"Napakahina mo talaga," sabi ko sa sarili ko. Nandito ako sa loob ng Clinic ng school namen dahil bigla nalang akong nagimatay.
Hindi ko din alam kung sino ang nagdala saaken dito kase sure akong di ako kayang buhatin ni Eloisa.
"Buti at gising ka na," napatingin ako sa nagsalita.
"Ilang oras na ho ba akong nakatulog?" Tanong ko sa nurse ng school clinic namen. Wala kase dito si Eloisa."Halos dalawang oras ka na ding nakatulog," sabi saaken ng nurse. "May masakit ba sayo?" Tanong nya pa at tinignan ako umiling lang ako bilang sagot.
"Sino po nagdala saaken dito?" Tanong ko para naman mapasalamatan ko kung sino mang tao yun. At saktong pagtanong ko nun biglang bumukas yung pinto at may pumasok na lalaking may dalang dalawang plastic bags.
"Hi," sabi nung lalake saaken. Matangkad sya, maputi at may salamin. Ang cute nya.