Enzo

6 0 0
                                    

kabanata 2

Enzo

nakatayo muna ako sa labas ng bld. B hindi pa naman kasi time ng klase namin, mas prefer ko pa dito sa labas mas tahimik at feeling ko ang peaceful tignan nung mga naggagandahang bulaklak dito sa mini garden ng school kesa naman sa room na napakaingay ng mga kaklase ko

habang naghihintay ako ng subj. time ko, inilagay ko muna yung earphone sa tenga ko at tahimik na nakikinig habang nakayokong pumipindot sa cellphone ko.

musically inclined ako at napakahilig ko sa mga music, at paborito kung banda ang silent sanctuary

kinahiligan ko ang magkaroon ng banda, katulad ng kuya mark ko, kaso lang hindi na natuloy ang pagbabanda ko dahil pinagbawalan ako nila mommy at daddy na sumali sa ganun

sinabihan nila ako na kahit anong mangyari wag na wag akong sasali sa banda kung hindi, hindi na nila pa ako pahahawakin ng mga instrumento

sinunod ko na lang sila dahil alam kong mas alam nila kung ano makakabuti sa akin,ok pa rin naman ako eh, kasi pinayagan pa rin naman nila ako humawak ng kahit na anong instrumento, pero bawal akong sumali sa mga grupo ng banda.

nakakalungkot man pero, kelangan kung sumunod, ayoko kasing madagdagan ang problema nila mommy at daddy sa akin dahil kahit hanggang ngayon pakiramdam ko napakalayo ko pa rin sa kanila

wala na rin akong ibang choice kundi ang sundin sila sa mga gusto nila, sana andito na lang si kuya mark para makita ko ulit yung saya sa mga mukha nila mommy at daddy

dahil nakaraan na yun, di ko na kelangan pang balikan, habang naghahanap ako ng music sa cellphone ko at para magplay ulit sa nakasaksak na earphone ko sa tenga,

narinig kong may babaeng nagtatanong sa harap ko, hindi ko sya tinignan kahit na narinig ko sya

hindi naman sa snobber ako,pero mahiyain kasi talaga ako makipag usap kahit kanino.

buti na lang, biglang dumaan yung bestfriend ko at inaya nya ako na pumasok na sa classroom, kahit na magkaiba kami ng kwarto ng bestfriend kung si louie, thankful pa rin ako kasi parati syang partner in crime ko

sya lahat lahat nakakaalam ng kwento ng buhay ko, sya lang kasi talaga ang tanging nakakausap ko dito sa school maliban sa kanya ay wala na

nakilala ko sya nung napapractice akong tumugtog at maghawak ng ibat ibang instrumento sa katunayan sa kanya ako natuto ng maraming paggamit sa instrumento maliban sa kinahiligan kung gitara

kaya simula nun itinuring ko syang bestfriend at partner in crime alam nya kasing mahiyain akong tao at hindi ako pala kaibigan

kaya kanina right timing talaga sya ng pagdating dahil saktong may kumakausap sa akin

ng makarating na ako sa classroom gawain ko na ang umupo agad at tumungo sa armchair ko, kahit na yung mga kaklase ko ang iingay nila

kaya isinalpak ko na lang ulit yung earphone ko at nakinig ng music

maya maya naramdaman kung may biglang umupo at tumabi sa katabing bakanteng upuan sa right side ko,

pinakiramdaman ko lang yun at diretso pa rin akong nakinig ng music

pakiramdam ko biglang tumahimik yung atmosphere ng classroom,

pagtingin ko nandyan na pala yung instructor namin sa psych.

tsaka ko naman inalis yung earphone ko at inilagay sa bulsa ko

Enzo Villalon, senyales na nagtatawag yung instructor namin

Lovingly InlovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon