Chapter 2

127 10 2
                                    

Si Kuya Keith yung nasa taas. ↑

Enjoy :)

*Keixa's POV*

Ang bilis ng panahon, May na agad. Parang kahapon lang eh graduation namin. At ang saya saya ko ngayon. Bakit hindi? Darating na bukas si Kuya :)))))

"Uy, tulala ka na naman tapos para kang timang na nakangiti diyan." hinila ni Mira ang buhok ko. Sadista din to eh.

Nandito nga pala ako sa kanila na super lapit lang sa amin. Samahan ko daw kasi siya.

"Kailangang manabunot?" reklamo ko.

"Muntimang ka kaya. Bakit ka ngumingiti-ngiti diyan? Holoo! Don't tell me nababaliw ka na? Tatawag na ba ako sa mental?"

"Sira! OA ka ha. Masaya lang ako. Darating na kasi si kuya bukas."

"Ehh?! Talaga?! Kyaaah! Makikita ko na ulit si Kuya Keith. Hahaha."

"Ayan ka na naman sa pagsigaw mo eh. Ako nga, ngingiti-ngiti lang tapos ikaw may pagsigaw pang nalalaman."

Ever since kasi na bata kami nitong si Mira, close na kami kay kuya. Nung 3rd year high school, saka siya kinuha nina tita para mag-aral sa Amerika. Pero kahit ganun na malayo siya sa amin, palagi kaming may communication.

Dahil bakasyon naman at darating nga si kuya bukas, naisip namin ni Mira na gumawa ng banner para iwelcome siya.

"Hindi diyan Keish. Dito sa bandang kaliwa." kanina pa ito ah. Hilong hilo na ako.

"San ba talaga Mira? Nahihilo na ako. Di pa ba pantay?"

Alam niyo yung nakakaewan? Ito yun eh. Kanina pa ako nakatayo dito sa may silya para ilagay yung banner na ginawa namin tapos itong si Mira, kanina pa sinasabing hindi pantay.

"Ayan! Ayan! Okay na." Sa wakas. naayos din.

"Buti naman at okay na. Hmm.. Mira, uwi muna ako ha. Mag-reready lang ako para sa pagsundo kay kuya bukas."

"Okee doks :))"

Umuwi na mauna ako. Inayos ko na rin yung kwarto ni Kuya. Kumain ng dinner tapos natulog na. Excited na akong makita si Kuya :))

Maaga kaming nagising kinabukasan. Ako ata ay 3am nagising.

5am kasi ang dating ni kuya. Dalawang oras din ang byahe papuntang airport.

"Lynn, nagugutom daw ang kapatid mo, bibili muna kami sa may labasan ha." Si mama at si Keira ang kasama ko dito sa loob ng airport ngayon. Si Papa, nasa sasakyan, nagpaiwan.

"Okay po Ma. Dito na lang po muna ako." Naupo na muna ako. 10 minutes na lang at darating na si Kuya.

Ayun. Dumating na yung eroplano na sinasakyan ni Kuya. Flight 402 siya eh. Nakikita ko na lumalabas na yung mga pasahero. Grabe, hindi naman masyadong madami eh no?

Nasan kaya si Kuya? Habang hinahanap ko si Kuya, napako ang tingin ko sa isang lalaki na papalapit sa akin. Ang gwapo. Tulad ng huli ko siyang makita.

3 ft apart from me ng huminto siya. Inalis ang suot na shades at ngumiti. Siya nga.

^_______^

"Kuya!" sigaw ko habang lumalapit sa kanya.

"Hello Princess. I missed you." niyakap nya ako. Grabe lang. Namiss ko din siya.

"Kuya, kaloka ka ha. May pamysterious effect ka pang nalalaman. Di kita nakilala agad."

"Haha. I'm sorry princess."

Suddenly [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon