin nakatamb free time ko kasi at si Dana wala naman hindi ako kinakausap. "Sila Dana ang ibig sabihin ko Kevin" napatingin siya sa akin na may halong pagtataka bago ibigay yung coke in can na binili niya sa canteen binuksan ko muna ito at uminom bago uli magsalita. "Hindi ako kinakausap ni Dana this fast few days pati narin sila Andrew at Amiel they're acting so weird, para bang may itinatago sila sa akin na silang tatlo lang ang nakakaalam " nakatingin ako sa mga bulaklak habang nagkekwento kaya hindi ko alam kung anong reaction niya.
" Baka... may rason ang mga yon diba? So don't think too much Klara, sasakit lang ang ulo mo sa kakaisip " napatingin ako sa kaniya.
" Anong rason naman yun? " nagkibit balikat lang siya bago uminom nung coke niya. Napabuntong hinga ako at napatingin uli sa mga bulaklak.Siguro nga may rason kung bakit nagkakaganuon sila ... pero anong rason naman yun?.
Dana's POV
" Alam niyo kayong dalawa, tigil tigilan niyo yang hindi pag pansin kay Klara dahil pati ako nadadamay noh.." Pagalit na sabi ko sa dalawang lalaking nasa harapan ko.
" Hindi naman kasi namin sinabing wag mong pansinin si Klara, ikaw lang tong nilalayuan siya" Medyo inis na sabi ni Amiel, aba't siya pa may ganang mainis ah!
" kayo kaya itry niyong magtago ng sikreto sa matalik niyong kaibigan ewan ko lang kung hindi kayo umamin ng wala sa oras " mataray na sabi ko. Tumayo at pumunta nalang muna ako sa harapan ng ref para kumuha ng inumin nakakabagot lang kausapin tong mga to eh-_-
" Sorry Dana, kung nadadamay ka sa gantong sitwayson" hinging paumanhin ni Andrew.
" Hindi naman magkakaroon ng gantong sitwasyon kung hindi dahil sayo!". Madiin at may giit ng galit na sabi ni Amiel sabay padabog na tumayo. Tumingin ano ng masama kay Amiel. " Hoy! Kung Galit ka wag mong idamay yung mesa namin! Aba! In the first place dapat wala ka dito noh!" Mataray na sabi ko, totoo naman eh! Nung sinabi ko kay Andrew na mag usap kami dito sa bahay, out of the blue bigla siyang sumulpot sa harapan namin at gusto rin daw sumama.-_-. Kasama rin namin yung mga kagrupo ng mga to nasa sala nga lang at panigurado nag kakainitan rin yun duon. Kami naman naandito sa kitchen para maka pagusap ng kami-kami lang.
Tinignan niya lang akong ng saglit at tumalikod rin, pumunta siyang lababo para mag hugas ng kamay. Linis-linisan kala mo talaga malinis budhi tssk! " You know what Andrew hindi mo deserve na manligaw kay Klara " aba! Kala mo naman siya nililigawan, tumahimik lang ako at naghihintay sa sagot ni Drew pero ni isang 'ah' wala akong narinig kaya magpatuloy sa pagsasalita si Amiel 'mayabang' " No comment? O siguro alam mong tama ako noh?... tsk...tsk, Andrew pinahihirapan mo lang ang sitwasyon mas mabuti pang sabihin mo na kay Klara na hindi mo talaga siya mahal dahil kung totoong mahal mo siya hindi ka magkakaganyan----"
YOU ARE READING
Me And This Three Boys [ EDITING ]
FanfictionOne Girl named Klara with three boys, who are loving her so much. First Boy: This boy , was her first love but he rejected her love before but now this boy is coming again to save the love tjat girl have to him. Second Boy: This boy was the boy...