Dear Nanay 2

292 9 0
                                    

Dear Nanay,
Good morning po! Kamusta po ang tulog nyo? Kakatapos ko lang po kumain, ang sarap nga po mg ulam ko e yung paburito nyo po. Yung piniritong tilapia with Mangga, kamatis at sibuyas. Kayo po, ano pong inulam nyo? Nanay alam mo ba nakita ko po si Kuya kasama yung asawa nya, sayang nga lang po at di nyo pa po nakikilala si Ate Marie. Ang bait nya po, palagi nya po akong tinutulungan sa mga assignment at project ko sa school. At alam mo ba Nay, magkakaroon na po sila ng Baby! Sabi nga po ni kuya kukunin daw po nya akong ninang. Excited na nga po kaming malaman kung anong gender ng baby e. Alam ko po kung nandito kayo sobrang mae-excite din po kayo. Oo nga pala Nay, sabi ni Kuya miss na miss ka na daw po nya at mahal na mahal ka daw po nya, Ako din po Nay, Mahal na mahal ko po kayo ni Tatay and speaking of Tatay hindi ko pa po sya nakikita simula kahapon, busy na naman po siguro sa pagtitinda, si Tatay talaga kahit kailan. Sige Nay, mamaya nalang po ulet. Baka po kase malate ako sa School e. Ingat ka po palagi. Mahal na mahal po kita.
Nagmamahal na Anak,
Christine.

Dear NanayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon