Chapter 4 Heart to Heart

12 0 0
                                    

"Rain falls because the clouds can no longer handle the weight. Tears fall because the heart can no longer handle the pain."


----

Paglabas ni M sa aking kwarto, napatingin ako sa dungawan ng aking kwarto.. 'Akala ko totoo na.. Panagip lang pala ang lahat.'


Hindi pa rin maalis sa isip ko iyon. Ito siguro epekto kapag sobrang gusto mo makita ang isang tao. Pero.. tao rin nga ba siya na katulad ko? May parte sa akin na umaasang SANA... sana oo. Sana parehas kaming payapang naninirahan dito sa mundo ko.


---

Courtlynn's POV (M)

Naidaos ang kaarawan ni Shin. Hindi nga lang tulad dati na sobrang saya niya kahit simpleng pagdadaraos lang. Oo, isa siyang prinsesa pero bata pa siya. Hindi pa niya kayang magtago ng kanyang mga nararamdam.


Pagkatapos ng pagdaraos, hindi na siya kumain. Dumiretso na siya ng kanyang silid-tulugan. Makalipas ang ilang minuto, tinungo ko ang kanyang silid.



Nasa tapat na ako ng pinto ng kanyang kwarto. Kailangan kong i-compose ang aking sarili. Mas lalo lang bibigat ang pakiramdam ng aking anak kung makikita niyang apektado kami sa nangyayari sa kanya ngayon.

"Tok! Tok!"

"Anak." Napatingin sa akin si Shin na nakadukdok sa kanyang tuhod at mahinang humihikbi.

Lumapit ako. Umupo ako sa kanyang tabi at buong pagmamahal na niyakap siya.






"Shin..." Inalayo ko ang aking sarili sa kanya upang magkaroon ng espasyo sa pagitan naming dalawa. Marahang hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay.


"Alam kong sobrang nahihirapan ka na anak. Di mo ginusto na iwan siya sa mundo na iyon. Hindi siya matutuwa kung magmumukmok ka lang. Ipakita mo na may kinahantungan yung pagsasakripisyo niya. Ang pagliligtas niya sa iyo."


Itinaklob niya ang kanyang kanang braso sa kanyang mata. Pinipigil ang mga luha na gustong kumawala.


Ilang minuto siya sa ganoong posisyon.






"So-sobrang kinakain na ako ng kalungkutan..." malungkot niyang sabi. Niyakap niya ako. Ganun din naman ang ginawa ko.

"M, nahi-hirapan na ako... A-a-ayoko na... *sob* Hindi ako karapat-dapat maging prinsesa. *sob* Sana ako na lang yung naiwan. *sob* Sana hindi na ako pumayag sa gusto niya. Sana siya ang nakaligtas at hindi ako. *sob* M... ang sakit-sakit... *sob* "

Hindi ko alam ang sasabihin. Paano ko nga ba pagagaanin ang kalooban ng anak ko. Hindi ko alam lahat ng nangyari sa kanya habang nasa Other World siya. Hindi ko rin lubos na alam kung gaano kahalaga yung binatang sinasabi niya. Ang alam ko lang sobrang nasasaktan ang anak ko.



Hinagod ko ang kanyang likod.




"Magiging ayos din ang lahat, Shin." Ilang salita na iniwan ko sa kanya bago tuluyang umalis ng kanyang kwarto.



Magiging ayos din ang lahat. Sa tamang panahon, anak. Sa tamang panahon...






Daishi's POV

Time heals.



Kaso gaano katagal???



Hanggang kelan ako mananatili sa kadiliman?

----

My Question: Akala ko ba next chapter ay start na ng story ni Daishi Lynn sa Other World?

My answer: I thought so. Hehehe peace!

Sorry. Change of ideas. Naisip ko kasi mas magandang may magandang role ang mother sa story na 'to. Hindi yung puro teenage love.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finder's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon