one

2 0 0
                                    

Mia.

Hay! 5:00 am na! Kailangan na ulit bumangon at ayusin ang mga orders na kailangan i-deliver.

Tumayo na'ko sa kinahihigaan ko at naligo. Mabilisang ligo lang para matapos kagad. Nagbihis kaagad ako at tinali na ang buhok kong buhag-hag at sinuot na ang malaki kong salamin. Lumabas na ako ng aking kwarto at pumunta na sa bakery shop.

Nakita ko si mama na saktong nag aayos ng mga trays at ang mga paglalagyan ng mga deliveries. Pumasok ako sa shop at isinuot sa aking katawan ang nakasabit na apron. Lumapit ako kay mama.

"Hi mama. Good morning po." Pagbati ko na sinabayan ko na rin ng ngiti.

"Oh anak, good morning din. Kumain ka na ba?" Ani mama

"Mamaya nalang po ma. Ay, oo nga po pala, mga ilang orders po ng mga tinapay ang i-dedeliver ko?" Tanong ko kay mama

"10 anak. Isa dun yung sa Hawks Group Academy, yung pinaka mamahaling school at pinakamalaki rito. May umorder kasi na estudyante. Kahit mag bisikleta ka nalang papunta roon. Malapit-lapit lang naman yun dito sa tindahan natin." Sabi ni mama at inayos na lahat ng kakailanganin ko.

Ako naman, nagmamasa na'ko ng gagawin ni mama na tinapay, at pag tapos naman nun ay gagawa pa ako ng egg pie. Best seller iyon dito sa bakery shop namin. Kaya kapag break time ng mga nag o-office eh pumupunta kaagad sila dito sa shop para lang bumili ng egg pie at sinasamahan naman nila ito ng mga kape na binibenta rin namin dito sa shop. Maliit lang ang puwesto namin, ipinundar pa ito ni papa woo bin at mama noong mga bata pa kami ni kuya.

-

"MAMA! Aalis na po ako! Ba-bye po!" Sigaw ko at sumakay na sa motor namin na giginagamit pang deliver.

Nang madeliver ko na ang 9 na mga orders, bumalik na ako sa shop at kinuha ang huling order ng customer namin. Lumabas na ulit ako at kinuha ang bisikleta ko. Habang nag ba-bike ako, may nakita akong napakagandang piano sa music store. Napatigil ako saglit at pinagmasdan ang kagandahan nito. Hay, kailan kaya ako makakatugtog ulit?

Napansin ko namang ilang minuto na rin pala ang nakakalipas at nakatingin pa rin ako dito sa piano. Naisipan ko ng umalis at tumungo na sa HGA.

Nang makarating ako ng HGA, ang daming mga estudyante na nag kukumpulan sa tapat ng isang fountain pond. Hanudaw?

Syempre ako dahil curious sa mga nangyayari sa paligid ko. Oo na! Ako tsismosa. Wala tayong magagawa. Lumapit ako sa kanila at nakipag siksikan at tulakan para lang makita kung ano ang nagyayari.

"Ano ba yan?!"

"Hoy! Hindi lang ikaw yung tao dito oh?!"

"Panget! Ano ba?!"

"Hindi mo ba nakikita nauna kaya kami dito!"

"Oo nga!"

Yan lang naman yung mga naririnig ko sa paligid ko habang nakikipag siksikan ako sa kanila. Hays! Wapakels na teh, masyadong maraming nagyayari sa mundo natin na gusto kong masilayan noh. Che!

Tumingin ako kung saan sila lahat naka-tingin at nakita ko ang isang lalaking bugbog na bugbog ang mukha pero makikita mo pa rin ang kagwapuhan niya. ANO KA BA MIA?! NASA PANGANIB NA NGA YUNG TAO KUNG ANU-ANO PA SINASABI MO JAN?! Nakita ko siya na nakatayo sa balcony ng school at parang magtatangkang magbigti dahil may inaayos siyang tali. Nagsimula nanaman magsalita ang mga tao sa paligid ako at yung iba naman ay sumisigaw.

"HOY! ETHAN! TUMALON KA NA?! HINDI KA NABABAGAY DITO!"

"BUTI NALANG TALAGA AT BINIGYAN KA NG BLACK CARD NG HAWKS!"

"Sayang pogi pa naman si Ethan Waynescott."

"Oo nga."

Ayan lang naman yung mga naririnig ko-! Sandali lang, Waynescott ba kamo?! Eh siya yung umorder ng tinapay samin eh. Kumaripas naman ako ng takbo at pagtingin ko nalang nasa balcony na ako.

"Ho-hoy! Te-teka lang!" Hingal na sabi ko. Napatingin nman agad siya sa akin at nagulat siya kaya nabitawan niya yung taling hawak-hawak niya.

"Teka lang naman. Bayaran mo muna 'tong inorder mo oh. 265 lang naman lahat eh." Dagdag ko pa. Napangiti naman siya sa sinabi ko at napakunot ang noo ko dahil nacoconfused ako. Nakuha pa talaga niyang ngumiti ah! Aber?!

"Tawagan mo pamilya ko, sila singilin mo kasi wala na'kong mabibigay sayo kapag patay na'ko." Aba! At nakuha pa niyang magbi-! Teka lang! Patay?! Sinong patay?!

"Te-teka! Ano bang pinagsasasabi mo, ha?!"

"Malalaman at maiintindihan mo lang lahat ng nangyayari at sinasabi ko sa'yo kapag nakapasok ka sa impyerno na'to."

"Anong impyerno pinagsasasabi mo? Eh ang ganda ganda nga ng eskwelahan na pinapasukan mo." Napasimangot naman ako. At siya namang ngiti niya. Ano ba problema niya?

"Oh, sige na tatalon na'ko!" Sabi niya tapos bigla siyang tumalon. Pero bago pa siya malaglag, nahawakan ko siya..

Ano ba 'tong napasok ko?!

Itutuloy....

The Heartbeat (ON-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon