"Babalik ka ha. Promise?"
"P.R.O.M.I.S.E ! Promise!"
~
Malamig ang simoy ng hangin, kumukutitap ang mga ilaw sa mga bahay at gusali na dinadaanan namin. Malapit na ang pasko! Siguradong madami nanamang handa kina lolo at lola ngayon.
Tuwing magpapasko at bagong taon, doon namin lagi pinagdiriwang ang mga iyon, sama sama at masaya.
Isa yun sa mga dahilan kung bakit sobrang excited akong umuwi kina lolo at lola.
May trabaho na ko at sariling sasakyan kaya ako nalang mag isa ang pupunta doon, nauna na rin sina mama at papa doon.
Napagdisiyunan ko na huminto sa isang park. Tanging poste lamang ang ilaw doon at isang malaking christmas tree! Wala pang tao sa park dahil lahat ng mga tao ay busy sa paghahanda ng masasarap na pagkain.
Napaupo ako sa isang bato na upuan doon.
Wala paring pinagbago simula ng mga araw na yun.6 years ago
Nasa park ako non. Naglalaro mag isa. Wala akong kaibigan dahil sa bago lamang ako sa lugar na iyon.
Mag isa lang ako na nakaupo sa bato na upuan na iyon.
Nang maggabi na ay umuwi na ko. Strikto kase sina mama at papa non. Kahit paglalaro ko sa park ay hindi ako pinapayagan.
Naglalakad na ko patungo sa bahay namin noon ng may nakita akong lalaki na nakaupo sa bato na upuan na inuupuan ko.
Nung mga oras na yun ay nanginginig ako sa takot na baka masamang tao iyon.
Nakatingin siya saakin ng diretso dahil sa takot ko, tumakbo ako hanggang sa makakaya ko pauwi sa bahay namin. Hingal na hingal ako noon at napayakap ako kaagad sa mama ko.
Tinanong niya kaagad ako kung anong nangyari saakin. Sabi ko naman eh may humabol lang saakin na aso.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko sinabi ang totoo, dahil na rin siguro na baka hindi na ako palabasin ulit ng mama ko kaya nasabi ko iyon.
Magpapasko din nung mga oras na yun, busy ang lahat ng mga oras na yun.
Isinama ako ng mama ko sa isang supermarket para bumili pa ng mga kulang sa mga niluluto nila.
Alas syete na ng gabi non, tahimik at tanging poste lang ang ilaw ng mga gabing yun. Todo kapit ako sa mama ko dahil madadaanan namin yung park na kung saan ko nakita yung lalaki na yun.
Yumakap ako kay mama ng padaan na kami sa park.
Nang maramdaman ko na nalagpasan na namin iyon ay sumulyap ako.
Nakita ko na nandoon padin yung lalaki. Napakapit ako ng mahigpit sa mama ko.
Kung iisipin, halos magkasing edad lang kami ng lalaking yon. Pero bakit niya ako tinitignan?
Tinititigan?
Pauwi na kami ng mama ko ng biglang bumuhos ang malakas na ulan, buti nalang at may dala si mama na payong non at lumusong kami kahit na napakalakas ng ulan non.
Nadaanan namin muli ang park, at nakita ko padin ang lalaki doon. Nanginig ako sa sobrang takot at lamig. Nababasa siya ng ulan. Wala ba siyang bahay? O magulang? Bakit siya nandun?
Sinabi ko sa mama ko na may nakkita akong lalaki doon sa park. Sumulyap siya ng tingin pero wala daw siyang nakita. Natakot ako ng sobrang ng mga oras na yun.
Multo ba siya? Bakit hindi siya nakikita ni mama?
11pm na at busy na ang lahat sa paghahanda. Dahil hindi lang pasko ang pinagdiriwang namin ng mga oras na yun kundi ang anniversary ng lolo at lola ko.
