13.

4.3K 85 14
                                    

At the Bar"

Dumating narin kami sa bar sa kung saan kami magcecelebrate.Halos kadadating lang din nung iba kaya nag order na sila.

Cheers !!! (Sabay sabay naming sabi habang tinataas yung hawak naming baso)

Halos lahat sila kino congratulate ako at masaya na nagpaparty habang ako lang ata ang hindi masaya. Hindi naman ibig sabihin na hindi ako masaya wala lang talaga ako sa mood ngayon simula yata nung natapos ang interview namin para lang akong lutang na hindi ko maintindihan.

Parang merong tumutusok sa puso ko sa bawat binibitawan niyang salita niya kanina.
Ang weird lang kasi nasasaktan ako o masyado lang talaga akong defensive.

Hindi sana ako iinom ngayon kaso hindi ko na napigilan pampatanggal lang ng weird feelings ko kaya tinungga ko na yung nasa baso ko.

Tumingin ako sa paligid at nakikita ko silang masaya pero may nahagip yung mata ko kaya bigla na namang may tumusok sa dibdib ko. Nagsalin ako ng isa pa at sabay tungga ko hindi ko mapigilan na titigan siya habang masaya na nakikipagkwentuhan sa isang babae. Ang sakit at Ang bigat sa pakiramdam ko na nakikita ko siyang masaya sa iba.

Naiinis akong nakikita siyang masaya sa piling ng iba, naiisip ko tuloy kung may meaning ba para sa kanya yung nangyari samin hindi lang isang beses. Is it for fun? Or may nararamdaman siya para sakin o naiisip ko para lang paghigantihan ako sa pananakit ko sa kanya. Haysst naiinis talaga ako sa sarili ko kung bakit Ang bilis kong bumigay pagdating sa kanya at Ang bilis kong isuko Ang lahat lahat sa kanya.

Naramdaman niya siguro na may tumingin sa kanya kaya napalingon siya sa gawi ko kaya nagiwas agad ako ng tingin at tumungga ulit ako.

Hindi ko na mabilang yung nainom ko pero kaya ko pa naman medyo tipsy nga lang.

Nagulat nalang ako na may umakbay sakin, medyo nahilo pa ko sa ginawa Kong paglingon kala ko tuloy umikot yung mundo.

Oh Gab bat nandito ka? Pano mo nalaman na nandito ako?

Hmm ikaw talaga ( sabay pisil sa ilong ko) Hindi mo naman sinabi na nakapasa ka at may party ka hmm (sabay pout)...

Haha natawa ako sa pag pout niya ang bestfriend ko talaga napaka childish.

Pfftt hahaha uyy gab tigilan mo yang pag pout mo di ka cute mukha kang aso. Hahaha

Mas lalo akong natawa sa reaksyon niya nakabusangot na talaga siya. Haha Ang cute talaga...

Hahaha Joke lang Babe Ang cute mo talaga (sabay pisil sa ilong) Sorry na babe huh...

Ouchh!! Sakit ng ilong ko huh. Tsk oo na matitiis ba kita. (Sabay irap)

Tawa lang ako ng tawa sa reaksyon niya.

Napatigil lang ako sa pagtawa ng may tumikhim at umupo sa harap namin. Medyo nagulat ako sa presenya nya kaya tumahimik ako at umayos ng upo. Nararamdaman ko yung kakaibang aura na nagmumula sa kanya. Ewan ko ba parang Ang sama niya makatingin na parang papatay ng tao, namamalikmata lang ba ako o sadyang paranoid lang talaga.

Nagpatuloy lang ako sa pag inom na parang walang nag eexist na Kurt sa harapan ko. I don't care kung nakatingin siya sa akin patay malisya nalang ako. Halos wala narin akong naiintindihan sa sinasabi ni Gab puro nalang ako ngiti at tango.

Nagsalin ako ulit ng alak sa baso ko pero bago ko ito matuluyang mainom may humablot na agad sa baso ko. Nagulat ako ng makita Kong si Kurt Ang kumuha nito.

Inirapan ko nalang siya.Hindi ko mabasa kung ano Ang naisip niya ngayon at kung bakit kailangan pa niyang kunin yung iniinom ko. Pwede naman siyang humingi at magsasabi para mabigyan ko siya. Tsk manners huh!!!

Nagsalin ulit ako at iinumin sana kaso pinigilan niya ako.

Naka kunot noong tumingin ako sa kanya.

Why? (Tanong ko)

Tama na yan (malumanay niyang sabi)

Bakit naman?!! (Tanong ko ulit halos pairap Kong sabi) tsk. Ano na naman problema niya at pinapakialaman ako.

Inalis ko yung kamay niya sa baso at binawi ko sabay tungga

Last mo na yan huwag ka nang uminom (sabi niya)

Mas lalo tuloy kumunot Ang noo ko sa sinabi niya. Nabibingi ba ako o epekto lang ng alak kaya di ko na maprocess yung bawat salitang sinasabi niya.

Medyo naiinis na yung Aura niya.

I said Stop! (Ma awtoridad niyang sabi)

Hindi ko pinansin yung sinabi niya kaya nag shot ulit ako ng isa pa. Tsk sino ba siya para pagbawalan ako kala niya siguro natatakot ako sa kanya. But I heard him curse.

Sh*t Kayla! I said Stop!!!

Halos natauhan ako sa sigaw niya halos kinilabutan ako. May iilan ding napatingin sa amin habang akoy nakatulala lang.

Medyo kumalma na siya at bumalik na yung mga tao sa kanya kanyang ginagawa.

Kinuha ko na yung purse ko at biglang tumayo ako kaso parang biglang umikot yung paningin ko at nahilo ako.

Bago pa man na bumagsak ako may dalawang kamay na yung nakahawak sakin.

Napatingin ako sa kaliwat kanan ko.

Sa kaliwa si Kurt at sa kanan si Gab.

Okay kalang?? ( sabay nilang sabi)

Umikot ulit Ang paningin ko sa ginawa Kong pagtingin sa dalawa.

Umuwi kana.
Uwi na tayo.
(Sabay nilang sabi)

Nagkatinginan pa silang dalawa at Ang sama ng mga tingin.

Magsasalita pa lang ako ng tinanggal ni Gab yung Kamay ni Kurt.

Ako ng bahala sa kanya.
Babe let's go na uwi na tayo .

Lalong sumama yung tingin ni Kurt Kay Gab pero hindi ko nalang pinansin at nagpatianod nalang ako kay Gab.

Hindi ko na kayang bigyan pa ng mas malalim na kahulugan yung mga inaakto niya. I'm mentally and physically tired.

~~~

Sorry late update !!! Medyo na busy lang... Sa "BTS"haha char lang. ^__^

Thanks sa mga nagbasa,nagbabasa at magbabasa palang.

Sa mga nagvote at nag add sa reading list nila "kamsahamnida" !!!

~lovelots~

"You Captured my Innocence"(Rated SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon