Klara'sP.O.V
Pagkadala namin ni Kevin kay Dana sa hospital agad siyang chineck-up ng Doctor sabi naman nito na Ok lang naman daw siya nahimatay lang siya dahil sa stress , ngayon nakaupo ako malapit sa hospital bed ni Dana tinawagan ko na rin sila Tita at papunta na rin sila dito
Dana bakit ganun? Kung kailan meron akong problema meron ka rin , kailangan talagang makisabay? *sigh* bakit ba naman kasi kung kailan kailangan mo ko dun naman ako wala kung sana hindi ako umalis dun hindi ka sana nakahilata diyan
"Hoy! Babae gumising kana nga diyan. Bawal ang mahina satin diba? Magpakatatag ka best! Kung ano man problema mo andito naman ako eh? Please gising kana" naramdaman kong namasa yung pisngi ko , Bakit yung pag-iyak ko hindi ko agad naramdaman ? Tapos yung sakit sa puso ko ramdam agad? Bakit?
"Dana *sob* diba dapat pag may problema tayong dalawa dapat magtutulungan tayo? *sob* pero bakit ganun? Ikaw lang ang nakakatulong sakin tas ako hindi ko man lang magawang tumulong sayo agad? *sob*" tuluyan na akong napaiyak habang hawak-hawak ko yung kamay niya
Alam ko parang O.A na tong ginawa kong pag-iyak sa tapat niya kahit alam kong nahimatay lang siya dahil sa pagod. Pero hindi niyo naman ako masisi eh... ako pag may problema o malungkot agad akong tinutulungan o pinapasaya ni Dana pero ako? Ngayon nga lang siya nagkaroon ng problema at ngayon nga lang din siya nalungkot ng sobra ngayon ko rin hindi agad siya natutulungan at napapasaya now tell me? Am i a bad friend to her? Or Am i taking her for granted?
*sob* *sob* *sob* *sob*
Iyak lang ako ng iyak ng may mapansin akong panyo sa harap ko tumingin ako sa may hawak nito at nakita ko Si..... Kevin nginitian niya ako at pilit na inaabot yung panyo pero ako? Nakatingin lang sa kaniya at iyak pa rin ng iyak
"Aissh! Ayaw mo talagang kunin? O gusto mong ako na lang ang mag punas sayo?" Magrereact na sana ako ng bigla niya nalang punasan yung luha ko, hinarap niya ako sa kaniya at pinupunasan yung luha ko, habang nagpupunas siya hindi parin natataggal yung ngiti niya
"Alam ko Pogi ako pero magtira ka naman sana? Malulusaw na ako sa sobrang titig mo oh? Haha" napabalik ako sa wisyo ng sabihin niya yun kaya agad kung iniwas yung tingin ko at naramdaman kung umalis siya sa tabi ko at umupo sa isa pang upuan na katabi rin nitong hospital bed ni Dana, tumigil na rin ako sa pag-iyak at nakatingin na lang sa nakahigang si Dana
" Nga pala tiniwagan ko rin si Ryu tungkol sa nangyari kay Dana"
Napatingin ako sa kaniya "What?!"
"Shh!" sabi niya, napatingin ako kay Dana buti hindi siya nagising sa biglang pagsigaw ko ....Aissh! Bwisit kasi tong lalaking to eh! ,,, Tumayo ako at hinila ko siya palabas, Pumunta na lang kami sa may Rooftop ng Hospital
"Bakit mo naman sinabi sa kaniya?!"
"Bakit? May kara-"
"Pano kung pumunta siya dito huh?!"
"Haya---"
"Bwisit ka naman kasi -hmmph!"
Pinatigil niya ako gamit yung dalawang palad niya
"Pwede patapusin mo muna ako? Dada ka na naman ng dada eh!" Pagalit kung tinanggal yung kamay niya sa bibig ko at tumalikod
"Bwisit!" Paalis na sana ako dahil sa sobrang inis ko sa kaniya, kung sakali mang pumunta si Ryu agad ko rin siyang papaalisin dito, Kung gusto niyang magexplain kay Dana hindi ngayon yun pagod si Dana and I think Dana Needs space
YOU ARE READING
Me And This Three Boys [ EDITING ]
FanfictionOne Girl named Klara with three boys, who are loving her so much. First Boy: This boy , was her first love but he rejected her love before but now this boy is coming again to save the love tjat girl have to him. Second Boy: This boy was the boy...