Sulat

18 2 4
                                    

Hi!

Natatandaan mo pa ba ako?

Ako yung babaeng sinuyo mo.

Ako yung babaeng niligawan mo ng halos tatlong buwan.

Ako yung babaeng mahal na mahal ka. Dati.

Naaalala mo paba yung mga oras na magkasama tayo?

Ang saya saya natin non.

Nagde-date tayo tatlong beses sa isang linggo. Kapag monthsarry naman natin, nagreregaluhan tayo.

Alam mo ba yung pinakamagandang regalong natanggap ko? Nong 1st anniversary natin.

Niregaluhan mo ako ng isang necklace.

Ang ganda ganda!

Niyakap kita at umiyak ako. Tinahan mo ako at hinalikan. Hinding hindi ko malilimutan iyon.

Naalala mo paba nong bago tayo grumaduate sa High School?

Kinantahan mo ako nun.

Ang ganda ganda ng boses mo, nakakapang-akit.

Feeling ko nun, ang swerte swerte ko dahil mahal mo ako. Ang swerte swerte ko dahil ako yung kinakantahan mo. Ang swerte swerte ko kasi ikaw at ako.

Pero bakit bigla nalang naglaho?

Hindi na tayo ganoong nagdedate. Magkaparehas lang ang University na pinapasukan natin pero bakit hindi na kita makita?

Nakita kita isang araw sa corridor, inaya kitang magdate dahil miss na miss na kita.

Pero ang rason mo?

"Mamaya na. May gagawin ako."

Nasaktan ako nun. Pero ngumiti ako at sinabing,

"Ganon ba? Sayang! Sige, next time nalang."

Tumalikod ako sa'yo at pinunasan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

Nakita ulit kita, pero ganun parin ang mga dahilan mo. Lagi akong ngumingiti at pinapakitang ayos lang ang lahat, na kaya ko pa.

Pero pagkatalikod ko, lagi nalang akong nagpupunas ng mga luha. Pakiramdam ko, hindi na ako mahalaga. Pakiramdam ko, para akong kandilang nauupos.

Nakita kita isang araw sa mall, may kasama kang iba. Nakangiti at magkayakap pa kayo papasok sa sinehan.

Naghintay ako sa labas. Na baka pinsan mo lang iyon at tayo naman. Kahit na alam kong iba na.

Makalipas ang dalawang oras, lumabas kayo. Magkahawak ang mga kamay na madalas nating ginagawa, masayang nagkukwentuhan habang naglalakad. Gusto kitang sigawan, gusto kong magtanong sa'yo.

Pero imbis na magsalita, sumunod ako sa inyo. San man kayo magpunta, nakasunod ako.

Magkasama kayong sumakay sa tricycle, sinundan ko kayo. Huminto ang tricycle at lumabas kayong dalawa. Nag-usap pa muna kayo bago mo siya hinalikan sa noo, sa ilong at sa labi na madalas mong ginagawa noong tayo pa.

Umiyak ako. Tinanong ako ng tricycle driver kung ano ang problema, pero umiling ako at ngumiti. Sumakay kana ulit sa tricycle at umalis. Umalis na rin kami at umuwi na ako.

Nakasalubong kita sa corridor, nadaanan na kita pero ni hindi ka man lang kumibo. Tumingin ako sa'yo at iba na pala ang sinusundo mo. Dahil sa pagtingin sa'yo, hindi ko napansin ang lalakeng dumadaan kung kaya't nagkabungguan kami.

Lumingon ako sa'yo pero papaalis na kayo. Umiyak ako. Umiyak ako sa harapan ng taong hindi ko kilala. Pero imbis na umalis siya, nagtanong pa siya.

UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon