chapter three

14 0 0
                                    

Agad akong napaatras dahil sa pamilyar pakiramdam na kailan man ay hindi ko nang hihilingin na maramdaman pa ulit

"youre afraid Huh" nakangising sabi nito. Ngunit nanatili akong nakatingin sa kanya.

tuluyan na akong nawala sa sarili ko. Nanghihina ako. Ngunit hindi dapat

"Afraid? Really? nang dahil lang sayo. Dont flattered your self that much mr." Sabi ko dito at pinilit kong makaalis mula sa pagkasandal ko sa isang lamesa ngunit lalo lamang ako nitong kinorner.

"Talaga? Bat hindi ka makatingin sa akin? Ms.?" Mapaglarong sabi nito

"At bakit naman ako titingin sa mata mo. Bakit special kaba?. Atsaka pwede umalis ka sa harapan ko dahil naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo"

"yes, special ako. Kaya ngayon tumingin ka sa mata ko"

pinilit kong pakipaglabanan ng tingin sa kanya at pinilit ko rin na sana ay walang lumabas na emosyon dito.

"shit! Why you two have a same pair of eye. " bulong nito. Ngunit hindi ito nakaligtas sa pandinig ko.

'You still remember those innocent eyes, but now its gone just because of you.

"You know this is nonsense. Bakit nga ba ako nakikipagaway sa isang katulad mo na walang alam kundi ang maglaro" sabi ko dito at pwersahang inalis ang dalawa niyang braso na nakakulong sa akin.

naglakad ako ng dire-diretso at nang makalabas ako sa cafeteria ay agad akong nagtatakbo sa isang tagong lugar. Ang classroom kung saan niya ako winasak

Pagkapasok ko dito ay agad akong napaupo.

Nanghihina ako. Nagagalit ako at nasasaktan pa rin ako.

Ang mata niya. Yung mga matang nanloko sa akin. yung matang pinaniwala ako sa isang kasinungalingan. matang pinaniwala ako at ang matang dumurog sa akin.

Natatandaan ko ang araw na wala kang ginawa kundi panuorin ako ng mga mata mo.

flashback
nakayuko akong naglalakad sa gilid habang hawak ang isang box para sa kanya. Dapat ay bukas ko pa ito ibibigay sapagkat bukas pa naman ang una naming anibersaryo.

Habang naglalakad ako ay nararamdaman ko ang mga tinginan ng mga kaschoolmate ko at ang pagtawa nila sa tuwing dadaan ako. Ngunit hindi ko sila pinansin.

Pangalawang taon ko na ito sa university na ito ngunit ay walang pa ring gustong kumaibigan sa akin. Dahil ang sabi nga nila ay anak ako sa labas, na hindi naman talaga totoo.

nakaraang taon lang ng umalis rin ang aking ina upang bumukod kasama ang bago niyang asawa. at dahil dun naiwan akong magisa lamang sa bahay.

Nasanay na ako. Dahil wala naman na akong magagawa pa. Kundi ang magpasalamat nalang dahil binuhay niya pa ako.

Na kahit na hindi ko naranasan ang magkaroon ng kumpleto at masayang pamilya. Dahil para sa kanila ay wala lang ako.

"Nasan si aze?. Sa locker room?" Tanong ko sa nakasalubong kong kaibigan ni blaze.

biglang nagiba ang timpla nito. Para itong natatakot na natataranda.

"troy ano ba nasan si aze!" Kinakabahan kong tanong sa kanya dahil baka may nangyare na kay aze.

"Hinahanap mo si blaze?" nakanging tanong ni sandra. Ang isa sa mga nagpapasimuno sa pang bubully sa akin.

hindi ko pinansin ang kakaiba nitong ngiti.

"Oo" sagot ko dito
"nandun siya sa lugar niyo" nanunuyang sabi niyo atsaka umalis.

Maglalakad na sana ako papunta sa abandonadong classroom ng pigilan ako ni troy.

"Ericka. Hintayin nalang natin siya dito" sabi sa akin ni troy ngunit tinanggal ko lamang ang pagkakapit niya sa braso ko at kinakabahang pumunta sa abondonadong classroom.

Habang papalapit ako ng papalapit ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. kinakabahan ako.

Nang tuluyan na akong makalapit sa harap ng pintuan ay may naririnig na akong kakaibang ingay.

"Ericka please" nagmamakaawang pakiusap sa akin ni troy. habang nasa likod na niya si liam.

"Shit! troy may karapatan siya Malaman to. Sa tingin mo ba tama lang na pagmukhain siyang tanga ni blaze sa loob ng kalahating buwan?" Galit na sabi ni liam.

Naguguluhan ako. Nasasaktan ako sa mga naiisip ko. anim na buwan? Alin anong meron? Marami akong gustong malaman ngunit natatakot ako.

dahan dahan kong binuksan ang pinto.

Pagkakita ko sa kanilang dalawa sa ganitong sitwasyon ay halos madurog ako.

bakit blaze? Sa anim na buwan paano? Bakit mo to ginawa sa akin?

Nabitawan ko ang hawak na dahilan ng paggawa ng ingay. Sa pagkakataong ito sana panaginip lang ito. Hindi magandang panaginip.

Sabay sila napatingin sa akin. At napatigil sa paghahalikan.

Si blaze at cindy

Nakita ko ang gulat sa mukha ni blaze. Ngunit si cindy ay nginisian lamang ako.

hindi ko kaya. Paano blaze? Paano mo ko nagawang lokohin.

"Blaze bakit"garalgal kong tanong dito at nanghihinang napaupo.

"Bakit. Bakit. Bakit?" paulit ulit kong tanong.

Narinig ko ang yapak na papalapit sa akin. Ngunit natigil ito ng pigilan siya ni cindy

"blaze" banta na tawag sa kanya ni cindy.

Sa pagkakataong ito ay inisip kong sana nawala nalang ako. kahit na naintindihan ko na ay ayaw pa rin pumasok sa sistema ko.

"Sabihin mo na sa kanya blaze"

"Pwede ba cindy tumahimik ka!" Sigaw ni troy sa kanya

"Troy wag mong pagtataasan ng boses si cindy!"

Naisip ko ay para akong isang basura na basta nalang tinapon.

"ericka" tawag sa akin ni blaze. Ngunit nanatili lamang akong nakatungo

'please no blaze, nakikiusap ako ikaw nalang ang meron ako ngayon.'

"Let's break up" diretsong sabi nito na tuluyang nakapag guho ng mundo ko.

Sabay silang umalis sa loob.

akala ko ba walang iwanan blaze. Akala ko ba ako lang? Pero bakit ano to?. Wala lang ba yung mga sinabi mo sa akin?

Napangiti ako ng mapait. Iniwan nanaman ako. magisa nanaman ako. Siguro mahirap talaga akong mahalin at madaling iwan.

Wala man lang explanation blaze? Hindi ka man lang nagdalawang isip na iwan ako?.

Playing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon