7.

5.4K 91 1
                                    

Ginanahan mag update ^__^

----

(Kyla POV)

Nakarating na rin ako sa Empire Clothing Company.
Marami na rin models Ang nag aayos ng sarili nila. 15 minutes pa bago magsimula Ang Pictorial. Pumunta na ako sa assign place ko para makapag ready narin.

After 15 minutes.

Tinawag na kami isa isa. Bawat isa samin magkakaron ng kapartner na Pro Model na. Ramdam namin Ang pressure pero kailangan may poise parin.
3 set Ang gagawin namin. 1st Ang Casual dress lang ang susuotin,2nd Ang Sports Wear ,Ang pinaka importante Ang  3rd Ang Swimsuit.

Easy lang naman to sakin kasi nung nasa France pa ako lagi naman ganito Ang ginagawa ko. Ang mga kalaban ko ay puro mga Pro sa pagmomodeling kaya alam Kong magiging challenging to. Pero Chill lang ako habang naghihintay Ang turn ko.

After a couple of minute tinawag narin ako. Chineck ko muna Ang sarili ko at tumayo with Full of Confidence. Lahat ng natutunan ko sa ibang bansa iaapply ko ngayon.

Naglalakad na ako papunta sa harap ng bigla na lang akong nagulat !

Sino ba namang ang  Hindi magugulat kung Ang magiging kapartner mo yung Ex mo. Oo si Kurt Sandoval nga ang partner ko.
Kung mamalasin ka nga naman,Nung isang araw lang nagawa namin ang Hindi dapat gawin tapos hanggang sa panaginip ko sya parin. At take note Hindi lang simpleng panaginip pero Nag memake love daw kami. Grabe lang diba.

Natauhan narin ako Ang tagal ko na palang tinatawag buti nalang nagising din ako sa kahibangan ko. Inayos ko ulit yung sarili ko yung parang walang nangyari at kunwari Hindi ako apektado sa presensya niya.

Nakatitig lang siya sakin habang papalapit ako syempre papatalo ba naman ako. Hindi no kaya sinabayan ko rin siya sa titigan. Bigla siyang nag smirk sakin kaya I rolled my eyes on him.

Nakalapit na ako sa kanya,Iba parin yung effect nya sakin. Ramdam ko parin yung haplos niya sa bawat parte ng katawan. (Iling iling) Ohmygahd ano bang iniisip ko! Focus lang kyla! Focus lang.

After a minute nakapag ayos narin kami ni Kurt.
Binigyan lang kami ng konting instruction para sa gusto nilang kalalabasan sa photoshoot namin. Being A professional walang malisya yung gagawin namin.

1st Set (Casual Dress)
Theme: Love

Hindi naman ako nahirapan na maging kapartner sya. Oo aaminin ko Ang galing niya, professional talaga siya. Ni hindi manlang siya naiilang sakin. Gaya ng isa naming photo.
Halos magkahalikan na kaming dalawa Ang ganda ng kuha namin. Kapag titignan mo yung photo para kaming lovers. Kita sa mata niya Ang pagmamahal.
Natapos na kami sa isang set kasi may nakuha na silang best shot.

Next na ang 2nd Set (Sports Wear)
Theme: Enjoying each other's Company

Nakasuot kami ng pang golf attire . Ang instruction samin tinuturuan niya ako mag golf.
Kaya Ang pwesto ko yung papaluin na ang bola at siya naman yung nasa likuran ko at nakahawak sakin at nakayakap.

Bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko lalo na yung nadikit na niya yung katawan niya sakin. Shit nanginginig pa yung kamay ko na hawak niya. Grabe iba talaga epekto niya sakin. Tumagal kami ng pwestong ganun ng 10 minutes lang naman. Oo 10 mins lang naman ako na halos di makahinga. Kala ko nga mamatay na ko. Shemay talaga. Buti nalang natapos narin kami sa 2nd set.

Nag ayos na kami para sa last set
Ang 3rd Set (Swimsuits)
Theme: A Paradise of Lust

Natapos narin ako mag suot ng bikini ko na black with touch of silver.  Feeling ko I'm Hot and Sexy sa bikini ko. Lumabas na ako sa fitting area. Nakita ko naman nakatalikod si Kurt. Ohmygahd naka topless lang siya with his trunks na fitted sa kanya. Kahit nakatalikod pa lang siya pero iba na Ang dating. His body is perfect. Makikita mo yung muscle nya na namumutok ng humarap siya shemay Hindi ko maiwasan na tumingin sa abs niyang 8 packs. Isa siyang Adonis na nililok na napakaperfect. Hindi pa ako nakontento napatingin pa ako sa baba niya. Ohmygahd parang may nakasulat don na "Eat Me" ohh shit ano ng nangyayari sakin. Grabe ng pagpapantasya yung ginagawa ko.

Natauhan nalang ako nung nagsalita siya "Enjoying the view babe? sabay smirk."
Bigla nalang akong tumingala shit ang init na ng pisngi ko. I think sobrang namumula na ako ngayon na parang kamatis.

Kyla mag focus ka na!! Kung pede ko lang iuntog yung sarili ko ginawa ko na para magising na ako sa kahibangan ko.

Buti nalang tinawag na kami ng photographer.

At mas malala pang pangyayari yung pwesto namin ngayon.
Ang background namin ay paraiso at ako nakayakap sa kanya habang yung isang paa nakapulot sa kanya at yung isang kamay nakasabunot sa kanya habang siya nakayakap at nasa leeg ko yung mukha niya.

Grabe halos Hindi ako makahinga sa pwesto namin ngayon. Ang daming tumatakbo sa utak ko. Para akong nilalapad ng hangin. Shemay Hindi ko na talaga kinakaya kaya inayos ko nalang para isang take lang kasi any moment baka kung ano na magawa ko. Haha
Mabuti nalang nagustuhan nila yung nakuhang pic samin kaya naghiwalay narin kami.
Nakahinga na rin ako ng maluwag yung tibok ng puso ko kanina parang nakikipagkarera sa bilis. Kaya pumunta nalang agad ako sa dressing room at nagpalit.

Nang matapos na ako pumasok naman si Kurt at Lumapit sakin.

----
Sorry medyo Lame yung Update ko. Bawi ako sa Next Update. Sure akong Parehas tayong Gaganahan sa Mangyayari. ^__^

Ang unang mag COMMENT at MAGVOTE sa kanya dedicated Ang next chapter. ^___^

LOVELOTS

~hug&kisses

"You Captured my Innocence"(Rated SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon