Two: Buhay parang Life

2 0 0
                                    

(Cassie's POV)

"Part ng plano yung kidnapping incident para sa surprise party para sayo Althea pero may kung sinong sumira nun. Umayaw na si Jake dahil may kung sino daw ang nanakit sa kanya...."

"Cassie, at first I thought you're my savior and I liked you pero ngayon, I surprisingly loathe you. You ruined my party. You ruined everything on my birthday! Thanks a lot."

WAAAAAAAAAAAAAAH! Gusto kong umiyak sa kahihiyan!

Naiinis ako! Oo nakakahiya at mapapel yung ginawa ko pero NAKAKAASAR TALAGA!

Gusto ko lang naman tumulong e!

Masama ba yun? Tas yung Althea na yun!!!!

Ughhhh! Di ba nya naintindihan?! Malay ko ba, MALAY BA NAMING pauso lang yun.

Grabe! Edi sana pala pinabayaan ko na lang sya. Errrr!

Sana naging totoo na lang yung kidnap kidnap na yun tas errrr! (Okay harsh) GRABE! Buti na lang hindi ako nag eskandalo talaga!

HAY NAKOOOO! Pagtalaga nakita ko yung magkapatid na yun, ay de WAG NA! AYAW KO NA SILANG MAKITA.

AS IN EVEEEEEER! nakakahiyaaaa!

Sinira ko ang isang party :( :( urrrr!

Sarap i-untog tong ulo ko e.

Actually kanina ko pa sya inuuntog sa unan.

"Wah! Tangengot!"

"Good job Cassie!"

"Nakakahiyaaaa!"

Nung medyo nahilo na ko, dumapa na lang ako at pumikit.

Nakakahiya talaga.

Itulog ko na nga muna to.

Tekaaa, pero sa kanila lang ako napahiya talaga...

Kung tutuusin sila talaga mapapahiya lalo na yung kuya nya MWAHAHAHAHAHA! Kasi fail yung plano.

Peroooo wait, yung sinipa ko. Mygaaaad.

Sya pa :/ nakakahiyaaaa.

Kelangan ko mag sorry sa kanya.

Harhaaaaar. Nababaliw na kooo.

(Theo's POV)

"Uyy kain ka na." Sabi ni Jake.

Tumango na lang ako.

Nakakapikon talaga e.

Akala ko magiging katulad ng pinlano yung mangyayari.

(FLASHBACK)

Tumatawag si Clyde.

"Ohh?" Sabi ko.

(Okay na, nakatali na sya boss. Hahahaha)

"Sira, eh yung iba?"

(Inaayos na nila yung lugar)

"Ahh ge, papunta na ko e. sino sino na nandyan?"

(Kami tas yung mga kaibigan ni Althea, mga pinsan nyo pati ate mo.)

"Si ate... Andyan?"

(Oo, pero sabi aalis din daw sya maya maya kaya bilisan nyo na.)

"Ah sige." In-end call ko na.

(END OF FLASHBACK)

Masaya ako kahit papano kasi si ate pumunta. Sa aming tatlong magkakapatid, si ate ang hindi namin makasundo kasi step sister lang namin sya.

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon