-Kinabukasan, medyo kinakabahan ako dahil sa dalawang meaning..Una, pumasok na si Adam, Pangalawa, hindi ko alam ang gagawin ko pag nangyari nga yung sign..
"Hi Chris!"
-nang biglang may tunawag sa akin, sino yun? Bigla kong tingin.
"Oh, ikaw pala Adam!, hi din!"
-Ohmagadd!! Si Adam, hala! Nagkatotoo yung sign, nag 'hi' sya sa akin..#HotSeat
"Ahh, Chris, natahinik ka yata, anong meron?"
"Ahhh, ehhh, nagkatotoo kasi yung sign na hinihingi ko.."
"Bakit? Ano ba yun?" -tanong nya
"Halika dun tayo sa walang makakarinig sa atin."
-So ayun nga, inaya ko sya, baka kasi may makarinig sa amin pag dun ko sinabi. Halong kaba at takot ang nadama ko..Kaba dahil baka anong sabihin nya at takot dahil baka ma-reject ako..
"O cge Chris, ano ba yun?"
"Ahh, Dam, nanghingi kasi ako ng sign kahapon, nagdasal ako at sabi ko na kapag nag 'Hi' ka sa akin ngayon ay ibig sabihin gusto na kita, tapos ayun, diba kanina lang nag 'Hi' ka sa akin.."
"Ahh, yun ba? Edi gusto mo pala ako?"
" alam mo kasi minsan hindi nagiging totoo ang akala mo, akala ko dati hindi ako magkakagusto sa isang scholar, sa isang mahirap, lalo na sayo, kasi akala ko na magiging isa ka sa mga taong wawasakin ko ang puso, pero hindi pala, ako pa ang mawawasak ang puso.."
"Ohhh, ganun ba? Okay lang yan..okay lang yan at umamin ka, kesa naman yung itago mo lang yan."
"Magkaibigan pa rin ba tayo? May mawawala ba?"
"Oo naman, magkaibigan parin tayo, walang magbabago."
-Pagkatapos nito'y parang natanggal ang tinik sa puso ko, bakit ganun? Hindi naman ko ganito dati ah..anong nangyare sa akin?
_________________________________
Hayy, naamin na nga ni Marie ang saloobin nya, biruin nyo yun? Dati nandidiri pa sya at napaka bad girl sa mga scholar, pero ang taong akala nya na hindi nya gugustohin ay yun pa ang minahal nya.Minsan talaga hindi lahat ng akala mo ay totoo..
BINABASA MO ANG
Sweetheart for Eternity
Historia CortaChristina Marie Mendez, isang bad girl na accidentally na-fall sa taong hindi inakalang magugustuhan nya.. Minsan kasi talaga, may mga bagay na hindi mo aakaling mangyayare pero may mga bagay din na kahit alam mo na mangyayare ay magiging kabaligta...