Love, Faith, Hope (Stage Play Script)

12K 35 5
                                    

Love, Faith, Hope

By Cuaresma, Jazz

 

Mga Tauhan:

·         Love – 23

·         Faith – 23

·         Pastora Hope - 38

·         People of the Church

Sinopsis ng mga Tauhan:

 Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang magkaybigan, si Love at Faith. Si Love ay isang mabuting anak at kaybigan. Mahal na mahal niya ang kanyang magulang. Madasalin din siya. Ngunit may isang trahedyang babago sa paniniwala at ugali niya. Mawawalan siya ng pananampalataya at tiwala sa Panginoon. Sa panahong iyon, tanging si Faith lamang ang nag-iisang tumutulong at umiintindi sakanya. Si Faith lang din ang nagtatyaga at nagmamahal kay Love. Si Faith ay wala nang magulang. Mabuti siyang kaybigan. Hindi siya nagsasawa kahit palagi siyang itinataboy ni Love. Si Pastora Hope naman ang itinuturing na Nanay ni Faith. Lahat ng bagay na nangyayari sakanya ay si Pastora Hope ang nakakaalam. Siya rin ang tutulong para magkaayos ang dalawang magkaybigan.

Tanawin:

Pulang kurtina.

Panahon:

 Kasalukuyan.

I: Ang stage ay madilim. Sa gitnang bahagi ng intablado ay may mahabang upuan. Sa Hospital ito. Wala ilaw ang gitna. Sa kanang bahagi naman ay may spotlight. Ang tinututukan nito ay si Love.

 

Love: (Nakaluhod. Umiiyak) Panginoon, bakit po ngayon pa nangyari saamin 'to? Kung kaylan matutupad ko na lahat ng pangarap ko para sakanila at lahat ng pangarap nila para saakin. Panginoon, iligtas mo po sila. Hindi ko po kayang wala sila sa tabi ko. Hindi ko po kayang mag-isa. Alam mo po kung gaano sila kahalaga saakin. Sila lang ang nagbibigay ng lakas saakin, Panginoon. Hindi ko pa po nasasabing mahal na mahal ko sila. Panginoon, ito nalang po ang tanging hinihiling ko sayo. Wag mo po sila kunin saakin. Nagmamakaawa ako sayo! (Tutunog ang cellphone. Magpupunas ng luha. Tatayo. Sasagutin ang tawag) Oh Faith, bakit? (Matitigilan. Walang ekspresyon ang mukha pero tutulo ang luha.) Ano? (Tatakbo papunta sa gitna. Bubukas ang ilaw ng entablado.)

Faith: (Tatayo mula sa pagkakaupo) Love, I'm sorry! (Naiiyak)

Love: Nasan sila? (Tatakbo pero mapipigil siya ni Faith) Nasan sila? (Umiiyak) Faith, nasan sila? Bakit ayaw mong sabihin saakin? Nagsisinungaling ka lang, diba? Niloloko mo lang ako, diba? (Lalakas ang pag-iyak)

Faith: Love, tandaan mo na lagi mo akong kasama. Hindi kita iiwan! (Yayakapin)

Love: (Magpupumiglas) Hindi totoo 'to! Umalis ka. Pupuntahan ko sila! (Umiiyak)

Faith: Tama na Love. Lakasan mo ang loob mo! Ayokong nakikita kang ganyan! (Umiiyak parin)

Love: Mama! Papa! (Umiiyak) Kasalanan ko 'to. Dapat hindi ko sila iniwan. Dapat sinamahan ko sila. Kasalanan ko 'to! (Hihigpit ang yakap kay Faith)

Faith: Wag mong sisihin ang sarili mo! Wala kang kasalanan. Walang may gusto nito. Magdasal ka, Love. Walang higit na makakapagcomfort sayo, kundi Sya lang.

Love: (Matitigilan. Magpupunas ng luha.) Magdasal? Magdasal ba, Faith? Eh bingi yata yang Diyos mo eh. Taimtim akong nagdasal sakanya. (Mapapaupo) Ang hinihiling ko lang naman ay iligtas nya ang magulang ko. Ngayon lang naman ako humiling. Lagi naman akong nagpapasalamat sa mga binibigay nya sakin. Tuwing linggo naman ako nagsisimba! Yun lang ang tangi kong hiniling! Pambihirang buhay to! Sila na nga lang ang natitira saakin, kinuha Nya pa! (Magtatakip ng mukha. Umiiyak) Ayoko na! Ayoko na!

Love. Faith, Hope (Stage Play Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon