Five: Epal na Stalker ng Chipmunk

4 0 0
                                    

(Theo's POV)

Haist. Two weeks na rin akong nandito sa S.E.A. at bantay sarado ni tita.

Mailap ako sa mga iba dito.

Hindi ako nakikipagusap kung di naman kelangan.

May isang babae lang talagang nakakairita -___-

Yung Cassie na yun. Kaaaaasar.

Ang ingay pa nya.

Pero nakakatawang pagtripan.

Halatang pikon e kaya mas nakakatrip asarin at inisin.

Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa locker ko.

Iiwanan ko lahat ng libro ko para walang hassle dalin bukas. Wala naman kaming assignment eh.

Pero di ako yung tamad tamaran na estudyante.

Nag aaral ako kahit papano.

Napatigil ako sa paglalakad nung makasalubong ko sya, si Samantha.

"Theo."

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya.

"Ano?"

"Theo may sasabihin ako..."

"Sabihin mo na." Di ko pa rin sya tinitignan.

"Sor-"

"SAAAAAAAM!" Yung boses nanaman na yun -__-

Napatingin kami pareho sa papalapit na ewan.

"Sam!" Hinawakan nya yung braso ni Sam dahil sa pagkahingal.

"Bakit?"

"Wala, akala ko aalis ka na e." sabi ni Cassie. "Teka magkausap kayo ni chipmunk?"

Chipmunk?

"Bakit selos ka?" Bigla kong sabe.

...

...

Ba't ko nasabi yun?

Pareho silang napatingin sa'kin.

O___O - Cassie - >__<

(~.~) - Samantha

"KA-PAL-NG-MU-KHA-MO!" Sigaw nya.

"tss. Ano naman ngayon kung magkausap kami? bawal ba?"

"Mamaya inaaway mo tong si Sam ko e."

Sam nya? O talaga?

"Hindi. Ano ka ba, hindi mo ba natatandaan?" Biglang sabi ni Samantha.

Alam ni Cassie ang tungkol sa'min? Sabagay mag bestfriend sila.

"alin?"

"Cassie naman schoolmate ko sya sa TBU dati nung sophomore and junior years ko diba?"

Kalahati lang ng junior year nagdrop out sya at nagtransfer.

Napatingin ako kay Samantha. Wala pa ring pinagbago yung boses nya. Calm pa rin yung parang boses na hindi mo maririnig sumigaw.

Boses ng isang mahinhin na babae.

Kaya nagtataka ako bakit yung Cassie pa yung naging bestfriend nya? -_- tsss.

Opposites attract nga pala.

"Ahhh. So bale friends kayo?" Tanong ni Cassie.

Di nya alam?

"Hmm. Aa...aahh-"

"Tingin ko hinde naman kasi hindi naman nakikipagkaibigan yang chipmunk na yan e. Based sa background research na ginawa ko apat lang na lalaki ang kaibigan nya."

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon