Angel

40 6 15
                                    

ANGEL

HER POV

"...and our tonight's guest is.... Ms. Sasha Ramos!"
Nagpalakpakan ang nga tao sa paligid matapos magsalita ng MC. Ang iba nga ay naghiyawan pa. Ngiting-ngiti ako habang papunta sa stage.

"Oh Hello Ms. Sasha! O mas kilala bilang... Sassy! Kamusta kana?" Tanong nung MC. Binigyan ako ng mic nung isang staff.

"HELLO EVERYONE!" Bati ko muna sakanila. Nagsigawan naman yung iba at pumalakpak. Hinarap ko yung MC.

"I'm fine naman. Medyo haggard na nga ako as you can see. Mallshows dito, mallshows don. Konti nalang ay tumira na ako sa mga mall. Ano tawag dun? Mall girl?" Banat ko. Nagtawanan naman yung ibang mga tao na nanunuod.

"Naman teh! Sassy, alam mo ba kung bakit nandito ka?" Tanong nung MC. Ngumiti lang naman ako. Humarap yung MC sa mga tao at binasa ang parang papel na nakalagay sa card.

"Tonight, Sassy is here because she has a mission." NApa-'woah' lahat sa sinabing mission. Maski ako.

"And that mission is... bubunot siya ng mga taong magtatanong sakanya mula sa audience!" Sigw nung MC. Nagsigawan naman na yung tao kayo natawa nalang ako. May staff na lumapit samin na may hawak hawak na box. Isinulot ko yung kamay ko dun at rinumble yung mga papel. Nang matapos, bumunot ako ng isa.

"Okay, our first lucky audience is... NUMBER 1!4!2! 142!" Nagsigawan yung parteng gitna kaya napatingin ako dun.

"HELLO PO ATE SASSY!" Bati niya sabay tili. Kumaway ako sakanya.

"Hello din!" Sabi ko saka tumawa. Nagtanong lang siya. Matapos niya ay may nga sumunod pa hanggang sa last nalang.

"Our last but not the least... NUMBER 135!"

Di ko alam pero bigla akong kinabahan. Pamilyar yung number. Tumingin ako sa audience at agad kong nakita yung number 135. Isang babae na maganda at maputi.

Pamilyar siya.

"Okay, what's your question?" Tanong nung MC. Ngumiti lang naman yung taong may dala ng cardboard.

"Pwede mo itong di sagutin. May nangyari ba na sobrang saya sa buhay mo na nagdala ng lungkot at kung ano-anong saring emosyon?" Tanong nung babae. I smiled at her.

"Actually, oo. She's a friend of mine. An Angel sent from above." Saad ko saka ngumiti.

"Kwento mo daliiiii!" Sabi nung MC. Natawa naman ako.

"Okay, it happened nung..."

12 YEARS AGO..

"HOY SASHA!" Napayuko nalang ako. Sila na naman. Ano na naman ba ang kasalanan ko sakanila at hilig nila akong ibully?

"Cassy, look oh! Di ka pinansin!" Sabi ni Jilian kay Cassy. Nagalit naman si Cassy kaya pinaangat ako ng tingin.

"HOY! Kinakausap kita!" Saad niya. Kinakabahan na ako sa totoo lang.

"HOOOOY FRIEEEND! ANDYAN KA LANG PALA! HAHAHAHA!" Nagulat ako nung may umakbay saken kaya napayuko ako.

"Sumunod ka nalang saken."

Napatingin ako sa umakbay saken. Nakangiti lang siya saken bago ako tinanguan. Pinaikot niya ang pwesto namin kaya nakatalikod na kami ngayon kila Cassy.

"HOY NERD! AT TALAGANG!" Sigaw ni Cassy pero bigla lang tumawa itong katabi ko.

"Oo nga eh! Nagulat nga ako nang makita kita dito!" Tila hyper na saad niya na tuwang tuwa nang makita ako. Napakunot ang noo ko.

UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon