Sip# -3

16 1 0
                                    

Diane,

Mas minadali ko pa ang paglalakad papasok sa kwarto niya.
Hindi mawala ang mga ngiti ko sa labi.

Pero pinagsisishan ko na ang pagpunta ko dito. Pakiramdam ko umikot ang mundo ko. Nanlalambot ang tuhod ko. Haha. Higit pa pala 'to sa ineexpect ko.

"Diane..."
halata ang gulat sa ekspresyon ng mukha niya. Para bang anak ng nahuli ng nanay dahil may masamang ginagawa.

I expected too much, pero hindi yung fanito. Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko.

Busy pala siya. Sa babaeng kabit niya na estudyante. Sila parin pala hanggang ngayon. Ang tanga lang.

Nice view. Nasa ilalim siya ni Niel habang may takip na kumot ang hubad nilang katawan. Mga baboy.

Hindi ko namalayan ang mga maiinit na luhang patuloy sa pag-agos sa aking mukha.
Napahagulgol ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko na kaya, paulit-ulit. Parang sinaksak ang puso ko ng kutsilyo ng walang tigil.

Tama siya, BUSY SIYA PARA SA FUTURE NILA. Nakakatawang isipin, for all those years, nabuhay ako sa mundong puno ng kasinungalingan, na ako lang pala 'yong nagmamahal, na ako lang 'yong nag-eexpect ng sobra. Ayaw ko na. Tama na please.

"Diane..."
pag-uulit niya. Nagulat ako ng nasa harapan ko na siya habang suot ang boxer niya. Kailangan pa niyang ipamukha saken?

"No, diyan ka lang. Wag kang lalapit"
mahinang kong sabi na halos pabulong na nga. Patuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko. Bawat salitang binibitawan ko, ay tila mga karayom na paulit-ulit na tumutusok sa puso ko.

"It's not what you thin----"

*SLAP*

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Binuhos ko sa sampal ang sobrang sakit na nararamdaman ko.

"It's not what I think? Anong tingin mo sakin, tanga? hahah. Oo nga pala. Tanga ako.. matagal na"

puno ng sarkastiko kong sabi habang pigil kong pinapakawalan ang mahina kong pag-iyak.

"Tama na, ayaw ko na. Sapat na ang lahat ng nakita ko"

"Were just friend ok? Were just playing. Im sorry."

"Friends Niel? Friends? Ano kayo friends with benefit? Tapos youre just playing? ng ano, Sex?"

Pinahid ko ang mga natitirang luha sa mukha ko. Magpakatatag ka lang Diane, matatapos din ito. Bumuntong hininga ako bago ko binitawan ang mga salitang gusto kong iparating sa kanya. Ayaw ko na kasing makipagtalo.

"Happy 2nd Anniversary. Let's just break up"

Bago pa ako tuluyang umalis, nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.
Siguro nakalimutan na niya talaga na anniversary namin.

Patuloy lang ako sa pagtakbo. Sobrang bigat ng nararamdaman ko, gusto ko na lang humiga sa gitna ng kalsada at magpasagasa sa mga dumaraang sasakyan. Para matapos na 'tong paghihirap ko, para matapos na tong pagpapakasakit ko.

Paano ba ang magmahal ng hindi nasasaktan?

Nakakaaawa na kasi yung puso ko. Puro band aid na nga, sinaksak pa ng paulit-ulit. Double dead na nga to eh.

Love do really hurts.

Lakad takbo ang ginawa ko.
Hindi ko na alam kung saan ako nakarating. Ang nakita ko lang andito ako sa harap ng isang coffee shop. Once Upon A Coffe ang nakalagay.
It's already 12 in the midnight, pero may mga tao parin sa loob.

Pinagmasdan ko sila, nakakatuwang isipin na wala silang problema. Pero ako, pakiramdam ko pasan ko ang buong mundo.

Paulit-ulit sa pagtunog ang Cellphone ko. Paulit-ulit ang pagtawag ng hayop kong ex. Kaya't inalis ko ang simcard at inihagis sa kung saan. Bahala siya sa buhay niya.

Nakakahilo ang problema sa buhay, ang sarap sumuko. White flag.

Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung makakauwi pa ako. Siguro mapagkakamalan na akong pulubi dito dahil sa dungis ng itsura ko dala ng matinding pag-iyak kanina. Tapos naka-upo pa ako sa tabi ng kalasada na naghihintay sa paggunaw ng mundo.

Hanggang sa may pumarang taxi sa harap ko.

Mabuti pa si Manong kusang lumalapit. At nagpapasalamat ako dahil makakauwi na ako. Nakangiti siya habang pinagbubuksan ako ng pinto.. na para bang may himalang nangyari. Matapos kong sabihin ang address, pinaandar na niya ang sasakyan.

Sana ganun din ang pag-ibig parang taxi ni Manong, kusang lumalapit kahit hindi mo parahin. Pero tulad ng lahat ng mga ex ko, pagkatapos ng mahabang byahe ihahatid ka na sa bahay niyo ng mag-isa.

Mula ngayon, magpapakatatag na ako.

Hindi na ako magpapaloko sa mga lalaki.

Magmadre na lang kaya ako Siguro 'yon ang plano sakin ng Diyos kaya lagi akong sawi sa pag-ibig.

Haayyy ewan.
-------
Dont forget to vote and comment.^^

A/N: Feel ko si Diane. Masakit nga naman. xD charot.. ^-^

Once Upon a CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon