Chapter 4

97 10 1
                                    

*Keixa's POV*

Nagising ako ng may ngiti sa labi.Para bang lahat ng makikita ko, bibigyan ako ng goodvibes.

"Luuuh... Anong ngiti yan?"

"Rara, bakit nandito ka? Kelan ka pa nakapasok dito? You are invading my privacy. Aga aga pa o--Oh my packaging tape! Tanghali na pala?!" napabangon ako bigla, Pero umupo lang ako ng maayos sa kama ko.

"Ay, di girl. Gabi pa. Sige na matulog ka pa at baka nananaginip ka lang." she said sarcastically. Kahit kelan talaga.

"Malamang eh tanghali na, ang taas taas na ng araw oh. Kanina pa nga ako dito, lam mo yun? Dito na nga ulit ako pinakain ni Tita. Maaga ako pumunta para lang makibalita tungkol sa nangyari kagabe."

"Makichismis kamo." bulong ko naman. 

"Hindi kaya." umupo siya sa tabi ko at inilapit ng super lapit ang mukha nya. "So ano Xaxa, gwapo ba??"

"What? Ano ba yang sinasabi mo? Lumayo ka nga." tumayo na ako. Gutom na rin kasi ako. "Saka, pwede kumain muna?"

"Fine, pero Keish, may utang kang kwento sa akin. After mo kumain ha." pagkasabi niya nun, lumabas na siya ng kwarto ko.

Itinupi ko na ang kumot ko at naghilamos. Lumabas na ako pagkatapos para kumain kahit nakasando at pajama pa ako.

"Good morning Ma." bati ko kay Mama na nagluluto na ata ng lunch.

"Maupo ka na diyan at kumain."

"Hmmm.. Ma, ang bango naman po ng niluluto niyo. Nakakagutom. Hehe. Ah... Ma, nasan po si Kuya?"

"Umalis sandali at may pupuntahan daw siya na mahalaga."

"Ganun po ba? Si Keira po? Gising na po ba?"

Lumapit si Mama sa akin para ilapag sa mesa ang niluto niyang kare-kare.

"Si Keira, nasa labas kasama si Mira, naglalaro ata. Oh, tikman mo tong niluto ko."

"Okay po." tinikman ko yung niluto ni Mama at suave, ang sarap talaga niya magluto.

Pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan ko. Si Mama kasi after magluto ay umalis kasama si Keira para daw ienrol na si Keira. Excited much nga ang baby sister ko kasi papasok na daw siya. 5 years old na siya kaya ieenrol na sa Kindergarten school.

Nagpalit na ako into tshirt at shorts kasi nga di ba nakapajama lang ako kanina? Lumabas na ako at pumunta kina MIra. Syempre nilock ko na muna ang bahay namin, mahirap na noh, baka masalisihan.

"Manang, si Mira po?" tanong ko kay Manang na nagwawalis sa sa may garden nila.

"Nasa kwarto niya iha."

"Sige po Manang, salamat po. Puntahan ko lang po muna siya."

Pumasok na ako sa loob pero nung nasa tapat na ako ng kwarto niya, tumigil muna ako at sumilip kasi medyo nakaawang yung pinto. Mula sa labas ay naririnig ko si Mira.

"Ano gagawin ko? Sasabihin ko ba o hindi?" sabi niya habang pauli uli sa loob ng kwarto niya at kagat kagat ang daliri.

Ano problema nito?

Pumasok na ako sa loob at sa gulat ni Mira ay bigla siya napaupo sa kama niya.

"A-ah K-Keish i-ikaw pala."

"May problema ba? Bakit mukhang gulat na gulat ka?"

"H-ha? W-wala ah." sabi niya ng hindi tumitingin sa akin. Umupo ako sa tabi niya at umusod naman siya ng konti palayo sa akin.

Suddenly [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon