"Ngayon naman mapunta tayo sa balita sa Hawks Group Academy. Kalat na sa social medias na mayroong isang babae na nagdeliver lamang ng order na tinapay na walang takot na sinagip ang isang lalaki... Napag-alamang siya'y isang anak ng may-ari ng isang ba-." Hindi ko na tinapos pa ang balita. Palagi nalang yung naririnig ko nitong mga nakaraang 4 na araw. Aish! Bakit pura yan nalang nakikita ko at naririnig? Kung hindi sa tv sa mga dyaryo. Hay nako!
"Oh! Mia! Tignan mo'to dali! Alam mo ba na tawag nila sayo ay ang mighty girl?! Omg! Sikat ka na!" Sabi ng kaisa-isa kong kaibigan na si Zoey.
"Yah! Shut up!" sabi ko.
"Nag a-alien language ka nanaman diyan. Nako!" Sabi niya habang nakatingin pa rin sa laptop niya. Yung feeling na nagtatrabaho kami pero andun siya, nakatanga sa laptop niya. Itong babaeng to, kung hindi hopeless romantic napaka adik sa internet. Aish!
Napatingin naman ako sa pintuan ng shop."Magandang hapon po! Ano po ang oorderin niyo?" Masayang bati ko. Mga estudyante sila na galing sa ibang paaralan.
"Oh! It's the mighty girl! Omg! Gray, take a photo of us!" Sabi nung babae na estudyante. Tumabi siya sakin ako naman ngumiti nalang ng pilit. Nako naman, pati ba naman sila?!
---
"Zoe, sige mauna na ako sayo ah? Baka hinahanap na'ko eh! Bye!" Nag-bike na ako pauwi. Baka hinahanap na ako ni mama eh.
Pagkadating ko sa bahay, nakabukas lahat ng ilaw. Eh? Bakit naman kaya? May bisita ba kami? Pumasok na'ko at may nakita ako pares ng mga sapatos.
"MAMA! NANDITO NA PO A-!" Trip ba talaga ng mga tao ngayon na putulin yung mga sinasabi ko?! Nagulat nalang ako kasi biglang sumigaw si mama at... Si Papa Woo Bin at Kuya Yoon Jae?!
"Waah! APPA! OPPA!!" Sabay takbo ko papunta sa kanila. Nako naman, namiss ko talaga sila!
"Gwaenchana? (Okay ka lang ba?)" tanong sakin ni Papa.
"Ye, Appa! I just missed you that's all." Sabi ko sabay niyakap naman niya ako ng mahigpit.
"I missed you too princess." Sabi naman ni papa. Lumapit naman ako kay Kuya.
"OPPA!" Sigaw ko.
"Yah! You're so loud." Sabi niya pero tumawa lang kami.
"I miss you Kuya." Sabi ko. Ngumiti siya tas niyakap ako.
"Namiss din kita little sis."
"Bakit nga po pala kayo napauwi dito?" Nakangiting tanong ko. Nakatingin lang ako sa kanila habang nagtinginan naman si Papa, Kuya at Mama. Ano ba nangyayari sa pamilya ko?!
"Anak, kasi napagdesisyunan namin ng papa mo na lilipat na tayo ng bahay at hindi na tayo dito titira. Dun na tayo sa totoo nating bahay titira." Sabi ni mama. Totoong bahay?
"Bahay? Edi ba ito naman po yung bahay natin?"
"Kasi anak... Tinago namin sayo ng papa mo ang totoo. Ang totoo niyan, hindi talaga tayo mahirap. May sarili tayong business sa Korea na inaasikaso nila papa mo at kuya. Ang totoo niyang, pinatira tayo ng papa mo dito hangga't inaayos nila lahat ng problema. Ngayon na yung panahon na yun na naayos na ang lahat at stable na rin ang kumpanya natin. Kaya andito sila dahil dito na sila titira kasama natin." Hindi pa rin mag-sink in sa utak ko ang lahat. Basta ang nararamdaman ko lang ngayon ay masaya ako.
"Yes! Kasama na natin sila papa!" Tinawanan nalang ako nilala mama. Nakaktuwang isipin na may kaya pala kami? Hala.
-
2 araw ang nakakalipas simula nung lumipat kami sa bahay namin. Ang akala ko sakto lang saming apat ang bahay namin pero hindi ko akalain na napakalaki pala. Mansion siya kung tutuusin. Bakit ganun? Hindi man lang nila sinabi sakin. Pero kung ano man ang dahilan, sigurado akong kaya nila tinago sakin para sa ikakabuti ng buhay ko.Ngayon, andito lang ako sa shop namin kasama si Zoey. Kahit naman ganoon na yung bahay namin, hindi ko pa rin makakalimutan mamuhay ng simple lang. Nakayuko lang ako sa may counter ng biglang may kumalabit sakin. Pag angat ko ng ulo ko, nakita ko si kuya.
"Oh, Oppa! Waeyo? (Kuya, bakit?)"
"Teka! Kuya mo siya?!" Tanong sakin ni Zoe. Oo nga pala hindi ko pa nasasabi sa kanya tungkol kay kuya.
"Oo kapatid ko siya. Siya nga pala si-"
"Kim Yoon Jae. Oo kilala ko siya, kilalang kilala. Artista kaya siya." Sabi ni Zoe habang pinapantasya si Kuya. HALA WEH?! SI KUYA ISANG ARTISTA? MANIWALA. ASUS.
"Kuya, totoo ba mga pinagsasasabi neto ni Zoe?" Tumingin ako sa kanya at nakangiti lang siya sakin. Umalis si zoe saglit at pag balik niya may hawak na siyang isang korean magazine. Pag tingin ko, nanlaki ang mga mata ko at si kuya nga ang cover nito.
"Hala Kuya! Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"
"Saka ko na ipapaliwanag sayo. Kailangan na natin umalis kasi hinahabol ako ng mga media at pinuntahan kita dito dahil aalis tayong dalawa." Aalis? Saan naman? "Basta. ZOE! Ikaw na muna bahala dito sa shop namin ah? Bye!" Sabi niya sabay hatak sakin palabas at papunta sa kotse niya.
Saan naman kaya kami pupunta ng magaling kong kuya?
Itutuloy....
--------
HELLO SA INYO! HAHAHAHA KAMUSTA PALA ANG PROLOGUE, CHAPTER ONE AT TWO? COMMENT LANG KAYO! ALAM KO ANG BORING PERO PAG MALAPIT NA KAYO SA CLIMAX, MATUTUWA KAYO. HINDI KO KAYO BIBIGUIN! HEHE. PLEASE COMMENT, LIKE AND READ!Next chapter magkakaron tayo ng q and a about sa story at sa author! THANK YOU SA INYO! GOD BLESS!
-chrisbrownies 😂

BINABASA MO ANG
The Heartbeat (ON-Going)
Teen FictionHello po! Bago lang po ako sa Wattpad and this is my first story. It's a teen fiction story na inspired ng Boys Over Flowers na korean-novela. Hahaha cliché lol. Anyway, sana po magustuhan niyo and don't forget to read, comment and like. THANK YOU A...