Dear Nanay 1

1K 11 0
                                    

Dear Nanay,

Hi nanay! Kamusta po? Nanay alam mo ba may nangyari po sa School kanina, nadapa po ako pababa ng jeep Nay. Nakakahiya nga po e, pinagtatawanan nga po ako ng mga tao doon ang lampa ko daw po. Naiyak nga po ako e, buti nalang andun si Eloisa, yung kaibigan ko po na palagi kong kinukwento sainyo. Tinulungan nya akong tumayo at pinagtanggol nya din ako. Nanay sana nandito ka para nakita mo kung gaano katapang si Eloisa. Nilibre pa nga po nya ako ng Ice cream para daw po tumahan na ako, katulad po ng ginagawa nyo nung nasa elementary pa ako pag inaaway ako nung mga kaklase ko dati. Miss na miss na po kita Nanay. Palagi po kitang pinagpe-pray kay Jesus.
Sige po Nay, matutulog na po ako ha? Maaga pa po kase yung pasok ko bukas e. Goodnight po. Mahal na mahal po kita.

Nagmamahal na anak,
Christine.

Dear NanayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon