Chapter 1

5.4K 151 5
                                    

Mahiwang Mannequin
Isinulat ni M.G.B.

Chapter 1

Mahilig mangolekta ng mannequin si Rosita sobrang hilig nya ang bumili o magpaggawa nito.

Inilalagay nya ang mga ito sa isang malaking mansyon na sadyang ipinagawa nya para sa kanyang mga mannequin.

Lahat ng antique o magagarang mannequin ay pinipilit nyang bilhin sa may ari kung Hindi nya ito mapapayag ay idadaan nya ito sa dahas.

Mahilig syang magpaggawa ng mga mannequin na mayroong buhok ng tao at gustong gusto nyang bumili ng mga mannequin na kakaiba at may istorya sa likod nito nakakaramdam sya kasi ng kasiyahan at excitement.

Regaluhan mo sya ng mannequin ay ok na sya.
Sulsolan mo sya ng magandang mannequin ay masisiguro mong malakas na ang kapit mo sa kanya ganyan si Rosita buhay nya ang mga mannequin.

Minsan nga'y ipinabugbog nya sa mga kabarkada ang isang babae na mayroong scarecrow style mannequin hindi nya kasi ito madaan sa pakiusap at pera kaya idinaan nya ito sa dahas.

Halos araw araw ay bumibili sya ng mannequin na halos ikapuno ng mansyon nya.
Ngayong araw naman ay gusto nyang maghanap ng mannequin na itsura reyna naisip nya na mas sasaya sya kung magmimistulang kaharian ng mannequin ang mansyon nya na may hari at reyna.

"O ano ang binubusangot mo dyan"

tanong ni Maria sa anak na si Rosita.

Hindi sya pinansin ni Rosita bagkus ay mas sumimangot pa ito wala kasi syang nakita na mannequin na itsura reyna para sa mansion nyana kung tawagin nya ay "My Mansion".

"Ah alam ko na mannequin na naman sige kung yan ang binubusangot mo ipagpapagawa kita"

wika ni Maria sa anak naiinis narin kasi sya sa mukhang busangot ni Rosita para sa kanya ay malas ito.
Nagaliwalas naman ang muka ni Rosita .

"talaga mom yess! Mom yung gusto ko yung mahaba ang buhok matangkad sexy maganda yung mukang reyna yung ganun"

nakangiting sabi ni Rosita sa ina.

"Ok bukas ipapadeliver ko dito yang reynang mannequin na yan"

Wika ni Maria at kinuha na ang cellphone sa bag at tinawagan ang mangagawa ng mannequin ng anak.

Hindi naman makatulog si Rosita kakaisip sa Mannequin nya na darating bukas.

Magkakaroon na naman ako ng bagong mannequin

wika ni Rosita sa isip nya sa pagiisip nya at hindi nya namalayang nakatulog na sya

Kinabukasan.....

Itutuloy......

Ang Mahiwagang MannequinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon